Please read at your own risks. :-)
•••
Nakasimangot si Isaiah habang sinusundan namin ang hotel staff na sumalabonh sa amin kanina. Natatawa naman akong lumapit sa kanya at ikinawit ang braso ko sa braso niya.
"Stop teasing me." mahinang suway niya sa akin.
"Wag ka na kasing magtampo." sagot ko at umiling lang siya. Pinagkonekta niya ang mga kamay namin kaya agad naman akong napangiti.
"Aside from the helicopter ride to here, I have one more surprise." sabi niya sa akin.
"Ikaw, ang dami mo na namang gastos para sa akin." suway ko at kumunot naman ang noo niya.
"Dapat lang naman kitang pag-gastusan. I should spend more just to make you happy." sagot niya at umiling naman ako.
"Pwede namang mga tusok tusok lang yung date natin eh."
"I miss that kind of date with you, too. But not this time, maybe next time." bumuntong hininga na lang ako.
"Nandito na po tayo, Sir and Maam. If you need anything po, just call the reception nalang po. Have a nice night po." sabi nito matapos niyang ibigay ang susi kay Isaiah.
Tinap niya na ang card key at agad naman itong bumukas. Kita palang sa pintuan mukhang mamahaling hotel room na naman ang binook ni Isaiah. Binuksan niya ng medyo malaki ang pintuan para makapasok kami. Agad naman akong namangha sa laki ng room na ito.
"Wow." hindi ko mapigilan ang pagkamangha. Isang king sized bed ang nasa gitna ng room. Sa kanan ko naman ay mukhang pintuan papuntang cr na sa tingin ko ay napakalaki rin. Napatingin ako sa harap at nakita siyang nakatayo sa may balcony at may hawak na bouquet ng roses.
Hindi ko napansin na may paset up pala siya sa balcony. Napangiti naman ako at lumapit sa kanya.
"For you." inilahad niya sa akin ang bulaklak at agad ko naman itong tinanggap.
"Thank you." mahinang sabi ko at iginiya niya naman ako sa upuan para makaupo ako.
"I've been planning this ever since the last date that we had."
"Sabi ko naman sayo kahit sa normal na restaurant mo lang ako idate. Ayos na yun pero naaappreciate ko naman to." sabay ngiti ko sa kanya.
"Let's eat?" tumango naman ako at binuksan naman niya ang nagtatakip sa kakainin namin.
Habang kumakain kami ay nakaugalian na naming mag-usap tungkol sa kung ano-anong bagay. Sa ganoong paraan ay mas lalo ko siyang nakilala. Mas lalo kong naaalam ang mga bagay na ayaw niya at gusto niya, mga pananaw niya tungkol sa kunga ano-anong bagay at kung ano-ano pa.
"May dumi ba ako sa mukha?" tanong ko ng makitang nakatingin siya sa akin. Patapos na kami kumain at dessert na ang kinakain namin.
"Wala. Ang ganda mo lang pagmasdan." agad naman akong namula sa sinabi niya.
"Sira. Kumain ka na diyan." sabi ko at narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa. "Hanggang kailan tayo dito?"
"We'll leave tomorrow morning." tumango naman ako at dinama ang malamig na simoy ng hangin.
"Thank you, Isaiah." sabi ko ng muli ko siyang lingunin. "Thank you dahil pinaparamdam mo sa akin na mahalaga ako. Na lahat ng ginagawa ko ay worth it. Thank you for giving me freedom. Salamat."
"I should be the one to be thanking you, my love. You made me happy. For the longest time, I feel alone and pressured. Hindi lang sa ibang tao pati na rin sa mga kamag anak ko. In their eyes, I need to be perfect. Dapat walang mali dahil isang galaw ko lang nakaabang na ang kung sino sinong tao. Thank you for giving me freedom, as well."
![](https://img.wattpad.com/cover/221178746-288-k144137.jpg)
BINABASA MO ANG
Innocent Rose (One Night Series #1)
RomanceOne Night Series #1. Simula pagkabata ni Allele ay mulat na siya sa kahirapan at kailangan niyang kumita ng maaga para masuportahan ang Mama niya at ang kapatid niya. She's been taking shift after shifts just to fill the needs of her family. Pero ti...