Kabanata 46

2.1K 69 3
                                    

Hindi ko alam kung nasaan na ako dahil patuloy lang ako sa pagtakbo palabas ng venue. Sa bawat tapak ko, feeling ko pasan ko ang mundo at napakabigat nito. I feel so alone and my heart hurts so much. I guess, five years isn't enough to make me strong.

I was about to take another step when someone pulls me to make me stop from running. Hinihingal na tiningnan ako ng taong ito at dahan dahang binitawan ang kamay ko.

"Aalis ka na naman? Iiwan mo na naman ako?" sabi niya ng makabawi na sa pagtakbo. I looked down and let my tears fell down from my cheeks. He let go of my hands at narinig ko ang mahina niyang pagmumura.

"All this time I am wondering kung may mali ba sakin. If I have done something wrong for you to leave me like that. I guess my hunch was right all along. Why didn't you tell me?" tanong niya.

"Why didn't you tell me?" pasigaw niyang tanong.

"Anong gusto mong gawin ko, Isaiah?! Pagbalik baliktarin man ang mundo lola mo pa rin yun! Hindi ko sinabi sayo dahil may respeto parin ako sa tao kahit na inagrabyado ako na parang basura. Madumi maglaro ang lola mo at ayaw kitang madamay." sigaw ko pabalik habang humihikbi.

"You have no idea how badly I want to tell you. Kasi sobrang hirap eh, alam mo yung sobrang baba mo na nga pero mas lalo kapang ibinaba. All I want is to feel happy and free, Isaiah. Kasi pagod na ako mahirapan. Pagod na akong isakripisyo yung sarili ko para sa iba. I wanted to be selfish pero I know I can't. Kaya hindi ko sinabi sayo kasi kapag sinabi ko saan ka pupulutin ngayon, huh? Do you think that you will be like this if I didn't leave you? I'm not asking you to thank me, Isaiah. I'm not asking for your forgiveness also. Kung ano yung ginawa ko noon, kasalanan ko yun. I left you without saying anything. But think for a moment, you wouldn't have this kung hindi kita iniwan noon. Napakawalang kwentang dahilan pero I guess sacrificing my own happiness is enough." sabi ko habang lumuluha.

"Yes, I got all of this because you left me pero naisip mo lang ba kung anong kalagayan ko. I spent five years trying to find you. I spent five years being miserable and once again, shackled like a prisoner. Pinalaya mo ako eh. Hindi ko alam na ikaw rin pala ang magbabalik sa akin sa pagkakakulong. I never blamed you, even though I wanted to do that ever since I saw you once again. Wala tinamaan ako ng matindi." sabi niya at umiling ako

"I knew what my Lola did, Allele. Kilala kita hindi ka aalis kung walang dahilan. But I knew you as well, alam kong sasabihin mo sakin but you didn't and decided to leave me." napatingin ako sa sinabi niya. Of course, he knew.

"Pinalampas ko iyon dahil alam kong may mali rin ako. I thought that my Allele is different, stronger perhaps. But I guess, she's always have been innocent, like a rose. That all of the things that you made me see is just a facade. That time I knew I wasn't right for you na hindi ako ang kailangan mo. Dahil ang tamang tao para sayo ay yung makikita agad na nangangailangan ka ng tulong." he look away from me.

"But damn, the moment I saw you again." napasinghap siya. "I wanted to be a fool once again. Subukan muli at itama lahat ng hindi ko nagawang tama. Hinihintay ko lang na sabihin mo sakin ang dahilan ng pag-alis mo kahit na alam ko na at susubukan ko ulit, Allele. But you never did and now, you're doing exactly what you did five years ago. Pero sabi ko nga tanga na siguro ako dahil handa akong ipaglaban ka noon, Allele. I even threatened not to take any part on our business nung nalaman kong umalis ka. Kahit ngayon, gagawin at gagawin ko parin yun." sabi niya at nakita ko ang pagtulo ng luha sa mga mata niya.

"That's why I left, Isaiah. Kasi alam kong iiwan mo lahat kapag nalaman mo. I don't want you to do that. I don't want you to turn your back against your family para lang sakin. Iyon ang hinding hindi ko magagawa. I'd rather lose you than see you lose everything na pinaghirapan mo." sabi ko. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa.

"Just let me go." bulong ko at narinig ko ang mahina niyang mura.

"This is what it feels like, huh? Mapagod?" nagpatuloy ang luha ko sa sinabi niyang iyon. He smiled sadly at me.

"Pagod ako pero hindi ako susuko kagaya mo and I told you that I'm not going to do that." madiing sabi niya.

"Isaiah."

"No, Allele. I told you I have found you and I'm never going to leave you ever again." sabi niya at kinuha muli ang palapulsuhan ko at hinila kung saan.

"Saan mo ko dadalhin?" naguguluhan kong tanong. "Isaiah, saan tayo pupunta?"

"I'm doing something I should've done a long time ago." rinig kong sabi niya.

Hindi na ako nakakibo nang makita kong pabalik na kami ng venue. Kinakabahan akong nagpatianod sa hila niya. Pagpasok namin ay lahat ng bisita ay nakatingin sa amin at dumapo naman ang mga mata ko sa lola niyang ngayon ay nakaupo sa isang upuan inaalo ng mga apo niya.

"Thank you everyone for being here tonight. I just want to apologize for all of this." panimula niya. Yumuko ako dahil naalala ang eskandalong naganap kanina.

"But I am here for another matter. I am calling off my engagement to Ms. Corrine and marry this girl beside me. If ever you have questions, contact my secretary and I will be meeting all of you on Monday." sabi niya at halos lahat ng tao ay nagulat.

"Isaiah!" rinig kong tawag ng lola niya at nagsimula na naman siyang hilahin ako sa kung saan. Gusto ko nalang lamunin ako ng lupa dahil sa ginawa niya.

"Also, I'm sure my cousin Vector have warned you already and I'm going to reiterate it. If I heard any word of what happen from this event, contact your best lawyers and I'll see you in court." sabi niya at agad akong hinila muli.

"Isaiah, ano bang ginagawa mo?" tanong ko habang naglalakad kami patungo sa kung saan.

"Like I said, I'm doing what I should have done a long time ago." sabi niya at hindi ko man lang namalayan na nasa sasakyan niya na kami. Pinagbuksan niya ako ng pinto. "Get in."

"I kno-" hindi niya ako pinatapos at binigyan ako ng mabilis na halik.

"I'll fix everything on Monday. Pumasok ka na muna." sabi niya at tinulak ako ng bahagya papasok. Tinulungan niya akong ilagay ang seatbelt ko at binigyan na naman ako ng isang halik.

"Ano bang ginagawa mo nahihibang ka na ba?" bulong ko at hindi makatingin ng diretso sa kanya. Narinig ko ang mahina niyang tawa.

"Siguro nga nababaliw na ako."

•••
4 chapters to go...

Innocent Rose (One Night Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon