Kabanata 45

2K 59 6
                                    

I have never been more proud of what Isaiah achieved. Sobrang layo na ng narating niya and yet he still the same Isaiah that I know. Watching him while he is giving his opening remarks for this event makes me realize that. Pinalakpakan siya ng matapos niya ang speech niya at sinundan ko naman siya ng tingin. Habang bumababa siya ay lumingon siya sa akin at nginitian ako na sinuklian ko naman.

"Ang gwapo talaga ng ex mo." rinig kong sabi ni Sanchez kaya hindi ko mapigilang mapangiti.

Pumunta siya sa mga kamag-anak niya na alam kong samu't saring papuri ang binibigay sa kanya. Who wouldn't be proud? For all I know, lahat ng tao dito ay humahanga sa kanya. At such a young age, he manages their already big company into something much more bigger and powerful.

Napadapo ang tingin ko kay Corrine na masayang nakikihalubilo sa kanila. If I were in her place, would they treat me like the way they treat her? Actually the question, will be will I fit in his world?

Unti unting naglaho ang mga ngiti ko ng magtagpo ang mata naming dalawa. Bigla akong nakaramdam ng kaba sa di malamang dahilan. Tiningnan niya ako at binigyan ng ngisi. As if something would happen and it will be in her favor. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at nagulat sa taong nasa gilid ko.

"Hindi ka talaga nadala eh no."

Alam kong may pagkakataon na mangyari ito pero hindi ko pa rin ito inaasahan. Standing in front of me is Isaiah's grandmother. Ang buong tindig niya ay sumisigaw ng karangyaan at kapangyarihan. Any person who face her will cower. Medyo tumanda ng kaunti pero nananatili parin ang kagandahan nito.

"I told you before that I will not hold myself anymore when we see each other again." sabi nito at narinig ko naman ang pabulong na usapan ng mga tao.

"Tara na, Allele." narinig kong bulong ni Sanchez sa likod ko habang marahan akong hinihila. Natigil ito ng dumapo siguro ang tingin ng lola ni Isaiah sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito? Nakikiapid ka na naman sa apo ko? Kulang pa ba ang ginawa ko sayo noon at nandito ka ulit para maranasan iyon? Hindi ko alam na makapal pala talaga ang mukha mo." medyo malakas na sambit nito na pumukaw sa atensyon ng ilang tao.

Hindi ako makapaniwala sa mga paratang niya. I know Isaiah's lola was just looking out for him pero ngayon naniniwala na ako sa mga sinasabi nila Icarus na may ugali nga ito.

"Excuse me, Maam. Ano po ang problema?" singit ni Icarus na hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala sa sobrang kaba ko.

"Is she your employee?" tanong nito at napasinghap. "I expected great things from you, Icarus."

"Ano po bang kasalanan ko sa inyo ngayon?" hindi ko napigilan ang sarili ko sa pagtatanong.

"Allele." bulong ni Icarus at marahan akong hinihila.

"Nagtatrabaho po ako ng maayos at hindi ko po kayo ginugulo. Hindi po ako nakikiapid sa apo niyo. Nandito po ako para magtrabaho." sagot ko at napailing naman ang lola niya.

"Still the trash that I know. It's been 5 years and you haven't change at all. What brings you here then? I have my eyes everywhere, iha. I told you to stay away from my grandson." madiing sambit nito. Alam kong lahat ng tao ay tinitingnan na kami ngayon at dahil may mga press na imbitado dito ay paniguradong kakalat ito.

"Hindi po ba sinunod ko na kayo noon? Hiniwalayan ko po ang apo niyo. Hindi pa po ba sapat yon?" pagpipigil ko. Nakita ko ang paglapit ng ilang mga kamag-anak nila sa gawi namin.

"Magkano ba ang kailangan mo?" sigaw nito at napasinghap naman ako. Ganito pa rin kababa ang tingin sa akin ng lola niya at ganito parin ito kaduming maglaro.

"Hindi ko po kailangan ng pera niyo, Maam. Ilang beses ko po ba dapat sabihin sa inyo yan. Linayuan ko po ang apo niyo dahil maraming tao ang nadamay sa relasyon namin. Hindi ko po kayo sinisisi dahil maganda naman ang ibinunga ng ginawa niyo. Hindi ko po kasalanan na nakita ako ulit dito ni Isaiah. Limang taon na ho ako dito at matiwasay na nagtatrabaho." sabi ko at nagulat ako ng lumandas ang mga kamay niya sa pisngi ko.

"Lola!" rinig kong tawag ni Isaiah. Hindi na napigilan ng luha ko ang pagpatak.

"Walang hiya ka! Anong ibig mong sabihin na ang apo ko ang humahabol sayo? Napakailusyonada mo naman! Ang kapal ng mukha mo!" sigaw niya.

"Bakit hindi niyo po tanungin iyang apo niyo? Pumunta po ako dito para makasimula ng panibagong buhay. Tinulak ko po ng palayo yung apo niyo nung nagkita kami ulit dahil alam ko pong may fiance siya at iniisip ko po kayo. Hindi ko po kontrolado ang pag-iisip ng apo niyo at kayo rin po. He was the one who ca-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang makatanggap na naman ako ng isa pang sampal. Tuluyang lumapit si Isaiah at iniharang ang sarili niya sa akin.

"Paalisin niyo yang hampaslupa na yan dito! Napakawalang hiya mong gaga ka!" sigaw nito habang inaawat ng mga kamag-anak ni Isaiah na makalapit muli sa akin.

"Lola." rinig kong sambit ni Isaiah.

"Hindi niyo na po kailangang gumawa ng eksena. Alam ko pong ayaw niyo sa akin kaya buong araw akong balisa at nagbabakasakaling hindi ko po kayo makita o makasalamuha dahil alam ko pong ayaw niyo po sa akin. You made it clear for me last time at naiintindihan ko po kayo. Kusa po akong aalis." sabi ko at tinanggal ang kamay ni Icarus sa akin bago tuluyang lumabas.

Paglabas ko ng venue ay agad namang nag-unahan ang mga luha ko. What did I do to deserve this? Wala na ba talaga akong kalayaan para sumaya?

Sa buong buhay ko wala akong ibang ginawa kung hindi isipin ang kasiyahan ng iba. Kahit na hindi ako, basta yung mga taong nasa paligid ko masaya para sa akin ayos na ako. Ang humingi ng kaunting kasiyahan ay hindi ko manlang magawa.

Now that I found someone who can give me happiness without me asking for it makes me greedy to the point na hindi ko na nakikita na nasasaktan na ang mga taong nasa paligid ko. Lumayo na ako lahat lahat para mapigilan ito pero bakit hanggang ngayon hindi ko pa rin makuha yung gusto ko. Yung kagustuhan kong sumaya.

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko at hinayaan ko lang ang sarili ko. Natigil lang ako ng may humila sa akin at nakita ko kung sino iyon.

"Aalis ka na naman? Iiwan mo na naman ako?"

•••
5 chapters to go...

Innocent Rose (One Night Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon