Kinagabihan ay hinatid kami nila Kehlani sa airport. Bukas pa daw ang uwi nila ni Sir Dominic sa Pinas. Hindi naman ako binitawan agad ni Kehlani sa pagkakayakap hangga't hindi ko daw ipinapangako na babalik akong Pinas.
"I will. Titingnan ko pa schedule ko tapos uupdate kita agad." pangako ko sa kanya at tumango siya.
Tahimik naman kaming nagboard sa private plane ni Isaiah. Icarus is talking to someone kaya hindi ako inaasar habang ako ay ineenjoy ang pagkain dito sa loob ng eroplano.
"Do you want some more?" napatingin ako kay Isaiah at umiling naman ako.
"Ayos lang busog na ako. Nasarapan lang ako ng sobra sa pasta." sabi ko at tumango siya. Nakalimutan ko palang katabi ko siya at kaharap naman namin ang busy na busy na boss ko.
"Are you sure na hindi hassle?" bulong ko at napangiti naman ito. "Wag mo ng sagutin."
Nagulat naman ako ng yakapin ako nito at halikan ang pisngi ko. Napatingin naman ako kay Icarus at mukha namang hindi napansin ang landian namin.
"Bumitaw ka nga. Ang landi mo." mahinang sabi ko at sumunod naman ito habang natatawa. Napairap nalang ako at inabala ang sarili ko sa pag-inom ng juice.
"Hindi hassle sakin pag ikaw. You know that." rinig kong bulong niya at hinampas ko naman ang braso niya.
"Kadiri kayo maglandian. Huwag sa harap ko please." rinig kong sabi ni Icarus at kung kanina pulang pula na ako mas lalo ata ngayon.
"Pag inggit, pikit." sabat naman ni Isaiah at inirapan lang ni Icarus ito.
"Wag kang pafall baka makasapak ako ng wala sa oras."
"Ang init ng ulo." sagot ko at umiling naman si Icarus. May problema ata tong gagong to.
"May mens ata siya." bulong ng isa kaya kinurot ko ang binti niya. "Hindi na nga eh. Sorry."
Ilang oras pa ang tinagal namin bago kami nakarating sa airport dito sa New York. Nandito kami ngayon sa may VIP Lounge at hinihintay ang bagahe namin.
"I'll call you when I land sa Paris." tumango naman ako at kinuha na ang mga gamit ko.
"Kahit wag na. Pahinga ka nalang." sabi ko at umiling naman ito.
"I'll call you." tumango nalang ako at hinila naman niya ako para yakapin.
"Tigilan mo na yan, pre. Paalis na eroplano mo." awat ni Icarus sa yakap ni Isaiah.
"Ingat." sambit ko ng makakalas na siya sa pagkakayakap sa akin.
"Ingat, bro."
"Ingat din kayo." hinintay muna namin siyang makaboard bago kami lumabas.
"May dala kang kotse?" tanong ko at umiling naman siya. "Paano tayo?"
"Nagbook ako ng taxi." sagot niya. "Ikaw ah. Hinay hinay. Wag masyadong pakatanga."
"Gaya mo ko sayo." sabi ko at binatukan naman ako nito.
"Pinapaalalahanan lang kita. Alam ng buong mundo na may fiance yung tao."
"Alam ko rin naman. Kaya ko na sarili ko. Kung 5 years ago to, baka umiiyak na ako sayo ngayon." saad ko at inakbayan niya lang ako.
"Basta makakasapak ako kapag naulit." natawa nalang ako at nagpatuloy na kami sa paglalakad palabas ng airport para makauwi na at makapagpahinga.
Ilang araw nang makauwi kami ay palagi akong pinapadalhan ng lunch ni Isaiah. Nagugulat na lang ako minsan na tatawagan ako ng receptionist sa may lobby at sasabihing may nagpapabigay ng pagkain.
BINABASA MO ANG
Innocent Rose (One Night Series #1)
RomanceOne Night Series #1. Simula pagkabata ni Allele ay mulat na siya sa kahirapan at kailangan niyang kumita ng maaga para masuportahan ang Mama niya at ang kapatid niya. She's been taking shift after shifts just to fill the needs of her family. Pero ti...