HAILEY
It's been a month since we started filming for our new teleserye. Hindi ko alam kung anong nangyari kay Kevin at parang mas lumala yata ang coldness niya. Pinanood ko siya habang nagbabasa ng kaniyang script. Nakatingin siya doon pero hindi ko sigurado kung may naiintindihan ba siya. Naglakad ako palapit sa kaniya at sinilip ang kaniyang hawak na script. Napailing ako at kinuha iyon ng makitang baliktad.
"Kevin, ano bang nangyayari sayo ha?"
Tumayo siya at hindi ako pinansin. Nakaramdam ako ng inis kaya pinigilan ko siya sa pag alis.
"I'm not in the mood." mahinang sabi niya.
"Ano bang bago doon? Palagi ka namang ganyan! Umayos ka nga!"
Tumingin siya sa akin at inalis ang kamay kong nakahawak sa kaniya.
"Just shut up." mariing sabi niya bago tuluyang umalis.
Naikuyom ko ang aking kamao at inis na bumalik sa pwesto ko. Kinuha ko ang aking cellphone at may tinawagan.
"Good afternoon this is from Chef Dain's Restaurant what can I do for you?"
"I'd like to order but can Sharlene deliver it to me? Tell her that this is Hailey."
"Sorry po pero nagresign na po si Ma'am Sharlene last month."
"Ha?" napaayos ako ng upo. "Bakit daw?"
"Wala po siyang sinabi eh."
Ibinaba ko ang cellphone at tumingin sa inupuan ni Kevin kanina.
"So, kaya pala." tumatangong sabi ko at napangiti. "He can't find her that's why."
••••••••••••••••••
SHARLENE
"Ma, ayaw kong umalis."
"Magbakasyon ka muna." sabi niya habang inaayos ang aking maleta. "Stay in a hotel. Unwind. Pagdating mo dito nagtrabaho ka agad kaya siguro palagi kang lutang. Enjoy first."
"Pero Ma."
"I already booked you in a hotel. Pagdating mo sa Coron ay may sasalubong sayo doon. Maraming activities doon kaya subukan mo lahat. Mag island hopping ka. Nakakagaan sa pakiramdam ang paglilibot."
"Fine, babalik din ako agad." pagsuko ko.
"Nope. You're staying there for one month." nanlaki ang aking mga mata dahil sa narinig.
"What? One month? Ma naman! Sayang yung.."
"Shh. I want you to enjoy." nginitian ako ni Mama at niyakap. "Nanay mo ako kaya alam kong may pinagdadaanan ka kahit hindi mo sabihin. Magpahinga ka muna, mag enjoy, clear your mind tapos pagbalik mo saka mo hanapan ng solusyon ang pinagdadaanan mo." humiwalay si Mama at tinapik ang aking balikat. "Kaya mo yan."
Mahina akong natawa at hinawakan ang kaniyang kamay.
"Thank you Ma."
Alas tres ng hapon noong umalis ako para sa inihandang bakasyon ni Mama. Nang makarating sa Two Seasons Coron Island Resort and Spa na tutuluyan ko ay namangha ako sa ganda ng paligid.
"Wow. Ang ganda dito." napangiti ako at nilanghap ang sariwang hangin.
"Good afternoon Ma'am. You must be Ms. Sharlene Bautista?" tumango ako bilang sagot sa tanong ng staff na lumapit sa akin. "This way Ma'am. Ihahatid ko po kayo sa villa ninyo."
"Villa?" gulat kong tanong.
Ngumiti ang staff at kinuha na ang aking maleta. Habang sinusundan ang lalaking staff ay inililibot ko ang aking tingin sa paligid. Ano kayang magandang gawin mamaya?
"Nandito na po tayo, Ma'am. Enjoy your stay. Ito po ang susi." kinuha ko ang inabot niyang susi at nginitian siya.
"Thank you."
Nang makapasok sa aking magiging kwarto ay napanganga ako. Wow! Bakit ang ganda dito? Naglakad ako palapit sa bintana at binuksan ang kurtina. Napangiti ako ng makitang may sarili akong maliit na jacuzzi sa labas. Binuksan ko ang sliding door at muling namangha sa paligid. Kitang kita ko ang dagat mula dito. Paniguradong palaging maganda ang gising ko dahil sa view na ganito.
Iniayos ko muna ang aking mga gamit sa cabinet bago naligo. Nang matapos magbihis at mag ayos ay lumabas ako para maghanap ng pwedeng kainan.
"Saan kaya ako kakain?" bulong ko sa sarili habang naglalakad lakad.
Napahinto ako ng may makitang lalaki na parang hirap sa pag ahon sa dagat. Tumingin ako sa paligid, wala masyadong tao sa parteng ito. Lumapit ako sa kaniya dahil mukhang kailangan niya ng tulong.
"Sir, okay lang po ba kayo?" tanong ko kahit obvious naman na ang sagot.
Tinignan niya ako at nakita ko ang sakit sa kaniyang mukha.
"Pinulikat ako. Can you please help me get up?"
Tumango ako at inalalayan siya. Aray! Ang bigat naman nito.
"Saan ka ba pupunta?" tanong ko habang iniinda ang bigat niya sa aking balikat.
"My villa."
Sinundan ko lang kung saan siya pupunta at nagulat ng makitang magkatabi pala kami ng villa.
"Thank you Miss."
"No problem. Magkapit bahay pala tayo." nakangiting sabi ko.
"Really?" tanong niya at nilingon ang aking villa. Muli siyang tumingin sa akin at ngumiti. "By the way, I'm Marco. You are?"
"Sharlene."
-----------
The who kaya si Marco? 🤔🤔
