Three days have passed and what happen that night still haunts me. Gusto kong lamunin ako ng lupa sa ginawa kong kahihiyan. Hindi ko alam kung anong masamang elemento ang sumapi sa akin ng araw na yun at nasabi ko yung katagang yun. Wala na nga akong mukhang ihaharap sa kanya mas dinagdagan ko pa. But I meant what I told him that night, that I miss him. Kahit ako ang may kasalanan kung bakit kami naging ganito ay hindi ko parin maiwasang mamiss siya.
Isaiah is the best thing that ever happen to me. Kahit hirap na hirap na ako nung mga panahong yun, isang ngiti lang galing sa kanya ay gumagaan na ang pakiramdam ko. He brings light to my dark world. Kung siya liwanag ang dinal sa buhay ko, alam kong dahil sa ginawa ko ay pansamantala siyang naiwang mag-isa sa dilim. I'm sure he likes Corrine. I mean, sino bang hindi.
Katulad ng nakagawian, ibinaba namin ni Icarus si Paisley sa pinapasukan nitong eskwelahan bago kami tumulak papuntang opisina. Dumaan kami saglit sa Starbucks para magtake out ng kape at para bilhan na din ng pagkain si Paisley.
"Magbubus nalang ako, ate. Alam kong busy kayo ni Kuya o kaya magpapasuyo ako kay Shein na idaan muna nila ako sa bahay." sabi nito sa akin at akmang bababa na ng lingunin niya ako ulit.
"Huwag ka ng mag-alala, ate. Bye na. Thank you, Kuya." paalam nito at bumaba na ng sasakyan ni Icarus at masayang nakihalo sa mga kaibigan niya.
"You need to stop being so overprotective, you know." puna ni Icarus at pinaandar niyang muli ang sasakyan niya.
"Hindi ko lang maiwasan. Kami lang dito dalawa. Wala si Mama kaya kailangan kong gampanan yung pagiging ate ko sa buhay niya." sagot ko habang hinahanap ang salamin sa bag ko para ayusin ang makeup ko.
"I'm sure simula pa lang pagkabata ni Pai ay nagampanan mo na yan. She's a teenager, Allele." rason niya sa akin at bumuntong hininga ako. Lagi kaming ganito ni Icarus tuwing umaga. Aakalain mong mag-asawa kami sa araw araw na pagtatalo namin.
"Hayaan mo nalang ako. Kamusta na kayo nung naghahabol mong ex?" tanong ko at lumingon naman siya sa akin ng bahagya na parang nagtaka kung paano ko nalaman.
Nakita ko kasi siyang kausap yung ex niya sa labas ng building nung isang araw. Mukhang may pinag-usapan silang seryoso. Sa sobrang seryoso may nasaksihan akong hindi ko dapat masaksihan.
"We... are fine." sagot niya at ngumiti naman ako bago itago ang salamin sa bag ko.
"Yeah, sobrang fine niyo nga." pang-aasar ko at pinitik naman niya ang noo ko kaya napadaing ako.
"Mind your own business, Allele." natawa naman ako at hinayaan nalang ang topic na yun. "You need to meet with Isaiah later today."
"Huh? Bakit?" gulat na tanong ko. Napansin kong malapit na kami sa opisina.
"Anong bakit? It's your job na ipakita sa kliyente natin yung mga napili nating place para sa event nila." tinaasan naman niya ako ng kilay.
"Alam ko iyon pero sana naman binigyan mo ko ng heads up o kahit ano mang sign. Malay mo may lakad pala ako." alibi ko at umiling naman siya.
"Wala kang lakad tuwing Thursday, Allele. Besides, you need to book us a flight for V's engagement party and alam kong mamimili ka ng damit." itinigil niya sa harap ng building ang sasakyan niya. Sabay kaming bumaba at kinuha naman ng valet ang sasakyan niya para iparada.
"Anong oras ba daw?" tanong ko at kinuha naman niya ang cellphone niya para tingnan siguro yung pinag-usapan nila ni Isaiah.
"He'll be fetching you here before lunch."
"Bakit kailangan niya pa akong sunduin? Kaya ko naman siyang puntahan kung saan man niya gustong magkita." sabi ko habang sinusubukan kong sabayan ang lakad niya.
BINABASA MO ANG
Innocent Rose (One Night Series #1)
RomanceOne Night Series #1. Simula pagkabata ni Allele ay mulat na siya sa kahirapan at kailangan niyang kumita ng maaga para masuportahan ang Mama niya at ang kapatid niya. She's been taking shift after shifts just to fill the needs of her family. Pero ti...