[Third Person's POV]
Agad niyang ibinaba ang librong binabasa para sumimsim ng mainit na kape. Malamig ngayon ang klima sa New York City. Kakatapos lang kasi ng Fall season dito at nagsisimula na ang paglamig ng temparatura.
"Bakit ba ako nagbabasa nito? Para naman akong broken hearted nito." bulong niya sa sarili niya.
"Broken hearted ka naman talaga." isip niya at napabuntong hininga na lang siya.
Tiningnan niya ang orasan at nakitang malapit ng matapos ang breaktime niya at kailangan na niyang bumalik sa opisina. Siguradong hinahanap na siya ng boss niya. Nilagay niya sa bag ang librong binabasa at binitbit ang kapeng iniinom niya palabas ng cafe shop.
Allele Chloe Cruz felt everything around her is surreal. Kung dati ay halos pagsabay-sabayin niya na ang pagtatrabaho niya para lang makasurvive sa isang araw. Ngayon ay para siyang nasa isang malalim na panaginip na ayaw niyang matapos.
Hindi niya akalain na darating siya sa puntong makakatapak siya sa ibang bansa para magtrabaho sa isang malaking kompanya at bilang isang sekretarya pa ng may-ari nito. Nag-ring ang telepono niya at agad niya itong sinagot.
"Hello, this is Allele Cruz from C.I.L Tours. How can I help you?"
"You can help me by hurrying up. Nasaan ka ba?"
"Well, nag-take ako ng break ko, Mr. Lopez." sagot ko at napairap.
She is now working as the secretary of the owner of C.I.L Tours. Walang iba kundi ang kaibigan niyang si Icarus. Natanggap nito ang kompanya mula sa tatay nitong bumaba na sa pwesto dahil katandaan. Personal itong nag-offer sa kanya ng trabaho kaya siya nakarating sa New York kung saan nakabase ang opisina nito.
"Just hurry up, Allele. May darating na client."
"Alam ko iyon, Icarus. Bumili lang ako ng kape sa tapat na cafe shop. Papunta na rin ako diyan. Maghintay ka." atsaka niya ito binabaan. Kung hindi niya lang ito kaibigan baka nasisante na siya sa ginawa niya.
Allele knows that Icarus will never do that. Takot lang nito sa kanya. Napangiti siya ng maalala kung paano siya habulin ng dati nitong nobya. Sinundan pa siya nito mula Pilipinas hanggang dito sa New York. He introduces her as his girlfriend kaya tumigil ito.
Marami ang nagtatanong sa kanya kung nobyo niya ba ang boss niya pero lagi niya itong itnatanggi. Hindi naman niya ikinakaila na gwapo ito kaso hindi niya type.
Siguro tama nga ang kasabihan na walang makakatalo sa first love mo. She smiled bitterly. Tila sumasabay ang pait ng kaniyang nararamdaman sa iniinom niyang kape.
Matagal na ng nagkaroon siya ng nobyo at alam niyang kahit anong mangyari ay ito parin ang laman ng puso niya at hindi ito magbabago.
Their love is one of a kind but not strong enough to build up something o sadyang hindi niya lang ito pinaglaban. Two years ago, she made a decision to gave up their relationship. Two years na rin siyang nagreregret sa ginawa niyang desisyon.
"Kamusta na kaya ito?"
Napailing siya sa naiisip. Alam niyang kasalanan niya siya nasasaktan ng ganito. Nag-ring na naman ang cellphone niya at inis niya itong sinagot.
"Papunta na nga. Ang kulit mo."
"Nag-text na kasi sa akin ang sekretarya ng kliyente ko, Allele. May pupuntahan lang daw saglit ang boss niya at pupunta na dito. Tayo na nga ang nakakahiya kasi sila pa ang pumunta dito."
"Hindi pa nga nagrered light dito. Anong gusto mong gawin ko? Tumawid?" his boss chuckled.
"Tawid ka nga."
"Hayop. Papunta na ako. Ang tanging gagawin mo na lang ay maghintay. Bye na." she ended the call once again. Alam niyang maiinis ito sa kanya. Napatingin siya sa langit at pinagmasdan ito.
Iniwas niya ang tingin niya doon dahil nakaalala na naman siya ng isang mapait na alaala. Napasinghap siya sa nakita. Hindi niya alam kung ibabaling niya ba ang tingin sa ibang tao o mananatili ito sa taong nasa kabilang kalsada.
Her heart started to beat abnormally. Hindi pa rin nawawala ang epekto nito sa kanya. His whole physical appearance is different now. Mas lalo itong naging define. Taliwas ng una niya itong nakita kung saan ininsulto siya nito.
The stoplight turns red and people started to cross the street. Napako ang mga paa niya sa kinatatayuan. Hindi niya alam kung tatawid pa ba siya o maghihintay na lang siya muli ng another 2 minutes para hindi niya ito makasalubong kaso kapag ginawa niya ito ay alam niyang sesermonan siya ni Icarus and she doesn't want that to happen so she chooses to do the former.
Tila nag-slow motion naman ang paligid habang naglalakad siya patawid ng kalsada. Napayuko siya at sinubukang itago ang mukha kahit alam naman niyang hindi siya nito makikita sa dami ng taong naglalakad ngayon.
Napadako ang tingin nito sa kanya ngunit alam niyang hindi siya ang tinitingnan nito. The pain that she felt when she chooses to leave him behind surges once again as he walk pass her.
Tinawid na niya ang kabilang kalsada at nilingon ito. Nakita niyang may mineet itong babae bago sila nagtungo sa coffee shop na pinanggalingan niya kania.
She now realizes that leaving him is the biggest mistake of her life and after two years, she still haven't moved on from that night.
•••
BINABASA MO ANG
Innocent Rose (One Night Series #1)
RomanceOne Night Series #1. Simula pagkabata ni Allele ay mulat na siya sa kahirapan at kailangan niyang kumita ng maaga para masuportahan ang Mama niya at ang kapatid niya. She's been taking shift after shifts just to fill the needs of her family. Pero ti...