Halos dalawang buwan na din simula ng umamin sa akin si Isaiah. Dalawang buwan na rin siyang nanliligaw sa akin. Sa loob ng dalawang buwan na yon ay wala akong naramdaman kundi saya, kaba at kung ano-ano pang may kinalaman sa pag-ibig na pakiramdam. Sa loob ng dalawang buwan na yon, mas lalo pang lumalim ang nararamdaman ko sa kanya.
Para akong nananaginip tuwing kasama ko siya. Yung tipong sa sobrang ganda ng panaginip mo ay ayaw mo ng magising.
Sa loob ng dalawang buwang din iyon ay maraming nagbago. Nakumbinsi ako ni Isaiah na mag-resign na sa gas station na pinagtatrabahuan niya. Blinackmail niyo si Sir Dominic para bigyan siya ng mas mataas na sahod. Gustuhin ko mang tanggihan ang offer kaso hindi naman pumayag si Sir Dominic.
Nalaman ko din na nagkasakit ang Dad ni Icarus at ngayon ay abala ito dahil kailangan niyang pamahalaan saglit ang kompanya nila sa ibang bansa kaya wala akong masyadong balita dito.
Ang tanong ng karamihan ay kung sinagot ko na ba ang binata. Ang totoo niyan ay hindi ko pa siya sinasagot hindi dahil nagpapakipot ako o ano. Gusto ko lang makilala namin ang isa't isa bago kami sumabak sa relasyon at naiintindihan naman niya ang gusto kong mangyari. Naalala ko ang sinabi niya sa akin nung isang araw.
"As long as I am confident, that your heart is mine. Labels won't matter anymore."
Hindi ko naman malaman ang maramdaman ko ng sabihin niya iyon sa akin pero isa lang ang pumasok sa isipan ko non, mahal ko na siya.
"Good morning! Welcom to D&G Coffee Shop!" masiglang bati ko sa customer.
"Inspired na inspired ah." puna ng kasama ko at napangiti lang ako.
"Good morning, Allele." bati sa akin ng customer.
"Kayo po pala, Maam Kehlani."
"Ano ka ba? Wag mo na akong i-Maam. Kehlani is fine. One caramel machiatto please and nandyan ba si Dominic?" tanong nito sa kanya.
"Ah, opo. Binilin niya nga po na darating kayo." sabi ko habang ineenter ang kanyang order. "Php 120 po."
"Wala ba akong discount?"
"Magkakaroon ka lang ng discount kapag pumayag ka ng maging girlfriend ko ulit." napangiti naman ako sa narinig. Nakita ko naman ang pagpula ng pisngi ni Kehlani sa sinabi ng boss niya.
Nag-angat ng tingin si Kehlani at sinalubong naman ng isang maikli ngunit matamis na halik ni Sir Dominic ito. Kinikilig siya sa dalawa. Nakita niya kung paano mahiya sa harapan niya si Kehlani. Inisip niya kung ganon din siya kapag magkasama sila ni Isaiah. Baka sobra sobra pa.
"Iseserve nalang po mamaya yung order niyo po." sabi ko at tumango naman ang dalawa. Pumunta na ito sa isang secluded na area dito sa coffee shop. Tumunog ang phone ko at napangiti ng makita kung kanino galing ito.
From: Isaiah
what time does your shift ends?
Agad akong nagtipa ng isasagot ng patago. Kahit naman kasi kaibigan ni Sir Dominic si Isaiah ay empleyado parin ako at ayokong dahil kay Isaiah ay mananatili ako sa trabaho kahit na mali ang ginawa ko.
From: Isaiah
great. I have a surprise for you later.
Napakunot naman ang noo ko sa nabasa. Ano naman ang gagawin nitong surpresa? Parang nakailan na itong surpresa sa akin.
"Allele, ito na yung order." sabi ng kasamahan ko kaya ibinulsa ko na ang cellphone ko at nagsimula na ulit magtrabaho.
Nang matapos ang shift niya ay agad siyang nag-time out at nagpalit ng damit. Nakaugalian ko na rin magpalit ng damit simula ng mapadalas ang paglabas namin ni Isaiah. Napangiti naman ako sa nakitang dalang damit. Isang simpleng puting casual dress ang nasa loob ng bag ko.
BINABASA MO ANG
Innocent Rose (One Night Series #1)
RomanceOne Night Series #1. Simula pagkabata ni Allele ay mulat na siya sa kahirapan at kailangan niyang kumita ng maaga para masuportahan ang Mama niya at ang kapatid niya. She's been taking shift after shifts just to fill the needs of her family. Pero ti...