Please read at your own risks. :-)
•••
"Bakit?" tanong niya.
Napaiwas naman ako ng tingin. Hindi ko namalayang matagal na pala akong nakatitig sa kanya at halos mawalan na ako ng hininga sa ginawa ko. Ano bang ginagawa ko?
"Wala. Tara na." saad ko at nauna ng maglakad sa kanya. Napaligon ako ng makita kong hindi siya nakasunod sa akin. Nakita ko siyang nakangiti at naglakad na papunta sa akin.
"Tara." sabi niya ng makalapit sa akin kaya kumunot naman ang noo ko. Abnormal.
Nang magtanghalian na ay kumain kami sa isang malapit na restaurant sa Las Casas. Medyo sosyalin yung pinili niyang kakainan namin kaya hindi ko masyadong naenjoy yung pagkain. I mean, masarap naman ang mga pagkain sa mamahaling restaurant. Minsan lang talaga hindi ko sila naeenjoy. Mas gusto ko pang kumain sa mga fast food restaurant talaga o kaya karinderya.
"You don't like it here?" tanong niya sa akin. Napansin niya sigurong hindi ko masyadong ginagalaw yung pagkain ko.
"Hindi naman. Nasanay lang siguro ako sa mumurahing pagkain. Masarap naman." sagot ko sabay ngiti sa kanya. Tumango naman siya at kumaing muli.
"Kamusta naman yung pakikipag-deal mo?" tanong ko para naman kahit papano ay maenjoy ko parin yung pagkain ko.
"They changed it to a later date." sagot niya kaya napakunot naman ang noo ko.
"Akala ko ba nakipagdeal ka na?"
"With some of them. Yung iba tinanggihan ko." pagyayabang niya kaya napairap naman ako.
"Ang yabang mo naman." puna ko at narinig ko naman ang pagtawa niya.
"Yung iba kasi sa kanila hindi naman maayos yung rason kung bakit nakikipag-partnership sa company. Yung iba gusto lang na magkaroon ng exposure sa business industry and when I allowed that ilang buwan pa lang ay aalis na sila." paliwanag niya.
"I value loyalty, Allele." dagdag niya.
"Mahirap ba?" tanong ko. "Ang ibig kong sabihin ay mahirap bang kumilatis kung sino yung potential investors mo sa investors lang na gustong gamitin ang pangalan ng kompanya mo?"
"No. I believe that if a person want something hindi niya maitatago yung pagkagusto niya para dito. Some failed to notice those simple things pero not me." tumango naman ako.
"Saan mo gustong pumunta after nito?"
"May madadaan ba tayong pera padala dito? Kailangan ko kasing magpadala ng pera kina Mama." sabi ko sa kanya bago kainin yung pagkain ko.
"I think I know a place. Anywhere else you want to go?" hindi mo na ako sumagot sa kanya at nag-isip ng maigi.
"Gusto kong maligo don sa beach o kaya pumunta sa falls if meron man."
Hindi ko naman alam na seseryosohin niya pala yung sinabi ko. Pagkatapos kong magpadala ng pera kay Mama at maconfirm na natanggap niya na yung pera ay agad niya akong inaya pumunta sa alam niya daw na falls. Ilang oras din ang binyahe namin at ngayon ay naglalakad na kami patungo dito.
"Dahan dahan lang tayo." hinihingal na saad ko. Napalingon naman siya sa akin at bahagyang natawa.
"Tinawanan pa ako." naiinis na sambit ko na mas lalong ikinatuwa naman ng lalaking to.
"Let me carry this for you." lumapit siya at kinuha ang bag ko. Sinabayan naman niya ako maglakad.
"Ambilis bilis mo kasi maglakad. Kaya ko naman sanang buhatin yan eh."
BINABASA MO ANG
Innocent Rose (One Night Series #1)
RomanceOne Night Series #1. Simula pagkabata ni Allele ay mulat na siya sa kahirapan at kailangan niyang kumita ng maaga para masuportahan ang Mama niya at ang kapatid niya. She's been taking shift after shifts just to fill the needs of her family. Pero ti...