SHARLENE
"Kevin." bulong ko sa kaniyang pangalan.
"Sharlene." dinig kong tawag sa akin ni Marco pero hindi ko magawang alisin ang tingin sa lalaking nasa harapan ko ngayon.
Tuluyan na akong napatayo ng makitang tumalikod siya at naglakad na palayo. Tatawagin ko sana siya pero pinigilan ko ang aking sarili. Biglang naalala na kaya ako nandito ay para iwasan siya.
Muli akong umupo at napabuntong hininga. Why is he here by the way? Nanlaki ang aking mga mata ng biglang may maisip. Wait. Don't tell me na isa siya sa mga artistang pupunta dito para mag taping? Oh God! Bakit hindi ko yun naisip?
"Hey! Are you okay?" napatingin ako kay Marco na titig na titig sa akin. "You look so pale? Masama ba ang pakiramdam mo?" nag aalalang tanong niya.
Umiling ako at tumayong muli.
"Sorry. Aalis na ako."
Iniwan ko na siya doon at hindi na muling lumingon kahit pa tinatawag niya ang aking pangalan. Nang makarating sa aking villa ay napaupo ako sa aking kama.
Why? Bakit kailangan naming magkita dito? Bumuntong hininga ako at tuluyan ng nahiga sa aking kama.
Nagising ako dahil sa tumatamang liwanag sa aking mga mata. Unti unti akong nagmulat at bumangon. Kakaisip ko kagabi ay nakatulog na pala ako ng hindi man lang nagpapalit ng damit. Parang gusto ko na lang tuloy magkulong dito sa loob. Takot na baka magkita pa kami sa labas.
Tumayo ako at naglakad papunta sa kurtina at hinawi iyon. Agad kong natanaw ang dagat at ang magandang kapaligiran. Napangiti ako at napapikit. Right, bakit ko sasayangin ang araw ko at magmukmok lang sa isang tabi? Kapag hindi ako lumabas ay paniguradong kung anu ano na ang iisipin niya. Isa pa, may usapan kami ni Marco na mag island hopping ngayon kaya makakalayo din ako kahit saglit.
Noong muling dumilat ay huminga ako ng malalim at ngumiti. Okay! Let's start the day with a smile.
Pumunta ako sa cabinet para maghanap ng maisusuot. Kinuha ko ang itim na sando at itim na shorts ko pati ang black see through dress ko. Pwede na 'to.
Naligo na muna ako at pagkatapos mag ayos ay lumabas na din naman kaagad. Napangiti ako ng makitang saktong kalalabas lang din ni Marco.
"Good morning!" nakangiting bati ko.
"Good morning. Okay ka na ba ngayon?" nakangiti ding tanong niya.
"Yup. Sorry nga pala ha."
"Nah. It's okay. I just got really worried. Let's eat breakfast first?" tumango ako at nginitian siya.
"Two orders of tuna pesto and two seasons angus burger." banggit ko sa aming order at tinignan si Marco. "You like coffee?"
"Double espresso, please." nakangiting sagot niya.
"We'll have one double espresso and one iced caramel macchiato." binalik ko na ang menu sa waitress at nginitian ito.
"Thank you Ma'am. Your orders will be served shortly." ngumiti naman siya bago umalis.
"Libre ko naman ngayon." nakangiting sabi ko kay Marco.
"Okay." ngumiti siya hanggang sa unti unti iyong nawala. "Is it that guy?"
"Ha?" nagtatakang tanong ko.
Tumagos sa aking likod ang kaniyang tingin, lilingon din sana ako pero agad niya akong pinigilan.
"Don't look." seryosong sabi niya habang titig na titig sa aking mga mata. "He's your ex, right?"
Natigilan ako ng marealize ang tinutukoy niya.
"I-is he here?" kinakabahang bulong ko.
"Yeah." napalunok ako at hindi inalis ang tingin kay Marco. Ngumiti siya at inayos ang aking buhok. "Relax. Wag mong ipahalata na affected kang makita siya dito."
Tumango ako at bahagya siyang nginitian.
"N-nakatingin ba siya?" nauutal kong tanong.
"Yup. He looks ready to kill me." sabi niya at nagawa pang tumawa.
Mahina din akong natawa at napailing na lang. Kahit papaano ay gumaan ang aking pakiramdam sa kaniyang pagbibiro.
"Pagkatapos nating kumain. Alis din tayo agad ah." bulong ko sa kaniya.
Ngumiti naman siya at tumango bilang sagot.
"Hindi mo naman sinabing artista pala ang ex mo." sabi ni Marco noong nasa bangka na kami para pumunta sa kabilang isla.
"Hindi naman na dapat pang ipagkalat 'yon. Paano mo nga pala nalaman na siya 'yon?"
"I saw you guys looking at each other last night. If looks can kill malamang pinaglalamayan na ako ngayon. Siguro kung wala lang siyang mga kasama ay sinugod na niya ako at sinuntok."
"He's not that kind of guy. Masama lang talagang tumingin ang lalaking iyon pero hindi ka naman sasaktan sa mababaw na dahilan." depensa ko.
"He said that he's still love you, right? At ikaw naman, halatang gusto mo pa din siya. Why don't you try again? Dahil ba sa career niya?"
"I broke up with him because of his career. Kung babalikan ko man siya ngayon, makakasira lang ako.."
"Sharlene." napatigil ako sa pagsasalita ng tawagin ako ni Marco.
"I like you." natigilan ako sa sunod niyang sinabi at hindi agad nakapagsalita. "Gusto kita pero wala akong laban sa kaniya. Just a piece of advice from a guy who likes you. Wag mong isipin ang mga mangyayari kapag binalikan mo siya. Isipin mo yung mangyayari kapag pinakawalan mo pa siya."
