"Huh?" gulat na tanong ko sa sinabi niya.
Agad na napakunot ang noo ko sa sinabi niya at hindi maiwasan ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Nginitian niya ako at umiling.
"Nothing. Please continue, Ms. Allele." sagot niya at binigyan ko siya ulit ng tingin bago nagpatuloy. Naputol naman ang pag-uusap namin ng dumating ang pagkain.
"Thank you." sambit ni Isaiah at nagsimula na kaming kumain. Kanina pa din kasi kumakalam ang tiyan ko. Isa ulit nakakabinging katahimikan ang bumalot sa aming dalawa.
"As our event management partner, what events place would you suggest?" basag niya sa katahimikan. Pinunasan ko muna ang bibig ko bago ko siya sa sagutin.
"Pier Sixty is a good choice. It defines luxury, elegance and power. It will be the talk of the town if you chose Pier Sixty kasi unti lang na business ang naghohold ng events don. Medyo pricey kasi siya to hold an event." saad ko at tumango naman siya. "But again, it's better to visit the place first before deciding."
"Ilang taon ka na nandito?" nagulat naman ako sa tanong niya pero hindi ko na ito pinansin.
"5 years." maikling sagot ko at tumango siya.
"With Icarus?" tumango naman ako at sumubo ulit ng pagkain dahil nagugutom talaga ako.
"Hmm, he offered me a job kaya tinanggap ko. Mahirap ang buhay so you don't pass that opportunities." I smiled at him and he nodded. "You?"
"Ha?"
"Ilang taon ka na dito? Or are you staying here?" inelaborate kong tanong. Napansin ko naman ang paghigpit niya ng hawak sa tinidor na animo'y pinipigilan ang sarili. Itinikom ko naman ang bibig ko at pinagalitan ang sarili ko.
"I live in Manila. I'm just visiting this branch for a year." tumango naman ako at nagpatuloy na ulit kumain. Naging awkward na ulit ang ambience sa pagitan namin dahil sa tanong ko.
Akala ko naman kasi okay sa kanya yung casual na usapan. I mean, alam kong hindi okay pero dahil sa tanong niya kanina akala ko okay sa kanya. I was about to say sorry ng magtanong siya muli.
"You move here with your sister?" tinikom ko ang bibig ko at tumango. Hinintay niya ang sunod kong sasabihin kaya nagsalita ako.
"Nasa Pilipinas si Mama. Wala kasing mag-aalaga sa Lolo sa probinsya." saad ko at tumango siya. Uminom ako ng juice at hinintay siyang matapos habang pinagkakaabalahan kong tingnan ang kisame.
"Let's go." sagot niya sabay tayo. Nag-lapag siya ng pera at hindi na ako umangal na hati kami sa bayad. The host greeted us once again bago kami lumabas at hinintay ang sasakyan niya.
"Thank you, Madame and Sir. Have a nice day ahead!" sabi ng valet ng pagbuksan ako nito ng pinto. Pagkalagay ko ng seatbelt ay agad niyang pinaandar ang sasakyan. Nagring ang telephone niya sa sasakyan at sinagot ito.
"Hello?"
"Pare, sisipot ka ba sa saturday?" narecognize ko naman ang boses at tumingin nalang sa labas. Bigla namang nanahimik ang kotse kaya nilingon ko siya at nakitang naka earpiece na siya.
"I will be there... Yes, she's with me... No... Stop, V... Yes and yes... Don't worry... Masasapak kita sa Sabado... What?! No!.... Bye!" tinaasan ko naman siya ng kilay ng ibaba niya ang tawag.
"You probably know who he is. Are you coming?" tanong niya.
"Oo, sinabihan niya ako nung nakaraan." sagot ko. Medyo malayo din ang una naming pinuntahan dahil sabi niya mas okay daw na malayo muna hanggang sa pinakamalapit.
Ilang oras din ang naging pagdadrive namin bago kami nakarating. Agad akong bumaba dahil nangalay ang binti ko kakaupo nang marinig ko ang pagsara niya ng pinto ay agad akong tumuwid ng tayo.
BINABASA MO ANG
Innocent Rose (One Night Series #1)
RomanceOne Night Series #1. Simula pagkabata ni Allele ay mulat na siya sa kahirapan at kailangan niyang kumita ng maaga para masuportahan ang Mama niya at ang kapatid niya. She's been taking shift after shifts just to fill the needs of her family. Pero ti...