Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya. Hindi pa rin ako bumababa ng sasakyan niya dahil nahihibang na ang lalaking nasa harap ko ngayon.
"Bakit tayo nasa courthouse?" tanong ko at nginisihan lang ako nito.
"I told you I'm having crazy thoughts right now and one of it is here." sabi niya.
"Nako, Isaiah. Huwag mo akong isali sa kahibangan mo." sambit ko. "Ibalik mo nalang ako sa amin."
Tatlong sunod sunod na sasakyan ang nakapukaw ng paningin ko. Sabay sabay itong nagpark malapit sa amin at una kong nakitang bumaba si Icarus.
"Tangina, seryoso ka talaga?" bungad nito at tiningnan ako.
"I know that your crazy my dear cousin but not this crazy." singit ni V at umiling lang si Sir Dominic.
"I am serious. Hindi ko naman kayo tatawagan kung hindi." sagot niya dito.
"Pwede pasapak isa lang?" sabi ni Icarus at nagulat naman ako ng tinotoo niya nga ito.
"Icarus!" sigaw ko at agad na tiningnan ang parte na sinapak nito.
"Well, I deserved that." bulong ni Isaiah at hinawakan naman ang kamay ko.
"Halos magwala na ang lola mo sa ginawa mo kanina at ngayon isa na namang kabaliwan ang gagawin mo. If you're just here dragging my bestfriend's name, better leave her man. Hindi niya kailangan ng lalaking aapihin lang siya ng pamilya nito." sabi ni Icarus. Inaawat naman ito ni Sir Dominic para hindi makalapit.
"That's why I said I'm going to fix everything on Monday. But I can't let this go. I can't let her go." sagot naman ni Isaiah sa kanya.
"Isaiah, ano ba kasi talaga to?" tanong ko na nakapukaw naman sa atensyon niya.
Tinanggal naman ni Isaiah and seatbelt ko at inalalayan ako pababa ng kotse niya. Nagtataka akong tiningnan siya at agad itong lumuhod sa harap ko ng medyo makalayo ako sa sasakyan niya.
"Oh my gosh..." rinig kong singhap ni Kehlani at ang tawa naman ni V.
"Siguro nga nahihibang na ako but I won't last a day without calling you my wife, Allele." sabi niya. Hindi ako makapaniwala sa ginagawa niya ngayon. May kinuha siya sa bulsa ng pantalon niya at binuksan niya ito.
"Let's be crazy tonight, baby." sabi niya at hindi ko na mapigilang mapaiyak. Isaiah is a kind of person that can easily lift your mood up or ako lang yung nakakaramdam non.
He is impulsive when it comes to all the decisions he is going to make. But that's what I like about him- or rather love about him. His spontaneity makes me fall for him even harder because everything he does is new for me.
"I won't take no for an answer." bulong nito at nakita ko naman ang paambang paglapit ni Icarus na pinigilan naman ni Sir Dominic.
"Sure, Isaiah. Let's be crazy tonight." saad ko at malaking ngisi naman ang iginawad niya sa akin bago tumayo at binigyan ako ng magigpit na yakap.
"This is supposed to be an engagement ring for you pero I'm going to use it for our wedding." bulong niya at natawa naman ako ng bahagya.
"You are crazy."
"I really am." sambit niya at humiwalay na sa akin. "Vector, is there any chance we can have a judge at this hour?"
Nandito kami ngayon sa isang hotel room ni Kehlani, Crystal and surprisingly, Ashley. All of them are dressed in white dress that we bought earlier. Inaayos ni Crystal and Ashley ang buhok ko at si Kehlani sa makeup ko.
"I know, Isaiah is crazy but he's crazier than me." sambit ni Ashley at natawa naman ako.
"Tinotoo niya yung sinabi niya nung engagement party niyo Crystal. He told us that he won't spend a dime for an engagement party if he can just marry the girl that he's willing to spend his whole life with." sabi ni Kehlani at napangiti naman ako sa alaala na iyon.
"Are you sure about this?" tanong ni Ashley sa akin. Nanahimik naman ang dalawa at hinihintay ang magiging sagot ko sa tanong nila.
"I am." walang pag-aalinlangang sagot ko dahil alam ko sa sarili ko na sigurado ako dito. Sigurado ako sa desisyon na ito and its funny dahil itong desisyon na ito ang isa sa pinakamasaya ako.
"Okay, you're done." sambit ni Kehlani at pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin ng hotel room. Dressed in a white flowy short dress with hair on a loose bun and a light makeup is a girl that's about to make the most happiest decision she ever done in her entire life.
Sabay sabay kaming sumakay sa elevator at hindi ko naman maiwasang kabahan. Although I am sure of my decision, ang lahat ng ito ay parang isang malaking panaginip para sa akin. Masyadong mabilis ang mga pangyayari.
"Relax, Allele. Hindi ka iiwan sa harap ng judge ni Isaiah." kinuha ni Kehlani ang kamay ko habang sinasabi iyon.
"I'm really glad that he met you. You make him very happy, Allele." sabi ni Kehlani at niyakap ako.
"He makes me happy." bulong ko at natawa naman ito.
"Let's agree that you make each other happy and I am glad." nginitian ko siya at masaya dahil nagkaroon ako ng kaibigan na katulad niya.
Ilang saglit lang ay bumukas na ang pintuan ng elevator at naghihintay si V. Binati nito ang fiance bago pumwesto. Nandito kami ngayon sa rooftop ng isang kaibigan ni Isaiah at malapit din ito sa courthouse. Namangha ako dahil nagawan nila ito agad ng mga dekorasyon.
Si V ang kumontak sa judge na kakilala nito at agad naman nitong pinaunlakan ang request. Tinawagan ni Icarus si Sanchez para tulungan sila sa kakaunting decorations, musicians at iba pang kailangan sa isang kasal.
"Welcome to the family!" masayang bati nito at niyakap ako. "Alam kong baliw ang pinsan ko pero mas lalo mo atang binaliw, Allele." bulong niya at hinampas ko naman ang likod niya.
"Thank you, V." sabi ko at hinalikan naman niya ang ulo ko.
"I expect a very expensive gift sa kasal namin next year ni Crystal dahil sa kabaliwan niyo hindi pa tuloy kami makakasal." sabi niya at natawa naman ako.
Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at sinalubong naman ako ng yakap ni Icarus. Naramdaman ko ang pagiging emosyonal kaya agad itong humiwalay ng bahagya sa akin.
"Bakit ka umiiyak?" tanong niya habang pinupunasan ang mga luha ko.
"I'm just happy. Thank you, Icarus." sabi ko at niyakap niya ulit ako.
"I just want the best thing for you and I know that he will give you the best. Even better than the best." sambit niya at humiwalay na sa pagyayakapan namin. Pumwesto siya sa tabi ko at inilahad ang braso niya.
Nagsimulang tumugtog ang isang kanta at isa-isa ng naglakad ang kakaunting bisita namin. Dahan dahan kaming naglakad ni Icarus at dumapo naman ang paningin ko kay Isaiah. Looking dashing in his white suit. He smiled at me and I smiled back. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa nasa harap na kami.
"Take care of her, dude. I know you will." sabi ni Icarus at tinapik ang balikat ni Isaiah bago ko tinanggap ang nakaabang na braso nito.
"I will, Icarus." sagot nito at tiningnan ako. He kissed my cheeks at narinig ko naman ang hiyaw ni Sanchez kaya hindi ko mapigilang matawa.
"I guess this will do for now. I promise to give you a proper wedding." sabi niya at umiling naman ako.
"This is just perfect." sagot ko at nagsimula naman ang seremonya. Pumirma kami ng iilang papeles at ilang saglit lang ay tapos na.
"I now pronounce you, in the name of law, husband and wife. You may now kiss the bride." sabi ng judge at nagpalakpakan naman ang maliit na bisita namin.
"I'm really happy that you did this with me, Allele Chloe Cruz-Pantaleon." sabi niya.
"I am really happy, too." sabi ko at niyakap niya ako ng mahigpit.
"You really are making me crazy." bulong niya. He let go of the hug and cupped my face. He slowly leaned forward and smiled. "I love you, Mrs. Pantaleon."
"I love you too, Mr. Pantaleon."
•••
2 chapters to go...
BINABASA MO ANG
Innocent Rose (One Night Series #1)
RomanceOne Night Series #1. Simula pagkabata ni Allele ay mulat na siya sa kahirapan at kailangan niyang kumita ng maaga para masuportahan ang Mama niya at ang kapatid niya. She's been taking shift after shifts just to fill the needs of her family. Pero ti...