Kabanata 5

3.1K 87 0
                                    

Please read at your own risks. :-)

•••

"You should go back, Mister." narinig kong ani ng isang tao. Napalingon ako dito at nakita yung lalaking bagong dating kanina. Nakalimutan ko yung sinabing pangalan nila Jason sa akin.

"Isaiah, long time no see." sagot naman ng lalaking unti na lang ay didikit na sa akin.

Unti unti akong lumayo ng kunti sa kanya. Masyado siyang malapit para sa akin. Iniisip ko kung nakita ko na ba ang lalaking nagsalita. Masyado na ata akong lasing dahil hindi ko na maalala kung nakita ko na ba siya o masyado lang akong ilusyonada.

"Likewise, Joshua." hindi nakatinging sagot naman ng Isaiah daw. Lumingon ako ulit dun sa Joshua at nakitang nakatingin siyang muli sakin.

"Anyways, I'm Joshua." ulit ng lalaking kaharap.

"Look, Joshua. The girl clearly don't want to talk to you." rinig sa boses niya ang pagkairita. Tinaas ng Joshua ang dalawa niyang kamay at unti unting lumayo sa akin.

"We'll see each other again." sabay kindat niya sa akin. Napasimangot naman ako sa ginawa niya.

"You shouldn't be alone if you're wearing something like that." nilingon ko naman ang lalaking muling nagsalita.

"If I am wearing this?" napasinghap ako. "Look, mister. Thank you for saving me kanina pero hindi ko palalagpasin yung sinabi mo. Kahit anong suotin mo babastusin ka parin kung yung babastos sayo eh utak bulok." hindi ko alam kung bakit sobra akong nagagalit pero totoo naman kasi.

Me wearing this dress is fine. May sa utak demonyo lang talaga ang lalaking yun.

"You seem to have a way with your words. Sana ginamit mo kanina." sabay inom niya sa alak.

"Kaya ko naman ipagtanggol yung sarili ko. Sumingit ka lang." saad ko at tumango naman siya na parang hindi siya kumbinsido. "Ang yabang mo."

"I've heard almost all compliments, Miss. Thank you." he answered at mas lalo lang nag-init ang dugo ko.

Kung hindi lang gwapo to eh nasapak ko na to. Sayang mukha eh baka yun ang hanapbuhay niya kasalanan ko pa.

"Orange juice?" offer niya at tiningnan ko siya ng masama bago ko kinuha ang inaalok niya.

Hindi ko alam kung bakit ako kompartableng makipag-away sa lalaking walang ginawa kundi barahin ako. Hindi ko na alam kung ilang minuto na akong nandito kausap siya. Ang alam ko lang ay nagkayayaan kaming magpabilisan uminom ng tequila shots dahil sinabi kong mataas ang tolerance ko sa alcohol. Magkalapit na rin kami ng upuan sa di ko malamang dahilan.

"Sino ang kasama mo pumunta dito?" tanong niya. Nanlalabo na ang paligid ko pero dahil ako ang naghamon sa kanya ay hindi ako makakapayag na ako ang unang matatalo.

"Hindi mo naman iniinom yung sayo eh. Andaya mo." medyo malakas na sabi ko. He shook his head and sighed.

"Sino ang kasama mong pumunta dito?" tanong niyang muli ngunit natawa lang ako at ngumiti.

"Inumin mo muna to." sabay abot ko sa kanya ng isang shot glass. Kinuha niya yun at mabilisan itong ininom. Humarap siya sa akin at tiningnan ako ng seryoso. Halos matunaw naman ako sa mga mata niyang nakatitig sa akin.

Medyo malapit kami sa isa't isa kaya napagmasdan ko ng maigi yung mga mata niya. Kulay brown ito at may pagkasingkit ang hugis.

"Now, tell me. Sinong kasama mo?" bumuntong hininga lang ako at inihiga ang ulo ko sa balikat niya.

Innocent Rose (One Night Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon