Please read at your own risks :-)
•••
After ng kasal ay nagkaroon kami ng munting salo-salo. Kinontak ni Sir Dominic ang kakilala niyang chef at napaunlakan naman kaagad kami nito kahit disoras na ng gabi. Ngayon ay nag-iinuman sina Isaiah at kami naman kasama si Sanchez ay nagkaroon rin ng pagtitipon.
"This is a serious question." sabi ni Sanchez at nanahimik naman kaming lahat. "Virgin pa ba kayo?" binato ko naman siya ng tissue at puro daing ang maririnig mo matapos niyang banggitin iyon.
"Ano ba namang tanong yon?" sabi ko at nagkibit balikat lang siya.
"No." sabi ni Ashley at sabay sabay kaming tumingin sa kanya. "Hindi si Icarus yung una if you are wondering."
"Fair enough. Well, mag-asawa na at may anak na kami." sabi naman ni Kehlani. Tumango naman ako sa sagot niya.
"How about you, Doctor?" mapaglarong tanong ni Sanchez.
"Well, no." nahihiyang sagot niya at sabay sabay naman kaming tumango.
"Hindi nakakagulat." komento ni Kehlani. Uminom naman ako sa lady's drink na inorder namin at tinaasan sila ng kilay ng nasa akin na ang atensyon.
"I'm not." mabilisang sagot ko at pumalakpak naman ng malakas si Sanchez kaya napalingon sa amin sina Isaiah. I smiled at him and mouthed that it's nothing.
"Of course, sinong hihindi kay Sir Isaiah no." sabi nito at hinampas ko naman ang braso niya.
"Ang halay ng utak mo." sabi ko at sinundot-sundot naman nito ang tagiliran ko.
"I need details kapag nakabalik ka na." sabi nito at nagsimula ang pangangasar nila.
"I'm sure you will get some action tonight." sabi ni Kehlani at napailing na lang ako. Bakit ba kasi napunta kami sa usapan na ito?
"Atsaka honeymoon niyo naman at kasal na kayo so it will be normal." dagdag ni Crystal at napasapo na lang ako sa noo ko sa mga sinasabi nila.
Umabot ng alas tres ng umaga ang mumunti naming salo-salo. Nagpahinga pa kasi ng kaunti si Isaiah dahil ayaw niya daw magcheck-in kami sa hotel.
"Are you sure you can drive?" tanong ko habang paalis kami sa hotel at tumango naman ito.
"Hindi na ako lasing and I can drive even I am one." sagot niya at sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Subukan mo lang mag-drive ng lasing. Masasapak kita." sabi ko at natawa naman siya bago inabot ang kamay ko at hinalikan ito.
"I love you." namula naman ako sa sinabi niya.
"I love you too."
Bumalik ulit kami sa bahay na pinagdalhan niya sa akin kanina. Iginiya niya ako sa pagpapahingahan namin at nahiga naman ako sa kama.
"Tired?" tanong niya at tumango naman ako habang nakapikit. "Go shower. So we can sleep now."
Tinaas ko ang kamay ko at natatawa naman niya akong hinila patayo kaso mukhang may tama pa siya kaya natumba lang kaming dalawa. Natawa naman ako at tiningnan siyang nakadagan sa akin.
BINABASA MO ANG
Innocent Rose (One Night Series #1)
RomanceOne Night Series #1. Simula pagkabata ni Allele ay mulat na siya sa kahirapan at kailangan niyang kumita ng maaga para masuportahan ang Mama niya at ang kapatid niya. She's been taking shift after shifts just to fill the needs of her family. Pero ti...