Kabanata 32

2.1K 53 0
                                    

Tahimik kong pinagmamasdan ang dinaraanan namin. Wala akong nagawa kundi sumama sa kanya at sumakay sa sasakyan niya. Inisip ko nalang na mas nakakabuti ito dahil mababawasan ako ng gagastusing pamasahe.

Alam kong hindi naman masama ang ginawa kong pagsama sa kanya pero nangangamba lang ako kapag may makakita sa amin. Lalo na't naaalala ko yung dapat kong isakripisyo para lang sa kanya.

Siguro masasabi ko na natatakot na ako. Natatakot na magmahal muli. Natatakot na baka matagpuan ko na naman yung sarili ko na mahulog tapos matatagpuan ko nalang yung sarili kong nasa baba at sirang sira.

"Where is it again?" nilingon ko siya at pinagmasdan maigi.

Hindi ko idedeny na meron parin akong nararamdaman sa lalaking ito hanggang ngayon. Sobrang mahal ko. Bumuntong hininga ako para pigilan ang bugso ng damdaming nararamdaman ko. Inenter ko yung pangalan ng shop sa GPS niya at tumango siya.

"Is your sister coming with you?" umiling ako.

"Hindi, sinabihan ko siya na makitulog muna sa pinsan ni Icarus dito sa New York." sagot ko at tumango naman siya.

"Is it always like that?"

"Huh?"

"Is it always like that? You and Icarus?" tanong niya at napadako naman ang tingin ko sa kamay niyang mahigpit na nakahawak sa manibela.

"He's my childhood friend. Kapag may problema ako siya lagi yung pinupuntahan ko. So, I guess it's always been like that." sabi ko at tumango siya. Matapos kong sagutin yung tanong niya ay hinintay ko siyang magtanong muli ngunit hindi na ito nangyari kaya tumingin nalang ako ulit sa labas.

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa boutique. Nagulat ako ng maramdaman ko ang kamay niya sa likod ko at inalalayan akong pumasok sa loob. Hindi ko siya tiningnan sa ginawa niya dahil baka makita niya ang unti unting pagpula ng pisngi ko.

"Ms. Cruz." bati sa akin ni Kayla na kakilala ko na dito dahil madalas akong kumukuha ng damit sa kanila kapag may mga occasion.

"Kayla, this is-" pinutol naman niya ako at ipinakilala ang sarili niya.

"Mr. Pantaleon, I am Kayla. It is a pleasure to meet you." ngumiti ako nang makalimutan kong kilala nga pala si Isaiah.

"Nice meeting you." narinig kong sagot ni Isaiah.

"Right. I needed something to wear. I will be attending an engagement party."

"Do not worry, Ms. Allele. You know you can always count on me. Why don't you wait over there and I will call you when I'm done picking out some dresses for you, okay?" tumango ako at naglakad patungo sa couch para umupo.

"I guess, you are a regular here?" tanong niya habang umuupo sa tabi ko.

"Hmm, malapit kasi to sa opisina. Atsaka mura ang mga dresses." sagot ko at iginala naman niya ang mata sa buong shop. Ilang sandali ay lumabas na si Kayla hila hila ang isang rack na may mga damit.

"Feel free to choose." sabi niya at tumayo naman ako para mamili ng gusto ko. Napadako ang tingin ko sa floral mesh long dress na nasa dulo ng rack.

"That's a good choice." komento ni Kayla. "Try it on." ngumiti ako at dinala ang dress sa dressing room at sinukat ito dahil nasa labas ang salamin ay kinailangan kong lumabas para tingnan ang suot ko.

Pinagmasdan ko ang sarili ko at nakita namang nakatingin sa akin si Isaiah. Bigla naman akong nahiya buti nalang at kinausap na ako ni Kayla kaya nabaling yung atensyon ko sa kanya.

Nang matapos ialter ng kunti ang dress na napili ko ay agad ko itong binayaran. Nagulat ako ng pagpunta namin sa counter ay iniabot ni Isaiah ang card niya.

Innocent Rose (One Night Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon