Kabanata 24

1.8K 48 1
                                    

"Shh, it's okay." ani ni Icarus habang yakap yakap ako. Naramdaman ko ang pagyakap din sa amin ni Paisley.

"S-sorry. Naabala kita. Hindi ko na kasi talaga alam ang gagawin." hikbi ko at patuloy parin siya sa pagpapatahan sa akin.

"Ang Mama niyo, Pai?" tanong niya kay Paisley habang patuloy parin ako sa pag-iyak.

Medyo gumaan naman ang pakiramdam ko dahil nandito na si Icarus. Sobrang nagpapasalamat akong naging kaibigan ko siya.

"Hindi ko po alam, Kuya." mahinang sagot ni Paisley.

"O siya, tara na. Doon muna kayo sa condo ko. Tawagan ko nalang si Tita Lily mamaya." saad nito at inalalayan akong makapasok sa sasakyan niya. Nang makapasok na ako sa sasakyan nito ay agad oong sinuot ang seatbelt ko at sumandal sa bintana.

Matapos ang ilang minuto ay pumasok muli si Icarus at pinaandar na ang sasakyan niya. Tahimik lang kaming bumabyahe kahit alam kong gustong-gusto na ni Icarus na magtanong.

"Magtanong ka na." mahinang sambit ko at narinig ko ang bunting hininga niya.

"Anong nangyari? With the way you cried earlier, parang malapit ka ng maubos." tumingin ako sa labas at pinunasan ang tumulong luha ko.

"Sinama ako ni Isaiah sa birthday ng Lola niya nung isang araw." panimula ko.

"Woah. That's new." komento niya at humingi naman ito ng paumanhin sa akin.

"Pinakilala niya ako sa mga kamag-anak niya. Mabait naman silang lahat. Ayaw nga lang ako ng lola niya."

"Let me guess, she threatened you?" napalingon naman ako sa sinabi niya. "We've known his lola for quite a while now. Alam mo naman, kapag mayaman gusto nila sa kanila lang umiikot ang pera nila."

"Hindi ko lang maintindihan kung bakit kailangan niyang idamay si Pai. Pinuntahan niya yung bata kanina at sinabihan na layuan ko daw ang apo niya para mabayaran ang utang namin sa paaralan." reklamo ko at nagkibit balikat lang si Icarus.

"Sinabi mo na ba sa kanya?" umiling ako. "You should tell him. After all, siya naman yung pinakainvolve dito."

"Alam ko, Icarus. Ayoko lang na lumaki pa. Hangga't kaya kong gawan ng paraan. Gagawan ko ng paraan. Kilala mo ko." tumango naman siya sa sinabi ko.

"If everything falls apart, binibigay na sa akin yung kompanya sa New York. I am personally offering you a job to he my assistant." napangiti naman ako.

"Hindi mo pa tinatanggap?" tanong ko at bumuntong hininga siya.

"I'm just waiting for a sign from someone." tinaasan ko naman siya ng kilay. "Kaya lang mukhang hindi ko na makukuha."

"Pag-iisipan ko pa yung offer mo." sabi ko para maiba ang usapan at tumango naman siya.

"Ano naman ang nangyari kanina?"

"Dumating yung may-ari ng bahay. Hindi pala nakabayad si mama ng isang taon. Kahit na sobrang kayod na kayod na ako para magkaroon kami ng matutulugan. Ano bang ginawa kong mali, Icarus?" pinunasan ko ang luha kong tumulo.

"Maybe Tita Lily has a reason."

"Lagi nalang ganito eh. Parang binabalewala lang lahat ni Mama yung hirap ko sa pagtatrabaho. Ni minsan hindi ko man lang narinig sa kanya na kamustahin ako o di kaya'y patigilin ako sa pagtatrabaho. Nakakapagod na, Icarus." naramdaman ko ang kamay niyang kinuha ang kamay ko.

"I don't understand what you feel but as your best friend, I will always be here. No matter what happens."

"Thank you ng marami, Icarus." sabi ko at nginitian naman niya ako. Sumandal ako sa sasakyan niya at bumuntong hininga.

Innocent Rose (One Night Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon