COY 7

216 19 1
                                        

SHARLENE

Nakatingin lang ako sa harapan ng salamin habang tinitignan ang t-shirt ni Lawrence na suot suot ko ngayon. Medyo may kalakihan siya pero bagay na bagay naman sa akin, parang siya hahaha. May logo ng theatre club sa harapan at nakasulat naman sa likod ang kaniyang buong pangalan.

Lawrence Mariano

Nakagat ko ang pang ibabang labi hanggang sa tuluyan ng napangiti dahil sa kilig. Pinaypayan ko ang aking mukha na ngayon ay pulang pula na.

Nang mahimasmasan ay lumabas na din ako at tulad nga ng sinabi niya kanina ay talagang hinintay niya nga ako.

"Sorry ha. Yan lang kasi ang extra shirt ko."

"Naku ako nga ang nahihiya sayo eh. Sorry ah. Lalabhan ko na lang ito at ibabalik ko sa iyo bukas."

"No problem. By the way, you look good wearing my shirt." nakangiting sabi niya.

Napangiti din ako at napayuko para itago ang kilig.

"Ano pa lang nangyari?" tanong niya habang naglalakad kami pabalik sa aking classroom.

"Ah. Nasira lang yung mga butones. Natanggal." pagsisinungaling ko. "Naabala pa tuloy kita. Sorry ulit."

"Okay lang. Absent naman ang professor namin kaya wala ding ginagawa." nakangiting sagot niya.

Bigla akong nalungkot ng makita ang pintuan ng aming classroom. Ano ba yan? Aalis na siya. Pwede kayang bumalik ulit kami sa cr tapos ihatid niya ako ulit?

Harot ah!

"Salamat ulit ah. Ibabalik ko sayo bukas itong damit."

"Sige lang. Paano, dito na ako?"

"Okay. Salamat ulit." nakangiting sabi ko.

Ngumiti din siya at humakbang na paalis habang nakatingin pa din sa akin. Natawa ako at kumaway sa kaniya. Natawa din siya at kumaway bago tuluyang naglakad ng maayos.

Napahawak ako sa aking dibdib at ramdam na naman ang mabilis na pagtibok ng aking puso.

Kumatok muna ako sa pintuan ng classroom at pumasok na din agad.

"Sharlene, saan ka galing?" tanong ni Mrs. Rivera.

"Ah, nasira po kasi ang uniform ko. Hindi po ako kaagad nakalabas sa cr."

"Okay. Maupo ka na."

"Salamat po."

Habang naglalakad ako paupo ay naririnig ko na ang bulungan ng aking mga classmate. Marahil ay gulat silang lahat dahil tshirt ni Lawrence ang aking suot. Miski nga si Cindy at halos nakanganga pa. Hays. Inggit na naman ito panigurado. Sasabihin na naman niyang malandi ako dahil damit ni Lawrence ang suot ko.

"Quiet!" sigaw ni Mrs. Rivera.

Kanina pa ako nililingon ni Lyca kaya alam kong kating kati na siyang magtanong kaya naman noong umalis na si Mrs. Rivera ay pinutakte na nila akong lahat ng tanong.

"Bakit suot mo ang tshirt ni Lawrence?"

"Ang swerte mo naman!"

"Ang alam ko ayaw ni Lawrence na nagpapahiram ng damit eh."

"Tulad ng sinabi ko kanina, nasira ang damit ko." tinignan ko si Cindy na halos hindi na naman maipinta ang mukha. "May nagsira." pagpaparinig ko sa kaniya.

May kumalabit sa akin mula sa likod kaya naman lumingon ako pero nagulat na lang ako ng biglang may nagbato ng damit sa akin. Nang alisin ko iyon ay nagtataka kong tinignan si Kevin.

"Para saan 'to?" nagtataka kong tanong.

"Magpalit ka. Hindi bagay sayo yan."

Masungit niyang sabi at lumabas na.

Huh? Anong problema nun?

Napatingin ako kay Lyca na parang uod na binudburan ng asin.

"Ayyiiieehhh! Nagseselos yata si Kevin!" kilig na kilig na sabi niya at hinampas pa ako.

Hindi ko na inintindi pa ang mga hampas niya sa akin dahil mas nakuha ng sinabi niya ang aking atensyon. Napatingin ako sa pintuan kung saan lumabas si Kevin hanggang sa unti unti na lang napangiti.

Kinuha ko ang damit na ibinato niya sa akin at mahinang natawa.

"Baliw talaga yun." mahinang sabi ko.

"Talagang malandi ka no?" nabura ang ngiti sa aking labi ng marinig ang nakakairitang boses ni Cindy. "Ano? Nagpaawa ka kay Lawrence ha?!"

"Hoy Cindy! Ayusin mo ang mga pinagsasabi mo ah!" pagtatanggol sa akin ni Lyca.

"Hayaan mo na, Lyca. Insecure will always be insecure." sabi ko dahilan para tuluyang sumabog sa inis si Cindy.

"Malandi ka!" sigaw niya sa akin at sinampal ako.

Mahina akong natawa. As expected.

"Cindy!" awat sa kaniya ng mga kaibigan niya.

"Shar, okay ka lang?" nag aalalang tanong ni Lyca.

Bumuntong hininga ako at tumayo. Tinignan ko siya ng mabuti at napangiti ako ng bigla siyang umatras.

"Hindi ko alam kung bakit sobrang laki ng insecure mo sa akin." panimula ko. "Hindi ba at ikaw na ang nagsabing ikaw ang pinakamaganda, pinakamatalino at pinakasikat sa school na ito? Kung sa bagay, ikaw lang naman ang nagsabi ng mga iyon. Kaya paniguradong ikaw lang din ang naniniwala." narinig ko ang mahinang pagtawa ng aming mga kaklase pagkatapos kong sabihin iyon. "Grow up, Cindy. Umasta ka naman base sa tingin mo sa sarili mo. Walang maidudulot na maganda ang inggit sa kapwa."

Crazy Over You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon