SHARLENE
Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatayo dito sa harapan ng VIP room na kinaroroonan ni Kevin. Basta ang tanging alam ko lang ay kanina pa ako sinisilip dito ng mga kasamahan ko.
Bumuntong hininga ako at bumuga ng hangin bago tuluyang kumatok sa pintuan at pumasok.
"Bakit po, Sir? May problema po ba sa pagkain niyo?" pormal kong tanong.
Inalis niya ang cap at mask na suot bago ako tinignan. Kumurap kurap ako at biglang nag iwas ng tingin.
Oh God! Ano bang ginagawa mo, Sharlene? Hindi ka na teenager para umasta ng ganyan no!
"Seat." sabi niya dahilan para bumalik ang aking tingin sa kaniya.
"Ha? Bakit?"
"Let's talk." lumunok ako at umiling.
"I'm sorry Sir pero hindi pwede. Oras ng trabaho ko.."
"Just seat. Saglit lang." putol niya sa iba ko pang sasabihin.
Bumuntong hininga ako at naupo na lang sa kaniyang harapan. Maybe he wants a closure? Pero masyado naman yatang late ang closure naming dalawa?
"I heard Lawrence visited you earlier?"
"Oo. Paano mo nalaman?" nagtatakang tanong ko.
Ikinuwento ba ni Lawrence na nagpunta siya dito? Para talagang baliw ang isang yun.
"What did he say?" sa tono pa lang ng kaniyang boses ay mahahalata mo na ang interes.
"Bakit ko naman sasabihin sayo?" kunot noo kong tanong.
"What did he say?" ulit niya sa kaniyang tanong at may inis na akong nakita sa kaniyang mga mata kaya naman sinabi ko na ang totoo.
"Inimbitahan niya lang ako sa birthday niya." tumango tango siya at parang nakahinga ng maluwag. "Yun lang ba ang itatanong mo? Aalis na ako."
"Wait. Join me."
Napatitig ako sa kaniya pero hindi man lang siya nag abalang mag iwas ng tingin at nilabanan pa ang aking tingin. Ngayong natitigan ko na siya ng maayos ay masasabi kong lalo siyang gumwapo. Medyo nagmatured na din ang katawan niya at hula ko ay may abs na. Nanlaki ang aking mga mata dahil sa pinag iisip at umiling iling.
"H-hindi pwede. Oras ng t-trabaho ko." nauutal kong sabi at tumayo na pero pinigilan niya ako.
"Let's eat together today. Just like the old times." napatingin ako sa kaniyang kamay na nakahawak sa akin.
"Fine. Magpapaalam muna ako sa mga kasama ko na mag e-early break ako."
Binitawan na niya ako bago tumango at nginitian ako. Paglabas ko ng VIP room ay napahawak ako sa aking dibdib. Did he just smiled at me? Ngumiti siya di ba?
"Huy! Anong ginagawa mo dyan?" tanong ni Rose Ann.
"Ha?" napalingon ako sa pintuan ng VIP room bago ibinalik sa kaniya ang tingin. "Kilala ko yung nasa loob. Magbbreak na muna ako. Ikaw na muna ang bahala." naningkit ang kaniyang mga mata habang tinitignan ako.
"Namumula ang pisngi mo. Dyowa mo ba yung nasa loob?" bulong nya at nginisihan ako.
"Baliw! Sige na."
Mahina ko siyang itinulak palayo na ikinatawa niya. Napahawak ako sa aking pisngi at napangiti na lang din. Huminga muna ako ng malalim at bumalik na din naman sa loob. Agad akong nag iwas ng tingin ng magtagpo ang aming mga mata. Binalewala ko na lang iyon at naupo na sa kaniyang harapan.
Kumuha na ako ng pagkain at nagsimula ng kumain. Sobrang awkward dahil pakiramdam ko ay nanonood siya sa akin kaya naman naisipan ko ng magsalita.
"Kamusta ka naman?" tanong ko pero hindi na nag abala pang tignan siya.
"I'm fine. How about you?"
"Okay lang din. Congrats nga pala." nag angat ako ng tingin at muli na namang nagtagpo ang aming mga mata. "Successful ka na ngayon." dugtong ko at nginitian siya. Hindi siya nagsalita at nanatili lamang ang tingin sa akin. "Hindi ka ba busy ngayon?"
"Nope." maikling sagot niya.
Tumango ako at uminom ng tubig. Hmm. Ano pa ba ang dapat naming pag usapan? Nakagat ko ang pang ibabang labi at nag isip ng topic.
"Kamusta naman sa work mo?"
"Fine."
Tss. Napakaikli naman sumagot ng tao na 'to. Hindi na siya nagbago.
"Kayo ni Hailey? Mukhang mas naging close kayo ah."
"Yeah."
Sa isip isip ko ay gusto ko na siyang irapan. May pinag iipunan ba ito at napakatipid sumagot?
"May boyfriend ka na?"
Natigilan ako sa kaniyang tanong niya at napatitig na lang sa kaniya. Magsisinungaling ba ako o aaminin ko ang totoo? Kaso baka sabihin naman niya na hindi pa ako nakakapag move on?
Nag iwas ako ng tingin at napatingin sa mga pagkain na nasa aking harapan.
"Wala."
