Maaga kaming umalis ni Pai sa bahay. Hindi ko alam pero masyado akong naeexcite sa kung ano mang nangyayari sa amin ni Isaiah. Para akong naging teenager ulit sa ginagawa ko. Halos magreklamo naman ang kapatid ko dahil nga sa aga naming umalis.
"Ate, ang aga aga naman nating umalis." ulit niyang reklamo. Nakasakay kami ngayon sa tricycle para makapunta sa 7/11.
"May pupuntahan pa kasi si Ate." pagsisinungalingn ko at napabuntong hininga naman ito.
"Sama nalang ako, Ate. Ayokong mauna sa classroom eh. Dali na." pilit niya sa akin. Naramdaman ko naman ang pag-vibrate ng phone ko kaya agad ko itong tiningnan.
From: Isaiah
i'm here. good morning.
Agad akong nagtipa para sabihin na malapit na kami. Itinago ko ang cellphone ko sa bag ko at tiningnan si Paisley na kanina pa nakita sa akin. Malamang nakita niya ang kalandiang ginawa ko.
"Isasama kita pero please wag mong sabihin kay Mama." sabi ko at ngumiti naman ito bago tumango.
Agad kaming bumaba sa tricycle ng makarating na kami sa 7/11. Nakita ko naman agad ang kotse ni Isaiah na nakapark. Binayaran ko muna ang tricycle at sabay kaming tumawid ni Paisley. Nakita niya siguro kami kaya agad itong bumaba.
"Sorry natagalan." nahihiyang sambit ko at tumango lang ito.
"Hello." bati nito kay Paisley. Kumaway naman ang kapatid ko at pinagbuksan niya na kami ng pinto. Agad sumakay si Paisley sa likod at sinara ang pintuan. Tinaasan ko siya ng kilay ng makitang nakatingin lang siya sa akin.
"May problema ba?" alalang tanong ko at umiling naman ito. Pinasadahan ko naman siya ng tingin at hindi ko makakaila na gwapo talaga tong nilalang na nasa harapan ko.
"Why do you have to be so damn pretty?" rinig kong bulong niya. Agad naman akong pinamulahan dahil doon.
"Ako ba magbubukas o" naputol ang sasabihin ko ng buksan niya ang pinto. "Thank you."
Nilingon ko si Paisley na nakangiting nakatingin sa akin. Umiling ako at sinuot na ang seatbelt ko. Pumasok naman si Isaiah at nilingon ang kapatid ko.
"Are you okay there?" tanong niya kay paisley.
"Opo." sagot naman ng kapatid ko bago pinaandar ni Isaiah ang sasakyan niya. "Kuya, boyfriend ka po ba ni Ate?"
"Pai." suway ko at ngumiti lang ito sa akin. Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Isaiah. "Tawa tawa ka diyan." saad ko at umiling lang ito.
"Not yet." sagot niya kay Paisley. Napangiti naman ako at napaiwas ng tingin. "Why did you ask?"
"Wala lang po. Nakita ko po kasi kayo kanina. Hindi naman po sila ganon ni Kuya Icarus eh kaya nag-assume lang po ako. Hindi pa pala." saad ni Paisley. "Ano pong pangalan niyo?" kahit kailan talaga napakadaldal ng batang to.
"Isaiah. You?" sagot naman ni Isaiah.
"Paisley po. Nice meeting you po, Kuya Isaiah."
"Nice meeting you din. Kumain na ba kayo?" tanong niya sa aming dalawa.
"Ako po kumain na. Si ate hindi pa." sagot ni Paisley.
"Saan mo gustong kumain?" napalingon ako sa tanong niya.
"Kahit saan nalang. Wag sa masyadong mahal ah." sabi ko at tumango naman siya.
"Pancake house?"
"Ikaw nga bahala." sabi ko ulit at tumango naman ito.
Matapos kaming kumain ay hinatid namin si Paisley sa school nito bago kami tumulak sa coffee shop.
"Hindi kaya magtaka si Sir Dominic kung bakit magkasama tayo?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
Innocent Rose (One Night Series #1)
RomanceOne Night Series #1. Simula pagkabata ni Allele ay mulat na siya sa kahirapan at kailangan niyang kumita ng maaga para masuportahan ang Mama niya at ang kapatid niya. She's been taking shift after shifts just to fill the needs of her family. Pero ti...