Kabanata 29

2K 57 5
                                    

Umupo kaming tatlo sa kalapit na booth at agad naman kaming nilapagan ng drinks ng waiter. Napairap naman si Kehlani sa asawa niya at iginiya sa amin ni Sanchez ang mga inumin.

"Siya nga pala Kehlani. Si Sanchez, Sanchez si Kehlani." sabi ko at nagkamayan naman ang dalawa.

"Hindi ko inaasahang nandito ka sa New York." panimula ni Kehlani at ininom ko muna yung tequila sa shot glass bago tumango.

"Icarus offered me a job." sagot ko at ibinaba naman ni Sanchez ang inumin niya kaya napatingin kami sa kanya.

"Nako, ateng. Wag kang maniwala diyan. Partially, her childhood bestfriend offered her a job para makalimutan niya ang ex niya." pinanlakihan ko naman ng mata si Sanchez at inirapan naman niya ako.

"Well, yung ex niya nandito." pang-aasar ni Kehlani at OA namang nagulat si Sanchez.

"Spill the tea, sis." malakas na sabi nito at natawa naman si Kehlani bago ituro si Isaiah na masayang nakikipagusap sa mga kaibigan.

"Holy- weh?!" palipat-lipat ang tingin nito sa akin at ni Kehlani. Tumango ako ng dahan-dahan at tumili naman si Sanchez kaya tinakpan ko ang bunganga niya.

Nilingon ko ang kabilang table at mukhang narinig nila ang kaartehan ni Sanchez. Ngumiti ako at napadako ang tingin kay Isaiah na nakatingin sa mga kamay ko kaya agad kong binitawan si Sanchez.

"Don't worry, boys. Girl talk." sagot naman ni Kehlani at tumango sila bago mag-usap muli.

"Kaya pala balisang balisa si Kuya mo Icarus kanina sa meeting. He didn't tell you, no?" medyo mahina na sambit niya.

"Yes, hindi. Wala namang problema sa akin. I guess, okay pa nga sa akin kasi kapag alam ko baka halos mahimatay na ako sa sobrang kaba. Atleast, I handled the situation professionally." sabi ko at tumango siya.

"Wait, you've met him earlier?" tanong ni Kehlani at tumango naman ako. "So you've met Corrine." dagdag niya at tumango ulit ako.

"Nakita ko na siya noon. Napakilala na siya sa akin ng Lola niya." sambit ko.

"I'm still in shock that you are here. Me and Dominic have been looking for you. Dito ka lang pala tinatago ni Icarus." komento ni Kehlani at uminom naman ako ulit ng tequila.

"Pero alam ni Sir Dominic na kasama ko si Icarus." takang sabi ko at tiningnan naman niya ako na animo'y ngayon lang nalaman ang impormasyon na sinabi ko.

"I guess he didn't told me about it. Anyways, how are you? May mga nanliligaw ba sayo dito?" she asks and umiling iling naman si Sanchez.

"Nako, dai. Mas masahol pa kay Birheng Maria itong ate mo. I've been signing her up to different blind dates, nakipag-usap na rin ako sa mga kaibigan ko, pero ayaw. Merong nagpapadala ng bulaklak sa kanya hanggang ngayon. Gwapo din yun medyo kamukha nung ex niya pero ayaw talaga ni ate mo girl." chismis ni Sanchez kay Kehlani.

"So V courted you?" tinaasan niya ako ng kilay at bumuntong hininga ako.

"Hindi ko naman pinayagan. He found someone while pursuing me." sabi ko at tumango naman siya.

"Hanapin kita ng Papa dito. Saglit lang." sabi ni Sanchez at tumayo. Pinigilan ko naman siya kaso inalis niya lang ang pagkakahawak ko sa braso niya.

"Hoy, bumalik ka dito." medyo malakas na sigaw ko kaso binelatan lang ako ng bayot.

"Ang wild ng kaibigan mo." komento ni Kehlani.

"Hindi naman niya ako hahanapan ng lalaki niyan. Hahanapan niya sarili niya." sabay inom ko ulit.

Innocent Rose (One Night Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon