Dahan dahan akong dumilat dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Naramdaman kong may nakatanday na bagay sa may bandang bewang ko. Agad akong kinabahan at tiningnan kung sino ito.
"Shit." bulong ko at dahan dahang inalis ang nakatanday na braso ng lalaking kasama ko kagabi.
Umalis ako sa tabi niya at agad king hinanap ang damit ko sa loob ng kwarto. Agad ko naman itong nahanap at sinuot. Habang ginagawa ko to ay naalala ko ang mga pinaggagawa ko kagabi. Alam kong napakabastos ng gagawin ko na iiwan ko siya ngayon pero mas lalo lang ako mahihiya sa kanya kapag hinintay ko pa siyang gumising.
Pagkatapos kong magbihis ay hindi na ako nag-atubiling umalis na. Sinulyapan ko ulit ang natutulog niyang estado bago nagtungo sa pintuan at lumabas. Sumakay ako sa elevator para makalabas.
"Hello, Miss. May telepono po ba kayo?" tanong ko sa receptionist at tumango naman ito.
"Pwede ho bang makitawag?" tanong ko at but nalang ay mabait ang receptionist na ito at pinatawag ako. Nakalimutan ko kasi sa bahay nila Icarus yung cellphone ko.
"Please sumagot ka." bulong ko habang pinipigilan ko ang emosyon ko.
"Hello?"
"Icarus," bulong ko sabay tulo ng mga luha ko.
"Allele? Nasaan ka?" bakas sa tono ng boses nito ang pag-aalala.
"Pwede mo ba akong sunduin dito." pinipilit kong hindi ipahalata na umiiyak na ako ngayon pero sino bang maloloko ko.
"Nasan ka? Susunduin kita. Diyan ka lang." sinabi ko naman sa kanya kung nasan ako at agad naman niyang sinabi na maghintay ako sa kanya at susunduin niya ako.
Ilang minuto ang tinagal bago dumating si Icarus. Agad ko siyang niyakap at umiyak sa balikat niya.
"Sorry." bulong ko habang umiiyak at siya naman ay pinapatahan naman niya ako.
"Tara na."
Nandito kami sa McDonalds na malapit. Hindi naman ako nagsabi na pumunta kami dito pero nagpapasalamat narin ako dahil nagugutom na ako. Pagkadating niya ay agad akong kumain. Mahapdi ang mga mata ko dahil hanggang sa pagpunta namin dito ay umiiyak ako.
"Dahan dahan. Para kang ginutuman ah." biro nito at sinamaan ko naman siya ng tingin. Tumawa siya ng bahagya at agad namang nanahimik. Kinabahan naman ako sa pagiging tahimik niya.
"Bakit ka nandon sa hotel na yon?" he asks and I sighed. Uminom muna ako ng coke bago ko siya tiningnan.
"O, iiyak ka na naman. Tinatanong lang kita, Allele." ani niya na mas lalong nagpatulo ng luha ko.
"K-kasi feeling ko ang tanga tanga ko eh." hikbi ko. Pinunasan ko ang mga luha ko dahil ayaw ko namang makaagaw ng atensyon.
"What happen then?" he asks and I sighed.
"Kasama ko sina Jason at Nat kagabi diba. Naparami kami ng inom tapos nag-aya silang makipagsayawan. Tapos nauhaw ako kaya pumunta ako sa bar counter para manghingi ng juice tapos may lalaking manyak na-" agad naman niya akong pinutol sa sasabihin ko.
"Minanyak ka?" galit na tanong niya at hinampas ko naman siya.
"Hindi. Kaya ko ang sarili ko. Tapos may lalaking mayabang dun na sumingit sa pag-uusap namin nung manyak. Nainis ako sa kanya kasi sabi niya kaya daw namamanyak yung mga babae dahil sa suot nila kaya pinatulan ko." naputol ulit ang mga sasabihin ko ng tumawa siya.
"Bakit ka tumatawa?" tanong ko at umiling naman siya. Kumuha siya ng french fries at kinain ito na para bang sinasabi niya na ituloy ko yung kwento ko.
BINABASA MO ANG
Innocent Rose (One Night Series #1)
RomantizmOne Night Series #1. Simula pagkabata ni Allele ay mulat na siya sa kahirapan at kailangan niyang kumita ng maaga para masuportahan ang Mama niya at ang kapatid niya. She's been taking shift after shifts just to fill the needs of her family. Pero ti...