Halos mabitawan ko naman ang baso ko sa sinambit niyang yun. Hindi dahil ina-assume ko na he is pertaining to me pero dahil kung gaano siya kabulgar sa sinasabi niya.
"Dude, seriously?" tanong ni Icarus at nagkibit balikat lang ang katabi ko.
"It's wild in here, man." sagot niya sabay turo sa ulo niya o pinepertain niya sa utak niya.
"Parang hindi mo naman kilala yan." sagot ni Sir Dominic habang inaalo pa rin ang asawa. Umiling si Icarus at umupo naman kami ulit. Naging awkward naman ulit ang hangin sa pagitan naming dalawa at hindi ko na ito ininda.
"You're quiet again." rinig kong bulong niya at medyo nakayuko para magawa niya iyon. Bahagya naman akong lumayo at luminga linga. "And you are ignoring me."
"Sino nagsabi?" tanong ko at tinaasan naman niya ako ng kilay.
"Now, you are annoyed." saad niya at bumuntong hininga na lang ako.
"Hindi kita iniiwasan. May mga times lang na may naiisip ako kaya hindi ko napapansin na gusto mo pala ng kausap." tiningnan niya ako saglit bago ko iniwas ang tingin ko sa kanya at nakitang nagsimula na pala ang after party.
Naglapag na ng mga liquor drinks sa table namin at agad ko namang ininom ang tequila. Nakita ko naman sa peripheral vision ko ang pagsalin ni Isaiah sa baso ng Jack Daniels.
Ilang oras ang lumipas at hindi ko na nabilang ang nainom ko. Masyado naging masaya ang ginawa naming inuman lalo na nung dumalo sa amin si V at ang kanyang fiance. Bakas sa aming mga mukha ang epekto ng alcohol at hindi naman namin ininda iyon.
"Sasayaw lang kami." paalam ni V at hinila na ang fiance niya sa kumpulan ng mga tao. Napalingon naman ako kay Icarus at napansing wala na ito dito.
"He left. He texted me that something happened." sinagot naman ni Isaiah ang nagtataka kong kilos. Tumango ako at ininom ang natitirang alak sa baso ko bago ako uminom ng tubig.
"Allele, tara sayaw tayo." yaya ni Kehlani habang hawak hawak ang braso ko. Nilapag ko naman ang purse ko sa lamesa at natawa ng pagkatayo ko ay muntik na akong matumba.
"Are you okay?" tanong ni Isaiah na dali-dali akong inalalayan ng nangyari iyon.Tumango naman ako at inalis ang pagkakaalalay niya sa akin.
"Ayos lang ako. Sayaw lang kami." paalam ko at parang batang kumapit kay Kehlani. Hindi ako lasing pero alam kong may tama na ako. Nang makarating kami sa kumpulan ay para namang biglang lumukas ang tugtog at mas lalong nagpagana saming sumayaw.
May lumapit sa aming dalawang lalaki kalaunan at nakipagsayaw. Napatingin ako sa gawi nila Isaiah at nakita siyang matalim ang tingin sa lalaking kasayaw ko.
"Boyfriend?" tanong niya at hindi naman ako sumagot. "Probably. Nice dancing with you, Miss." sabi niya at lumayo na sa akin na ikinataka ko naman. Nakaramdam ako ng kung ano sa likod ko at agad ko naman itong nilingon.
"Anong ginagawa mo?" tanong ko at nagkibit balikat lang ito. Nilingon ko naman si Kehlani at nakitang paalis na sila ni Sir Dominic.
"They're going home. Kehlani is drunk already." sagot niya ulit sa pagtataka kong tingin.
"Uuwi na rin tayo?" I asked and I kinda regret that I did. Napansin kong medyo pumungay ang mga mata niya at unti unti siyang lumapit sa akin.
"Do you want to go home?" tanong niya at iniwas ko naman ang tingin ko. Ang hina ng pagkakasabi niya non pero feeling ko ang lakas lakas dahil narinig ko siya despite the loud music.
"Pwede namang mamaya kunti. Nakakahiya naman kay V." sabi ko at tumango siya. "Upo nalang muna ulit tayo don." nauna na akong maglakad at alam kong nakasunod siya sa akin. Umupo na ako at agad na ininom ang tubig na nakalagay doon.
"Pwede ko namang tawagan si V and tell him that we're going home." sabi niya habang umuupo sa tabi ko.
"We can stay for like a minute." sagot ko at tumango siya. Walang nagsalita samin matapos noon kaya agad na akong nag-aya paalis kasi magiging awkward lalo ang hangin sa pagitan namin.
Pagkababa namin ay agad namang nagpark ang isang black Tesla Model S. Namangha naman ako agad sa ganda ng sasakyan at nakitang inabot ng valet ang susi sa kanya. Pinagbuksan naman ako ng pinto ng security guard at ganon rin siya. Pumasok naman agad ako at pinasalamatan ito. Sinuot ko na ang seatbelt at tiningnan siyang papasok.
"Daan tayong ramen restaurant." sabi niya habang sinusuot ang seatbelt niya.
"Bakit?" tanong ko.
"Nag-crave ako bigla. If that's okay with you?" tumango naman ako at umandar naman kaagad ang sasakyan niya. Hindi rin nagtagal ay nakarating kami sa isang ramen place na malapit. Kaunti lang ang tao dito siguro ay halos mag-uumaga na rin.
"Good morning, Sir Isaiah. Table for two?" tanong ng host at tumango naman ang lalaking kasama ko. Mukhang regular siya dito dahil halos lahat ng staff ay kakilala niya.
"Tell me, do you own this place?" tanong ko ng makaupo na ako. Nasa isang private na location kami ipinwesto nung host kung saan ang upuan ay isang sofa at may table sa gitna. Yung mga pangdate na type na upuan.
"Medyo." sabay ngisi sa akin.
"Ang yabang mo." saad ko at natawa naman siya. Tiningnan ko ang buong interior ng restaurant at hindi mapigilang mamangha.
"Hello, Sir! I will be your waiter fro today. What can I get you? The usual?" sabi ng isang babae.
"Yes. Order something." sabi niya at agad ko namang tiningnan ang menu.
"Onomichi Ramen and Takoyaki." sabi ko at tiningnan ko naman si Isaiah kung okay lang ang inorder ko.
"Charge it to my account." tumango naman ang babae at inulit ang order namin bago umalis.
"How long did you and my cousin had a relationship?" nagulat ako sa tanong niya kaya hindi ako nakasagot agad.
"Wala kaming relasyon ng pinsan mo. He did court me but I know he met someone already. Atsaka hindi ko siya type." sabi ko at halos magpantig ang tenga ko sa sinambit ko. Mukhang may tama pa ako.
"Icarus?"
"Anong meron kay Icarus?" tanong ko at umiwas naman siya ng tingin sa akin. "Wala kaming relasyon ni Icarus. If you're hearing rumors about that, hindi yun totoo." sabi ko at uminom ng tubig.
"That's good." rinig kong bulong niya at hindi ko na siya nilingon o kinwestiyon sa reaksiyon niyang iyon dahil alam kong namumula ang mga pisngi ko.
Dumating naman agad ang aming pagkain kaya wala na naman kaming imik dalawa. Napalingon ako sa kanya habang kumakain siya dahil naramdaman ko ang paninitig niya. Agad kong nilunok ang kinakain ko.
"What?" tanong ko at nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Pinagdikit niya ang aming mga labi na animoy sinapian siya ng kung ano.
Hindi man lang ako nakaready o ano. Hindi ko man lang namalayan na sobrang lapit na pala ng pagitan namin.
Katulad nung nangyari sa pool nung isang araw hindi ko alam kung anong gagawin ko. Unti-unting gumalaw ang labi niya na siyang unti-unti namang nagpalasing sa akin. Sa huli ay sinuklian ko na rin ang mababaw na halik niya kaya naramdaman ko siyang hinapit ako palapit sa kanya. Dahan dahan siyang lumayo sa akin at binigyan ako muli ng halik.
"Damn, baby. I miss you so much."
•••
Happy 4k reads!
![](https://img.wattpad.com/cover/221178746-288-k144137.jpg)
BINABASA MO ANG
Innocent Rose (One Night Series #1)
RomanceOne Night Series #1. Simula pagkabata ni Allele ay mulat na siya sa kahirapan at kailangan niyang kumita ng maaga para masuportahan ang Mama niya at ang kapatid niya. She's been taking shift after shifts just to fill the needs of her family. Pero ti...