SHARLENE
Umalis din naman agad si Marco pagkatapos naming mag usap. Tinamad na din akong magparoom service kaya naman natulog na lang ako.
Nagising ako ng maramdamang may humalik sa aking pisngi. Dahan dahan akong nagmulat at napangiti ng makita si Kevin.
"Hi. I'm sorry to keep you waiting. Nagkaproblema kasi sa set kanina." paliwanag niya habang hinahaplos haplos ang aking buhok.
"It's okay." nginitian ko siya at bumangon na. "Anong oras na?" pagtingin ko sa nakabukas na kurtina ng sliding door ay nagulat ako ng makitang madilim na. Ganoon ako katagal na natulog?
"It's already nine. Nag dinner ka na ba?"
Ibinalik ko sa kaniya ang tingin at tumango kahit ang huling kinain ko kanina ay ang breakfast na pinadala niya.
"Ikaw?" balik tanong ko.
"Tapos na din. We had a dinner kasabay na din ng emergency meeting." napatango ako.
"Are you staying again?" nahihiyang tanong ko.
"Can I?" balik tanong niya. "4am pa naman ang call time namin, I can stay if that's okay with you."
Napangiti ako at niyakap siya.
"I missed you." bulong ko.
Narinig ko ang kaniyang mahinang pagtawa kasabay ng paghigpit ng yakap niya sa akin.
"I missed you too."
Lumayo ako sa kaniya noong may maisip.
"Hindi ka ba nila hahanapin? I mean, baka magtaka na sila dahil kagabi ka pa hindi natutulog sa room mo."
"I told them that I'm tired kaya wag nila akong istorbohin. I'll make sure to be back before they wake up." paliwanag niya.
Tumango ako at nginitian siya.
"Let's have a snack?" pag aaya ko dahil hindi ko na talaga makayanan ang gutom.
Saglit niya akong tinitigan na ikinangiti ko.
"Hindi ka pa kumakain no?" hula niya na ikinatawa ko.
"Kaninang breakfast lang ako kumain." pag amin ko. "Nakatulog kasi ako maghapon."
"Why didn't you tell me? Tinanong pa kita kanina." naiiling niyang sabi at naglakad na papunta sa telepono para magparoom service.
Pinanood ko lang siya habang may kausap sa telepono. Napapangiti ako kapag lilingunin niya ako at iilingan. Noong dumating ang mga inorder niya ay nagsimula na din kaming kumain.
"Mabuti na lang at kaunti lang ang kinain ko kanina." sabi niya habang hinihiwa ang steak sa aking plato. "Next time sabihin mo kaagad kapag hindi ka pa kumakain. Don't lie to me again."
"Okay." sagot ko at hinalikan siya sa pisngi na ikinagulat niya.
Nginitian ko lang siya noong tumingin siya sa akin.
"Hindi ba magagalit ang manager mo?" tanong ko habang kumakain.
"I'm planning to stop. Maybe after this project." gulat akong napatingin sa kaniya.
"What? Why?"
"I don't like to hide our relationship."
"Pero.."
"I've been in the industry for five years. I know my fans will understand if I want to settle down already."
"S-settle down?" gulat kong ulit sa kaniyang sinabi.
"Why?" seryoso niyang tanong sa akin. "Tingin mo ba pakakawalan pa kita? Itatali na kita sa akin kaya wag mo ng subukang kumawala pa ulit."
Saglit akong hindi nakapag react at nakatingin lang sa kaniya. Bumuntong hininga siya at hinarap ako ng mabuti. Hinawakan niya ang aking kamay at hinalikan iyon.
"For the past five years that we're not together, sobrang pinagsisihan ko 'yon. I feel like I've been so selfish dahil tinuloy ko itong pangarap ko. I got really hurt when you left me. Sinabi ko sa sarili ko na kapag dumating yung araw na makita kita ulit.. ikaw naman ang pipiliin ko. Ikaw naman ang uunahin ko.. and I want to keep that promise. I still want to be with you." nginitian niya ako at hinalikan sa noo. "I love you so much, Sharlene and I will never let you go again."
Parang hinaplos ang aking puso ng marinig ang mga salitang iyon. Knowing that he still loves me this much is so overwhelming. Niyakap ko siya ng mahigpit at napangiti.
"I love you too, Kevin." bulong ko pero sapat na para marinig niya.
Kinabukasan ay muli akong nagising na wala na si Kevin. Kinuha ko ang aking cellphone at nakitang may text galing sa kaniya.
From: Kevin
Good morning mahal. I love you. See you later.Napangiti ako dahil hanggang ngayon ay tanda pa pala niya ang endearment namin noong high school. Bago pa ako makapagreply ay napabangon na ako ng may kumatok sa pintuan. Nagpadala ba ulit siya ng breakfast? Sa isiping iyon ay nakangiti akong naglakad papunta sa pintuan pero unti unti din iyong nabura noong makita kung sino ang bisita.
"Hailey."