COY 13

179 19 1
                                        

SHARLENE

Kinabukasan ay nagulat ako ng makita si Kevin sa kanto namin. Hindi naman siya nagtext na susunduin niya ako ngayon.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko at lumingon pa sa aking likod. Takot na baka makita siya ni Mama.

"You're not answering my calls and you're not replying in any of my texts." nabalik sa kaniya ang aking atensyon ng marinig iyon. "Nag alala ako. Are you okay? Did something happen?"

"Sorry. Maaga akong nakatulog kagabi tsaka naexpired na ang load ko." pagsisinungaling ko.

Saglit siyang napatitig sa akin bago tumango. Hindi ko alam kung naniwala ba siya o alam niyang nagsisinungaling lang ako.

"Tara na?" aya ko sa kaniya bago pa may makapansin sa amin.

Kapansin pansin ang malalagkit na tingin sa kaniya ng mga babaeng kasabay namin dito sa jeep. Dinig ko pa ang hagikhikan ng dalawang estudyante habang nagpapacute kay Kevin. Parang hindi man lang nila napapansin na nandito ako. Haler! Girlfriend ako oh!

Agad akong napatingin kay Kevin ng hawakan niya ang aking kamay.

"Wag ka ng magselos." nakangising sabi niya.

"Hindi ako nagseselos." bulong ko sa kaniya at inirapan siya.

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa kaya naman ibinalik ko sa kaniya ang tingin. Napakagwapo na nga niya kapag seryoso lang ang mukha niya tapos heto at lalo lang siyang gumagwapo sa aking paningin habang nakikita siyang tumatawa o kaya ay nakangiti. Saglit pa akong napatitig sa kaniya hanggang sa mapangiti na lang din. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa aking mga kamay.

Pagdating sa school ay marami na naman ang napapatingin sa kaniya. Paano pa kaya kapag nagsimula na siyang umarte sa play? Paniguradong lalong darami ang mga fangirls niya. Agad akong lumayo kay Kevin ng makitang makakasalubong namin si Cindy kasama ang mga alipores niya. Masyado pa namang chismosa ang babaeng ito. Kapag may napansin siyang kakaiba sa amin ay baka ichika niya agad sa iba hanggang sa umabot na sa Nanay ko.

"Hi Kevin!" narinig kong bati niya.

Lumingon ako at sinenyasan si Kevin na mauuna na akong pumasok sa classroom. Noong tumango siya bilang sagot ay umalis na din ako doon. Safe naman siya dito kaya okay lang. Siguro naman ay hindi siya gagahasain ni Cindy dito di ba?

"Nasaan si Kevin?" yun agad ang itinanong ni Lyca noong maupo ako sa kaniyang tabi.

"Malay ko. Hindi naman kami magkapitbahay no."

"Alam kong may something kayo." bulong niya sa akin.

Hindi ko na lang siya pinansin pa at kinuha na ang librong binabasa ko. Maya maya ay nagulat na lang ako ng may maglapag ng pineapple juice in can sa aking lamesa. Nang tignan ko kung sino iyon ay lalo kong nagulat ng makita si Lawrence.

"Lawrence?"

"Good morning." nakangiting bati niya.

"Ayieh!" kinikilig na sabi ng mga kaklase ko.

Si Lyca naman ay tinulak tulak pa ako.

"Para saan 'to?" naguguluhan kong tanong habang nakatingin sa pineapple juice na binigay niya.

"I want to court you." nabalik sa kaniya ang aking atensyon ng marinig iyon.

"A-ano?" gulat kong tanong.

"Gusto kitang ligawan." nakangiting sabi niya.

Siguro kung noon pa nangyari ito, sasagutin ko na siya agad kahit hindi pa siya nanliligaw.

Pero ngayon..

Napatingin ako sa pintuan ng makitang pumasok na si Kevin. Napahinto siya sa pagpasok at nanatili sa amin ang tingin.

"Ah Lawrence kasi.." hindi ko pa natatapos ang gustong sabihin ay nagulat na lang ako ng bigla niya akong halikan sa pisngi.

"I'll take that as a yes."

Saglit kong naramdaman ang pagtakas ng aking kaluluwa sa aking katawan pero agad din naman akong nabalik sa reyalidad ng biglang magsigawan ang aking mga kaklase. Nanlaki na lang ang aking mga mata ng makitang nakaupo na sa lapag si Lawrence habang hawak hawak ang kaniyang panga.

"Kevin!" agad kong hinawakan ang kaniyang braso para pigilan siya sa muling paglapit kay Lawrence. "Tama na."

"Ano bang problema mo?" tanong ni Lawrence na ngayon ay tumayo na.

"I'm her boyfriend."

Napasinghap ang mga kaklase namin dahil sa narinig. Nakagat ko ang pang ibabang labi at tumingin kay Lawrence.

"I'm sorry Lawrence."

Tahimik lang siya at nakatingin sa akin. Hinila ko naman palabas si Kevin at dinala sa theatre room.

"Bakit mo sinuntok si Lawrence?" tanong ko na ikinangisi niya.

"Why? Are you mad because you still like him?"

"Kevin, wag mong ibahin ang usapan dito."

"I got mad. Nagalit ako dahil hinalikan ka niya!" sigaw niya na ikinagulat ko. "Ngayon, sagutin mo naman ang tanong ko. Galit ka ba dahil gusto mo pa rin siya?" napapikit ako at napabuntong hininga.

"Hindi ako galit." kalmadong sagot ko. "Nag aalala lang ako dahil baka ipatawag ka sa guidance. Theatre actor ka na, ayaw kong makasira sa image mo ang nangyari kaya wag mo ng uulitin iyon."

Yumuko siya at noong muling tumingin sa akin ay niyakap ako.

"I'm sorry. I got jealous."

Crazy Over You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon