Kabanata 13

2.3K 64 0
                                    

Nandito kami ngayon sa loob ng room. May ginagawa siyang trabaho sa may terrace habang ako ay nakatanaw at nakikinig sa alon ng dagot katabi niya.

Kumain muna kami sa may restaurant sa baba bago kami umakyat dito. Nagutom kasi ako at sakto namang parehas kami. I sighed and look at him.

Isaiah is a good looking man. There's no doubt about that. Isa sa mga lalaking ubod ng gwapo na nakilala ko. Mukha siyang maraming kaibigan dahil sa katayuan niya sa buhay. Feeling ko isa siya sa mga sikat na student noon.

Hindi ako makapaniwalang nandito ako sa tabi ng isa mga young bachelor ng bansa. Sino ba naman kasi ako? Ang layo ng agwat naming dalawa.

"You seem to be lost. Penny for your thoughts?" inilapag niya ang laptop niya at hinilot ang sentido niya.

"Bakit ako?" lakas loob kong tinanong.

"What do you mean why you?" sagot niya sa akin.

"Kakakakilala mo lang sa akin nung gabing yun. Halos hindi pa kita kilala ng lubusan pero isinama mo na ako dito. Kung nakikipaglaro ka, please huwag ako. Wala akong oras sa mga laro mo." sambit ko. Alam kong medyo bastos ang ginawa ko pero gusto ko lang umiwas kung anong ginagawa niya.

Kung kailangan niya ng pagpaparausan, maghanap na lang siya ng iba. Hindi ko gawain yun at hinding hindi ako hahantong sa punto ng buhay ko na gagawa ako ng ganon. Gusto kong malaman kung anong pakay niya.

"I'm not playing games, Allele." narinig ko ang mahinang sambit niya.

"Eh anong gusto mo? Kung gusto mo ng pagpaparausan, maraming iba diyan." sasagot na sana siya ng pinutol ko siya. "Isaiah. Nagpapasalamat ako sa lahat ng ginawa mo para sa akin pero gusto kong malaman kung bakit mo ko tinutulungan."

"I see myself in you." sabi niya na nakapagpatahimik sa akin. "Nakikita ko ang sarili ko sayo. Yung taong gustong kumawala sa responsibilidad. Ang hirap eh. Hindi ko naman ginusto to. Hell, I don't want this life pero wala akong choice. Nung gabing yun, nung sinabi mong gusto mong magkaroon ng kalayaan kahit minsan. Nasabi ko sa sarili ko na may tao din palang humihiling katulad ng mga hiling ko."

"I'm sorry if I treated you like that. Hindi ko intensyong pagsamantalahan ka o ano." sabi niya. Napayuko naman ako sa rason niya kung bakit ganon ang pakikitungo niya sa akin.

"Let's go inside. Malamig na." nauna na siyang pumasok at napabuntong hininga naman ako bago pumasok sa loob.

Kinaumagahan, sabay kaming kumain sa may restaurant pero hindi niya ako kinikibo. Alam kong mali yung ginawa ko pero napakachildish naman niya sa ginagawa niya.

"Hindi mo talaga ako kakausapin?" ilang beses ko na ata tong natanong sa kanya simula nung pumunta kami dito.

"Mag-island hopping tayo. Bilisan mo na diyan." maikling sagot niya at bumuntong hininga naman ako.

"Sorry. Hindi ko naman kasi alam yung rason mo. Nag-assume ako which is mali yung inassume ko." pagpapaumanhin ko ng nakayuko

"Just eat."

Tiningnan ko siya ulit at kumain na lang. Pagtapos namin kumain ay agad siyang umalis dahil daw kakausapin niya pa yung tour guide na mag-aassist sa amin. Nagring naman ang telepono ko kaya ko ito sinagot.

"Ate. May kunting pera ka ba diyan?"

"Bakit? Kakapadala ko lang nung isang araw ah." sambit ko kay Pai.

"Si Mama kasi ate ginastos yung pera pang-sugal. Ate, nagugutom na ako. Uwi ka na." narinig ko ang pag-iyak ni Paisley kaya nataranta naman ako.

Innocent Rose (One Night Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon