Kinabukasan ay nagising ako dahil sa naramdaman kong may nakatingin sa akin at dahil na rin sa araw na tumatama sa mukha ko. Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at napangiti sa nakita.
"Good morning, baby." sexy niyang sabi. Pwede palang maging sexy ang boses.
"Good morning." sagot ko pabalik sa kanya. Pumikit akong muli at bumuntong hininga.
"We need to get up now. I need to go back to Manila. May meeting ako ng lunch." sabi niya sakin. "But I don't want to go as well. I want to cuddle with you all day." sabay higpit ng yakap sa akin. Natawa naman ako at niyakap siya pabalik.
"Kailangan na nating bumalik, Isaiah." saad ko at bumuntong hininga naman siya. "Nagugutom na ako." bulong ko at kinalas na niya ang mga braso niya sa katawan ko.
"Come on. Let's not waste any more time. Ayaw kitang nagugutom." natawa naman ako sa inasta niya at sumunod na sa kanya para makakain na kami.
Habang lumilipas ang mga araw lalong lumalalim ang pagmamahal na nadarama ko kay Isaiah. Araw araw niyang pinapadama sa akin na mahal niya ako at special ako sa kanya. Minsan iniisip ko bakit ako. Sa dami ng babaeng pwede niyang maging girlfriend bakit ako pa.
"Bakit ako?" tanong ko, isang linggo pagkatapos maging kami, sa kanya. Nandito kami ngayon sa waiting shed sa harap ng coffee shop. Hinihintay niya akong makasakay dahil hindi niya ako mahahatid pauwi sa amin at may early flight siya mamaya patungong Dubai.
"What? Why you?" takang tanong niya habang nilalaro ang mga daliri ko. Napangiti naman ako sa napansin. Hindi ko akalain na ang isang Isaiah Abacus Pantaleon ay narito at nag-aabang ng jeep kasama ko.
"Bakit ako? Madami namang iba diyan. "
"Yes, I know. Madami ngang ibang diyan. Minsan iniisip ko rin kung bakit ikaw eh." sinamaan ko naman siya ng tingin at agad naman siyang natawa sa inakto ko.
"Badtrip ka. Alam mo yon." saad ko at niyakap naman niya ako.
"There are other girls but none of them catch my attention like you do." agad naman akong namula sa sinabi niya.
"Parang linyahan naman yan ng mga babaero." biro ko to lighten the mood.
"Marami man akong naging ka-fling. Alam ko naman na wala sa kanila yung minahal ko." sagot niya at hinampas ko naman siya.
"Tama na nga. Andyan na yung jeep." sabi ko at sabay naman kaming tumayo. "Mag-iingat ka don ah."
"You, as well. I will be back in no time, Allele. Don't miss me too much."
"Baka ikaw ang makamiss sa akin. Sige na. Ingat sa pagdadrive." paalam ko at inabangan na ang parating na jeep.
"I'll text you once I get home and before I board the plane. Basta itetext kita." tumango naman ako at binigyan siya ng halik sa pisngi. Pinara ko naman ang jeep na papunta sa amin at sumakay na ako. Kinawayan ko siya ng umandar na palayo ang jeep.
Laging ganon ang eksena namin. Tuwing pagkatapos ng shift ko ay pupunta siya sa coffee shop, oorder ng kape habang hinihintay ako o di kaya makikipagusap kay Sir Dominic sa opisina nito. Pagtapos non ay ihahatid niya ako sa amin tapos ibababa niya ako sa may kanto malapit sa amin.
"Can't I walk you to your house?" tanong niya nung nakauwi na siya galing Dubai.
"Ayoko lang kasing mapagdiskitahan ka paglakad mo pabalik dito sa sasakyan. Atsaka maraming tsismosa diyan sa kanto namin." sabi ko at tumango naman siya.
"I hate nosy people."
"Ako din kaya sa susunod na lang. Atsaka baka magulat din si Mama na may kasama ako. Alam mo naman ang pakikitungo namin sa isa't isa." kinuha naman niya ang kamay ko at hinalikan ito.
BINABASA MO ANG
Innocent Rose (One Night Series #1)
RomanceOne Night Series #1. Simula pagkabata ni Allele ay mulat na siya sa kahirapan at kailangan niyang kumita ng maaga para masuportahan ang Mama niya at ang kapatid niya. She's been taking shift after shifts just to fill the needs of her family. Pero ti...