Hindi ako kumikibo ng ihatid ako pauwi sa amin ni Isaiah. Feeling ko sobrang napagod ako kahit hindi naman ako yung host ng party. Sobra ring walang pumapasok sa utak ko na kahit ano.
"Are you sure you are okay? Kanina ka pa tahimik. Simula nung umalis tayo sa party." puna niya sa ikinikilos ko.
"Oo, napagod lang. Hindi ako sanay sa mga ganong party." alibi ko at tumango naman siya. Huminto ang sasakyan niya sa kanto na pinaghihintuan talaga namin.
"Bye."
"Allele, wait." sambit niya at hinawakan ang palapulsuhan ko.
"Hmmm"
"I am happy that I get to introduce you to my relatives and yes, ikaw palang yung unang babaeng ipinakilala ko sa mga kamag-anak ko." nahihiyang sambit niya.
Hindi ko magawang ngumiti o ano. Ang tanging nararamdaman ko lang ay takot at sakit. Gustong gusto ko sabihin sa kanya yung gustong mangyari ng lola niya pero ayaw ko namang sirain ang relasyon nilang dalawa.
"Ako rin. Baba na ako. Napagod talaga ako ng sobra." sabi ko at tumango naman siya. Hindi nakatakas sa akin ang nagtataka niyang tingin. Para hindi siya mas lalong maghinala ay inilapat ko ang mga labi ko sa kanya.
Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Lagi naman kapag kasama ko siya. Humiwalay ako ilang saglit at malungkot na ngumiti.
"Thank you. Ingat ka pag-uwi." bulong ko at binigyan siyang muli ng mabilis na halik. Dahan dahan akong bumaba dahil suot ko parin yung suot ko kanina. Halos pagtinginan tuloy ako ng ilan pang nakatambay sa kanto. Isinara ko ang pinto at kumaway sa kanya bago pumanhik papasok sa street namin.
"Party, Allele?" tanong ni Lola Nena na tatlong bahay ang agwat sa amin. Mabait naman ito at hindi katulad ng mga iba naming kapitbahay.
"Opo eh." sagot ko at tumango naman siya. Inopen ko ang gate namin at nakita na nag-aabang si Mama sa akin. Bumuntong hininga naman ako bago nagmano sa kanya.
"Nobyo mo na pala yung naghahatid sayo." puna niya ngunit hindi ko naman siya sinagot. "Kailan mo balak ipakilala sa akin? Mukhang bigtime pa naman. Baka yan na makakaahon sa atin sa hirap."
"Ma, pwede ba." inis na sagot ko at agad ko naman itong pinagsisihan.
"Bakit? Hindi porket may ipagyayabang ka na ay sasagot ka ng ganyan. Sino ba ang nagluwal sayo? Hindi mo makikilala ang lalaking yun kung hindi dahil sa akin. Umayos ka, Allele!" napakunot naman ang noo ko.
"Hindi naman po ako nagyayabang." pinipigilan ko ang sarili kong magalit lalo.
"Ay siya nga pala. O, naniningil na yung may-ari ng bahay." sabay abot niya sa akin sa mga bills.
"Hindi niyo po ba binayad yung binigay ko sa inyo nung sumahod ako?" tanong ko.
"Pinagdududahan mo ba ako? Anong hindi ko binayad? Kulang yung binigay mo. Buti sana kung yang nobyo mong mayaman ay nagbibigay ng pera sa iyo. Kaso mukhang pagpaparuasan lang ang hanap sayo."
"Ano ba naman yang sinasabi mo, Ma?! Hindi obligasyon ni Isaiah na bigyan ako ng pera! Hindi ko naman siya asawa o kung ano! Atsaka bakit ko siya hihingan ng pera?! Mahiya nga po kayo!" isang malakas na sampal ang natanggap ko.
"Tangina mo! Anong pinapalabas mo ngayon na mukha akong pera?! Isaksak mo sa baga mo yang nobyo mo! Hindi ko alam kung bakit ka nagustuhan ng lalaking yun! Sumagot ka sa akin kapag may ipagmamalaki ka na! Walang hiyang to." umalis na si Mama sa harapan ko at naglakad patungong kwarto niya.
Napaupo naman ako sa sofa namin at naramdaman ang kanina pang bigat na nararamdaman.
"Ate," napatingin ako kay Paisley at tuluyan ng nagsiunahan na ang mga luha ko. Napayakap siya sa akin at tuluyan akong naging mahina sa harap ng kapatid ko.
BINABASA MO ANG
Innocent Rose (One Night Series #1)
RomansaOne Night Series #1. Simula pagkabata ni Allele ay mulat na siya sa kahirapan at kailangan niyang kumita ng maaga para masuportahan ang Mama niya at ang kapatid niya. She's been taking shift after shifts just to fill the needs of her family. Pero ti...