Kabanata 9

2.6K 69 0
                                    

"Magkakilala kayo?" tanong ni Sir Dominic. Bigla naman akong kinabahan sa tanong niyang yon. Kaya siguro ako kinakabahan buong araw ay dahil sa ganitong pangyayari.

"Yes, you introduce to her already." sagot naman ni Isaiah. Pinagmasdan niya muna kaming dalawa at tumango. Nagpasalamat naman ako sa utak ko na magaling maghandle ng awkward situation si Isaiah at hindi na nagtanong pa si Sir Dominic.

"Ano pong order niyo?" tanong ko para mabawasan ang namumuong tensyon sa pagitan naming tatlo.

"Black coffee with three sugars." saad niya at agad ko naman itong pinunch in.

"50 pesos po lahat." binigay niya agad sa akin ang card niya at agad ko itong inasikaso.

"Bakit ka na naman nandito?" narinig kong tanong ni Sir Dominic sa kanya.

"Like I said, bawal na ba ako dito? Mukhang problemado ka." saad nito at narinig ko ang pagdausdos ng high chair sa lapag.

"I fuck up." namomroblemang sabi ni Sir Dominic. Alam kong masamang makinig sa usapan nila pero hindi ko lang maiwasan.

"That wasn't surprising." gusto kong batukan si Isaiah sa sagot niya. Kitang may problema yung tao eh.

"Tangina mo. Lumayas ka na nga dito." sagot naman nito. Nang matapos kong gawin ang kape niya ay agad ko itong dinala sa kanya.

"Papayag ka bang pinapaalis niya na ako?" nagulat ako sa tanong niya. Nagtama ang mata namin at halos gusto ko ng lamunin ng lupa sa inaasta niya. Nakakahiya kay Sir Dominic.

"I'm this close to say na matagal na kayong magkakilala." sabi ni Sir Dominic na papalit palit na ng tingin sa aming dalawa.

"No one's stopping you to say it." nagkibit balikat lang si Isaiah.

"Magkakilala na ba kayo dati?" tanong ni Sir Dominic sa akin.

"Yes"

"Hindi po"

Isang mapaglarong ngiti ang lumitaw sa mukha ni Sir Dominic. Bigla naman akong namula at umalis na sa harapan nila at nagsimulang maglinis na lang.

"We met sa party ni Ashley. I apologized for the way I acted that night." halos walang pressure na sabi ni Isaiah.

"Okay. My employees are off limits, Isaiah." sabi ni Sir Dominic at bigla naman akong nailang dahil don.

"Wala naman akong binabalak." napatingin ako kay Isaiah ng sabihin niya yon at sakto namang nakatingin siya sa akin. Umiwas ako kaagad ng tingin at nagpatuloy na lang sa ginagawa ko.

"I know you since high school." pagpipilit ni Sir Dominic.

"I don't have time for that." rinig kong sagot nito.

"Bakit ka nga pala nasa birthday ni Ashley, Allele?" napalingon ako sa tanong ni Sir Dominic. "May kakilala ka don?"

"Opo, kaibigan ko si Icarus Lopez." sabi ko at napatango naman ito.

"You're friends?" ulit ni Isaiah sakin at tumango naman ako.

"Tingnan mo nga naman. Small world. Anyways, maiwan ko na kayo dito at may tatawagan pa ako." paalam ni Sir Dominic. Kasabay ng pag-alis niya ay nagpatuloy na ako sa ginagawa ko.

Ayokong mag-stay sa harapan niya at i-entertain siya kahit na medyo magaan na ang loob ko sa kanya ayoko parin.

"You didn't tell me that you were friends with Icarus." napataas naman ako ng kilay ng humarap sa kanya.

"Hindi ko naman dapat sabihin atsaka kakakita lang natin ulit after nung party." nagkibit balikat ako at tumango naman siya. Pagkatapos niyang uminim ng kape ay nagpaalam siya saglit kay Sir Dominic at umalis na.

Agad namang dumating ang papalit sa akin kaya nakaalis agad ako. May bibilhin pa kasi ako bago pumasok sa shift ko sa gas station. Dinial ko ang number ni Mama at naghintay para sagutin niya ito.

"Hello?" sagot nito. Napakunot naman ang noo ko nang makarinig ako ng ingay sa background.

"Hello, Ma. Pwede kay Paisley?" tanong ko at nagpatuloy parin ang ingay sa background. Mukhang nandoon na naman yung mga kasama ni Mama sa sugal.

"Ate, ano oras ka uuwi?" bungad ni Paisley sa akin.

"May shift pa ako eh pero ibibili na kita ngayon para sakto bago ka pumasok mamaya eh meron na. Ano pa bang kailangan mo?" tanong ko. Tuwang tuwa siya ng ibinigay ko sa kanya yung regalong binigay nila Jason sa akin.

"Wala na, ate. Ingat ka po."

"Bakit maingay diyan?" tanong ko at umupo sa bench na paghihintayan ko ng sasakyan.

"Nandito po kasi yung mga kasugal ni Mama. Sinabihan ko na po siya ate kaso ayaw niya po makinig." sagot ni Pai sa akin. Napabuntong hininga ako at napapikit.

Panigurado ay may binenta na naman si Mama sa mga gamit ko. Okay lang naman sa akin na magbenta ng gamit. Hindi ko naman kailangan ng madaming gamit. Ang akin kang ay gamitin sa tama yung pera na nakuha sa pinagbentahan.

"Basta ingatan mo yung laptop na binigay ko ah. Wala na akong kapalit diyan." sagot ko nalang.

"Opo, ate. Thank you po."

"Sige, Pai. Baba ko na to." sagot ko at nagpaalam na sa kanya. Napahinga ako ng malalim at tiningnan ulit ang mga dumadaan na sasakyan sa kabilang kalsada.

"Why do I always find in this situation?" napatingin ako sa nagsalita. Umupo siya sa tabi ko. May kunting pagitan sa aming dalawa.

"Akala ko umuwi ka na." nagkibit balikat siya at tumingin ako ulit sa kabilang kalsada. "Ever wondered what if sana hindi naging ganito yung buhay mo?"

"Lagi kong sinasabi sa sarili ko na may plano naman si Papa God sa akin. Kailangan ko lang mag-tiyaga pero minsan kasi nakakasawa na." saad ko at yumuko. Hindi ko alam pero sobrang ramdam ko ang pagod ngayon.

"Is this the same reason why you don't want to go home that night?" tanong niya at tumingala naman ako.

"Gusto ko lang makaramdam ng kahit kunting kalayaan." sabi ko at tiningnan siya. Sakto namang nakatingin siya sakin.

"Lagi mo kong pinapahanga sa mga salita mo." sabi niya at tiningnan ko naman siya na nagtataka.

"Bakit naman?"

"Mas lalo akong nacucurious sa mga salita mo, Allele. It's rare for me to be this curious." mahinang sambit niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Agad ko namang naramdaman ang pag-init ng mukha ko dahil sa sinabi niya.

"Bakit ka pa nandito?" pag-iiba ko ng topic. Pinagmasdan niya ulit ako bago sagutin ang tanong ko.

"Something urgent came up. Tinawagan ako ng opisina. I need to go somewhere para ayusin ito. Nakita kitang lumabas ng coffee shop habang may katawagan ako." tumango naman ako at binigyan siya ng tipid na ngiti.

"Diyan ka na nga. May bibilhin pa at may pasok pa ako." sabi ko sa kanya matapos ang mahabang katahimikan. Tumayo nang makita ang paparating na jeep.

Hindu ko na siya hinintay pang bigyan ako ng sagot. Akmang paparahin ko na sana ang jeep ng hilahin niya ang kamay ko paharap sa kanya.

"Ano bang trip mo?" tanong ko sa kanya. Medyo inis dahil nakalagpas na yong jeep. Agad akong nanliit ng tumayo siya at sinimulan akong hilahin.

"Tara."

•••

Innocent Rose (One Night Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon