Pagkalabas namin ay agad niya akong hinila patungo sa dagat. Tumatawang nagpatianod naman ako. Huminto kami sa isang beach chair at hinubad niya ang polo shirt niya.
"Tara na." naeexcite niyang sinabi at lumusong na siya kaagad sa dagat. Natawa naman ako at sumunod na sa kanya.
Nakita ko naman siyang umahon at tumingin sa akin bago ngumiti. Lumapit ito kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"I'm happy." halos madurog naman ang puso ko sa katagang iyon. "Are you?"
"Oo naman." napangiti naman siya sa sagot ko at inalis ko naman ang tingin ko sa kanya.
"Tara, langoy tayo." yaya niya at tumango ako. Naglakad kami ng kaunti sa malalim na parte bago niya hinawakan ang kamay ko at lumangoy kami pailalim. Bumitaw ako sa kanya ilang saglit dahil nauubusan na ako ng hininga at kailangan ko ng umahon.
Pagkaahon ko ay agad naman akong napalingon sa paligid ko nang mapagtantong hindi siya sumunod sa akin. Nagulat ako ng umahon ito at napakalapit sa akin.
"Gago." bulyaw ko at tumawa naman siya. Hinila niya ako palapit sa kanya at niyakap. Ramdam ko ang hininga niya sa leeg ko kaya medyo nailang ako.
Kinalas naman niya ang pagkakayakap niya ilang saglit pero hindi parin binabawasan ang lapit namin sa isa't isa.
"Sorry, I'm just really happy." sabi niya at tumango naman ako. He kissed my cheeks and I sighed. "Why?"
"Nothing. I just..." pinigilan ko ang sarili kong sabihin ang tunay na nararamdaman.
"You promise me that you will not think of anything this day." paalala niya at yumuko ako. Nararamdaman ko kasi na kaunti na lang ay magiging vulnerable na naman ako sa harap niya.
Inangat niya ang mukha para makatingin ako ng diretso sa mga mata niya. Naramdaman ko ang paglandas ng luha ko sa pisngi ko.
"I just miss you so much." bulong ko at pinunasan naman niya ang luha ko bago ako niyakap ng mahigpit na animoy anong oras ay mawawala ako sa harapan niya.
"I miss you too, baby." he whispered na mas lalong nagpaiyak sa akin.
I don't know why I'm crying siguro dahil ang gaga ko. Ako yung nang-iwan sa kanya ng walang pasabi pero heto ako umiiyak sa mga bisig niya. I let him go because I was decided back then that we are not meant to be. Napakalayo niya sa akin.
Dapat ako ang lumalapit sa kanya ngayon para magpaliwanag kung bakit ko ginawa ang pag-iwan sa kanya. Humihingi ng tawad dahil ineexpect niyang may madadatnan siya pag-uwi niya ng Pilipinas noon.
Minsan iniisip ko kung paano kung hindi ko siya iniwan noon. Kung nagmatigas ako at hindi sinunod ang lola niya, where are we right now? Knowing Isaiah, napakaambisosya mang sabihin pero alam kong if nalaman niya ay hindi siya mag-aatubiling iwan ang mamanahin niya. He's a kind of guy na gustong makawala sa sitwasyon niya.
He is forced to handle their company because his dad is sick. Naalala kong sinabi ko sa kanya na gusto kong huwag mag-isip ng kung ano-ano nung party and he gave it to me. Kung sinabi ko sa kanya na gusto kong ipaglaban niya kami, alam kong gagawin niya iyon.
Iyon ang kinakatakot ko. I don't want him to lose everything for me. I don't want to be the cause of his failures. What I did was wrong but for me and his lola ot is just and right. Look at him now. Isa na siya sa sought after bachelor and businessman. At such a young age, he was able to do the things I know na makakapigil sa kanya sa pag-abot non kung nagmatigas kami.
Ang pag-iyak sa mga bisig niya ngayon ang nagparealize sa akin kung gaano ko pinagsisihan ang desisyon ko pero natutuwa parin ako. Kung gaano kalaki ang naging kasalanan ko sa kanya at hindi ko na rin itatanggi na sobrang namiss ko yung mga panahong kasama ko siya.
"Let's go back, okay?" tumango ako at humihikbi pa rin habang ginagabayan niya ako patungo sa pangpang.
Kinagabihan ay nagpadala lang siya ng pagkain sa beach house at sabay kaming kumain. Niyaya niya akong manood ng movie kaya nanood kami at inenjoy ang katahimikang bumabalot sa pagitan namin.
"Malapit na pala ang anniversary party niyo." sabi ko at tumango naman siya. Nakahiga siya sa lap ko at pinaglalaruan ang kamay ko.
"You will be busy." saad niya at kumunot naman ang noo ko.
"Ikaw rin naman." sagot ko at namula ako ng makitang hinalikan niya ang likod ng kamay ko. Tumayo siya sa pagkakahiga sa lap ko kaya nagtaka ako.
"You will be at the party right?" tanong niya at pinagmasdan ko muna siya bago sagutin.
"Yes. Kailangan kong tingnan if smooth yung flow ng program atsaka nandon rin si Icarus since isa siya sa bisita mo base sa list na binigay ng secretary mo." sabi ko at tumango naman siya. "Bakit? May problema ba?"
"Nothing. A lot of my relatives will be there." sabi niya at tumango ako. Alam ko naman iyon at ngayon pa lang wala akong balak na makausap ni isa sa kanila. Lalo na ang lola niya.
"Nakita ko nga. Corrine and her family will be there too." dagdag ko at kumunot naman ang noo niya.
"Probably siya lang ang aattend non. Her parents are busy." tumango ako at umiwas naman siya ng tingin sa akin. Ilang saglit lang ay naramdaman ko ang paghawak niya ng kamay sa akin.
"Why?" tanong ko ng mapagtanto kong may gusto siyang sabihin kaso hindi niya masabi.
"I just want you to trust me." tumango ako at hinila naman niya ako palapit sa kanya atsaka ako niyakap. "Now that I have found you, I know that I will never let go of you this time." bulong niya and I hugged him tighter.
Kinabukasan ay maaga kaming nagising para maligo ulit bago ang check out namin sa resort. Nagpadala ulit siya ng pagkain at kumain kami ng almusal. Bigla namang nagring ang cellphone niya at sinagot niya ito.
"V...why?...akala ko bukas pa...Tell them to wait for me...I know at hindi ko na hahayaan ulit yon...Yeah, see you." napatingin siya sa akin at nginitian ako.
"That was V. Palapag na daw ang eroplano nina lola dito." sabi niya at nagpatuloy sa pagkain.
"Susunduin mo sila?" tanong ko at tumango siya.
"Pagkatapos kitang ihatid." aangal na dapat ako ng magsalita siyang muli. "I'm going to drop you off at your apartment, Allele. Matagal pa bago sila makalanding ng tuluyan dito." tumango ako at nagpatuloy na lang sa pagkain. Magrereklamo sana ako na kaya kong magtaxi pauwi kaso ayoko na siya awayin pa.
Pagkatapos naming kumain ay agad kaming nag-ayos at nag-checkout. Naging mabilis at tahimik ang byahe namin pabalik ng apartment ni Icarus. Pababa na dapat ako nang pigilan niya ako.
"I'll call you later." sabi niya at tumango naman ako. Hindi niya binitawan ang kamay ko kaya ako na ang naunang bumitaw.
"Sige na. Baka hinihintay ka na doon." sabi ko.
"Why do I feel like something will happen?" rinig kong bulong niya.
"May mangyayari talaga kung hindi ka pa umalis at sunduin mo na ang lola mo sa airport." sabi ko at tumango siya.
Binigyan niya ako ng halik sa pisngi at lumabas na ako. Binaba niya ang salamin ng sasakyan niya at kumaway naman ako.
"I'll call you."
•••
9 chapters to go...
BINABASA MO ANG
Innocent Rose (One Night Series #1)
RomanceOne Night Series #1. Simula pagkabata ni Allele ay mulat na siya sa kahirapan at kailangan niyang kumita ng maaga para masuportahan ang Mama niya at ang kapatid niya. She's been taking shift after shifts just to fill the needs of her family. Pero ti...