COY 26

140 18 7
                                    

SHARLENE

"So, why are you really here? For sure hindi lang para makita ako. May sasabihin ka ba?" tanong ko habang kumakain.

"You know what you're hurting me." nakasimangot niyang sabi na ikinangiti ko.

"Sabihin mo na. Kailangan ko ng bumalik sa trabaho maya maya at baka hindi na kita maasikaso."

"Fine. I'm here to invite you. Birthday ko next saturday. It's just a simple celebration and I want you to be there."

"Bakit naman? Wag na. Paniguradong puro artista ang bisita mo. Baka ma out of place lang ako." pagtanggi ko.

"I'm there. Hindi naman kita iiwan mag isa. Please, let's catch up."

Saglit akong nag isip bago tumango.

"Fine. Itext mo na lang kung saan at kung anong oras." sagot ko at ngumiti.

"Susunduin kita." nakangiting sabi niya.

Hindi na din naman nagtagal pa si Lawrence dahil may taping pa daw siya. Kilig na kilig si Rose Ann at ang mga waitress namin ng ipakilala ko siya. Nakakahiya nga dahil halos ayaw nilang tantanan si Lawrence sa pagpapapicture, kung hindi pa siya tinawag ng kaniyang manager ay baka hindi na siya makaalis pa.

"Grabe! Sobrang gwapo!" histerikal na sabi ni Rose Ann noong pumasok kami sa office. "Iniligtas mo ba ang bansa noong past life mo at close mo sila Hailey, Lawrence at Kevin? Ikaw na talaga! Ikaw na girl!" sabi niya at tinuro turo pa ako na ikinatawa ko na lang.

"Baliw."

"So, sino doon sa dalawa ang naging crush mo?" pang uusisa niya.

"Crush ko?" saglit akong natigilan at napaisip.

Si Lawrence naman talaga ang naging crush ko dahil si Kevin.. Kevin is the one I loved..

Tipid akong napangiti at tinignan siya.

"Si Lawrence."

Pumalakpak pa siya na tila hinulaan din niya ang isasagot ko.

"I knew it! Mukha kasing mas madaling iapproach si Lawrence eh. You know, he got the friendly vibe pero si Kevin.. intimidating but hot!" kinikilig niyang sabi na sinabayan pa ng tawa.

Napailing na lang ako at itinuon na ang atensyon sa trabaho. Noong matapos ay naisipan kong lumabas ng office para tumulong sa dining. Medyo marami ang customers ngayon kahit alas dos pa lang ng hapon.

"Cecille, paki follow up naman yung order ng table 13."

"Yes Ma'am."

Tumingin ako sa paligid dahil baka may iba pang kailanganin ang mga customers. Napaayos ako ng tayo ng may pumasok na lalaking nakacap at mask. Kahit halos balot na ang kaniyang mukha ay kilalang kilala ko ang taong yun. Saglit akong natigilan at hindi alam ang gagawin. Papasok ba ako ulit sa office? Or sa kitchen? Or lalapitan ko ba siya para iassist? Napalunok ako at napailing iling. Of course kailangan ko siyang iassist, he's our customer, right?

Inayos ko ang aking uniform at kumuha ng menu card sa counter bago naglakad palapit sa kaniya na ngayon ay nakaupo na sa pinakatagong parte ng restaurant.

"Good afternoon Sir, here's our menu." nakangiting sabi ko.

"Just give me what you served last time." sagot niya at di man lang nag abalang kunin ang iniaabot kong menu card.

"Do you want to stay at our VIP room?" nag angat siya ng tingin sa akin na ikinalunok ko. "Baka lang hindi ka maging kumportable dito." pabulong kong sabi.

"Okay."

Ngumiti ako at dinala na siya sa VIP room.

"I'll just prepare your order, Sir." noong maisarado ang pintuan ay napahawak ako sa aking dibdib at huminga ng malalim.

Why is he here? Hindi ba siya busy? Wala ba siyang taping?

Bago ko pa lunurin ang aking sarili sa pag iisip sa kaniya ay agad ko ng ipinahanda ang order niya.

"Cecille, pakidala naman nito sa VIP room 2." utos ko sa waitress namin.

Nang makaalis si Cecille dala ang order ni Kevin ay bumalik ako sa office. I'll just stay here. Akala ko handa na akong harapin siya pero hindi pa pala. Kaya para wala akong magawang kapalpakan ay dito na lang ako at magtatago.

I tapped my fingers on my table while thinking why the hell am I acting like this? Bakit nga ba ako nandito at nagtatago? I already moved on. Wala na akong nararamdaman para sa kaniya kaya bakit? Or maybe I'm not yet over him? Ano yun? Pinapaniwala ko lang ang sarili ko na wala na akong nararamdaman para sa kaniya? Ganoon ba iyon? Pero limang taon na simula noong huli kaming magkita. Wait. Do I really still like him?

"Ma'am, tawag po kayo noong customer sa VIP room 2." sabi ni Cecille noong sinilip ako dito sa office.

Nanlaki ang aking mga mata at nakaramdam ng kaba.

Oh no! Why?!

Crazy Over You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon