Kabanata 17

2.1K 56 0
                                    

Matapos kong ihatid si Paisley sa school nito ay agad akong dumiretso sa trabaho. Halos isang linggo na rin nung huling kita namin ni Isaiah. Hindi ko siya masyadong nakakausap kasi alam ko namang busy siya. Atsaka ayaw ko namang magmukhang obsess sa kanya kaya iniwasan ko siyang itext o tawagan.

"Good morning po! Welcome to D&G Coffee Shop! What can I get you?" bati ko sa customer na kararating lang.

Usually kapag marami ang customer ay hindi ko na agad sila tinitingnan kung sino. Minsan kasi mga nagmamadali ang mga ito at may mga kausap. Hindi ko naman sila masisisi kasi ang place na ito ay sakto sa busy streets ng Manila.

Kaso hindi naman matao ngayon at mukhang nag-iisip pa yung taong umoorder kaya tumingala ako para tingnan siya. Isang magandang babae ang nasa harap ko at animo'y sinusuri ako. Nginitian ko siya at tumango naman siya.

"White Caramel Drizzle Frappe, please." sambit nito at tumango naman ako bago pinunch ang order niya.

"Anything else po?"

"Nothing. Also, please call your Manager. I need something from him." sabi nito at tumango naman ako.

"Anong order?" tanong ni Jasmae sa akin na kakatapos lang gumawa ng order.

"White Caramel Drizzle Frappe. Ikaw muna tumao dito. Tatawagin ko lang si Sir." sabi ko kay Jasmae habang naghuhugas ng kamay.

"Bakit daw? May problema ba?" bulong nito dahil umupo sa may counter yung babae kanina.

"Hindi ko alam eh. Basta gawin mo nalang yung order." saad ko at umalis na para tawagin si Sir Dominic.

Kumatok muna ako bago buksan ang pinto. Nakita ko naman siyang nag-angat ng tingin at ngumiti sa akin.

"Allele, what can I do for you?" pambungad na sambit nito.

"May tao po sa labas. Hinahanap po kayo." sabi ko at agad itong tumayo.

"Sino daw?" rinig sa boses niya ang pagkatakot kaya napakunot naman ang noo ko.

"Hindi ko po alam eh. Hinahanap lang daw kayo." sagot ko at tumango naman siya. May kinuha siya sa drawer niya at iginiya na niya ako sa labas. Sumunod naman ako at pumwesto na ulit sa pwesto ko.

"Kehlani." bati nito at nagyakapan silang dalawa. "Anong ginagawa mo dito?"

"Anong ano ginagawa mo dito? Nasan na?" sagot ng babae at naglahad ng kamay.

"Hindi mo man lang ako namiss?" biro ni Sir at hindi naman siya sinagot ng babae.

"Ibibigay mo ba o ififile ko na yung custody papers?"

"Ito naman. Chill, babe." nag-abot ng envelope si Sir Dominic sa babae.

"May family day sa Sunday. Pupunta ka ba?"

"Oo naman. Count me in." sagot ni Sir Dominic.

"Nice place you got here." compliment ng babae at tiningnan ang kabuuan ng coffee shop.

"I'm trying to change, Kehlani. I know I'm an ass for leaving you back then but I'm trying right now." rinig kong sambit ni Sir Dominic.

"I know, Dom. I know." sagot naman nung babae at tumayo na ito. Nakita ko namang hinalikan ng babae sa pisngi si Sir Dominic. "I'm going. Work hard."

Pinagmasdan ko ang babae na aalis na ngayon. Tiningnan ko si Sir Dominic at nakita na nakatingin ito sa akin.

"Curious?"

"Hindi naman masyado." sagot ko at tumango siya.

"Kehlani Dream Asuncion. Mommy ng anak ko." sabi niya at lumaki naman ang mata ko sa sinabi niya.

Innocent Rose (One Night Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon