SHARLENE
Pagpasok ko sa classroom kinabukasan ay usap usapan na ang pagsali ni Kevin sa theatre club. Napangiti ako at halos sabihin na sa kanilang ako ang kumumbinsi sa lalaking iyon.
"Girl! Nabalitaan mo na bang sumali si Kevin sa theatre club? OMG! Excited na akong makita siya sa stage!" kinikilig na sabi ni Lyca.
"I know." maikling sagot ko.
"Mag aapply ako para maging student manager niya!" agad akong napatingin kay Cindy ng marinig ang sinabi niyang iyon.
Tss. Sorry girl pero ako na iyon. Nakalaan na ang posisyong iyon para sa akin. Hindi ko na lang pinansin ang pagdday dream niya. Bahala siyang managinip dyan.
Lalong umingay ang klase ng dumating si Kevin. Lahat sila ay binabati siya pero wala siyang pinansin miski isa sa kanila. Saglit lang niya akong tinignan hanggang sa lampasan niya ako at naupo na sa upuang nasa aking likuran.
"Kevin, narinig mo na sigurong may mga student manager ang kasama sa theatre club. Kung wala ka pang manager pwede ako." ngiting ngiti na sabi ni Cindy na talagang tumayo pa para lumapit kay Kevin.
Natahimik ang lahat at tila naghihintay ng isasagot ni Kevin. Pati tuloy ako ay kinabahan na sa hindi malamang kadahilanan.
"I already have one." unti unti na akong napangiti dahil sa narinig.
"Huh? Sino?" dismayadong tanong ni Cindy.
"Sharlene." biglang bumilis ang tibok ng aking puso ng banggitin niya ang aking pangalan sa unang pagkakataon.
"Ano? Ikaw na naman?!" inis na sabi ni Cindy na paniguradong ako na ang tinutukoy.
Nilingon ko siya at nginitian na lang. Kitang kita ko ang panggagalaiti sa kaniyang mukha. Halos matawa pa nga ako pero syempre ay pinigilan ko na lang.
Inirapan niya ako at inis na bumalik sa kaniyang upuan. Nilingon ko si Kevin na tahimik lang at nasa akin ang tingin. Napangiti ako at nag iwas na din agad ng tingin.
"Class dismissed." nang sabihin iyon ni Mr. Torres ay agad akong humarap kay Kevin.
"Uy, wala ng bawian yung sinabi mo kanina ah. Ako na ang student manager mo."
"Ang kulit mo." bagot niyang sabi.
Ngumiti na lang ako at tinigilan na din naman siya.
"Girl! Bakit hindi mo sinabi sa akin na ikaw na pala ang student manager niya?" naghihinanakit na tanong ni Lyca. For sure, kanina niya pa yan gustong itanong.
"Kahapon lang naman nangyari ang lahat." mahinang sabi ko sa kaniya.
"Ang lahat? So, may iba pang nangyari?" bulong niya at nanlaki pa ang mga mata.
"Baliw! Wala no!" natatawang sabi ko.
Saglit niyang tinignan si Kevin at pinaningkitan na ako ng mata ng ibalik sa akin ang tingin.
"Sigurado ka?" nagdududang tanong niya.
"Oo nga. Mag ccr lang ako." paalam ko at tumayo na.
Nang makalabas sa cubicle ay nandoon si Cindy sa labas at nagsasalamin. Nginisian niya ako pero hindi ko siya pinansin at naghugas na ng kamay. Lalabas na sana ako pero nagulat na lang ako ng bigla niya akong itulak.
"Papansin ka din talaga eh no? Ano? Hindi mo makuha si Lawrence kaya kay Kevin ka dumidikit dikit ngayon?" inis niyang tanong.
"Bakit kaya hindi mo tanungin ang sarili mo nyan?" kalmadong sagot ko pabalik. "Ikaw ang papansin dito."
"Anong sabi mo?!" sigaw niya.
"Tumigil ka na nga Cindy. Kung talagang gusto mo si Kevin edi gumawa ka ng paraan para mapasayo siya."
"Ang kapal ng mukha mo!"
Nanlaki ang aking mga mata ng bigla niyang hilain ang aking uniform dahilan para matanggal ang mga butones noon. Agad kong tinakpan ng aking mga kamay ang aking dibdib. Kainis naman oh! Hindi pa naman ako nagsando ngayon!
"Yan! Yan ang bagay sayo tutal malandi ka." nakangising sabi ni Cindy at umalis na.
Napapikit ako ng mariin at napabuga na lang ng hangin.
Kalma, Sharlene. Wag mong papatulan ang baliw na babaeng iyon.
Inayos ko ang uniform ko para kahit papaano ay matakpan ang dibdib ko at lumapit sa pintuan para sumilip kung may tao bang dumadaan pero sa kasamaang palad ay wala. Malamang nagsisimula ulit ang klase. Sana naman ay magtaka si Lyca kung bakit ang tagal kong bumalik at puntahan ako dito. Hindi ko pa naman dinala ang cellphone ko.
Pumasok na muna ako ulit at niyakap ang sarili. Sana naman may dumaan dito. Nabuhayan ako ng loob ng makarinig ng mga yabag. Pagkasilip ko sa pintuan ay nagulat ako ng makita si Lawrence na naglalakad.
"Sharlene?" gulat niyang banggit sa aking pangalan ng makita niya ako.
Awkward akong napangiti at hiyang hiya sa aking itsura.