COY 20

155 15 1
                                        

SHARLENE

After naming kumain ng lunch ay muli kaming sumakay sa aming bus para pumunta sa aming first destination, ang strawberry farm. Nang makarating ay kabi-kabilang picture taking ang ginawa namin. Bumili din kami ni Lyca ng key chain habang bumili naman si Kevin ng couple shirt namin.

Sunod naman na pinuntahan namin ay ang Tam-Awan Village at after doon ay sa Wright Park naman kung saan sumakay kami ng kabayo. Nagpicture kami ni Kevin habang nakasakay doon pareho at nakayakap sa akin.

"Kayo na sweet!" sigaw ng kaklase naming babae dahilan para lingunin na kami ng iba.

"Nakakainggit! Sana all!" natawa na lang ako sa isinigaw nila at napailing.

Sunod naman ay ang The Mansion na malapit lang sa Wright Park. Halos mapuno na ng picture ang storage ng aking cellphone at mabuti na lang ay may dalang camera si Kevin kaya marami kaming nakukuhang litrato.

Noong mag alas sais ng gabi ay bumalik na kami sa hotel para makapagpahinga bago kumain ng dinner. Napatingin ako kay Hailey na bagong pasok sa aming hotel room. Ngiting ngiti siya at aaminin kong sobrang ganda niya talaga.

"Mukhang masaya ka ah. May nangyari ba?" pang uusisa ko.

"Wala naman." sagot niya at nginitian pa ako ng matamis na ikinabahala ko.

Alam kong masamang mag isip ng hindi maganda sa kapwa pero.. nag usap ba sila ni Kevin? Inamin niya na bang may gusto siya sa boyfriend ko kaya ganyan siya makangiti? Nakagat ko ang pang ibabang labi at napailing iling. Wag kang paranoid, Sharlene. Baka masaya siya sa ibang bagay.

Huminga ako ng malalim at inalis na iyon sa aking isipan. May tiwala naman ako kay Kevin at ramdam ko naman na mahal niya ako.

Kinabukasan ay sa Burnham Park, Botanical Garden at Mines View Park naman kami nagpunta.

"Wow." yun na lang ang aking nasabi ng makarating sa last destination namin ngayong araw, ang Mines View Park.

Grabe, sobrang ganda dito. Medyo hindi na makita ang ibaba dahil sa fog pero hindi iyon nakabawas sa ganda ng paligid.

"Ang ganda dito girl!" tuwang tuwa na sabi ni Lyca.

Napangiti ako at tumango bilang sagot. Tumingin ako sa paligid at napakunot noo ng hindi makita si Kevin.

"Si Kevin? Napansin mo?" tanong ko kay Lyca na abala sa pagkuha ng litrato.

"Magbabanyo daw. Nagpaalam sayo ah. Hindi mo lang siguro narinig." sagot niya.

Nakagat ko ang pang ibabang labi at hinanap din si Hailey. Napaayos ako ng tayo ng maging siya ay hindi ko makita.

Nagsimula na akong humakbang para hanapin si Kevin. Hindi ko alam kung talaga bang selosa ako o ano pero hindi ko gusto ang nararamdaman ko ngayon.

Napatigil ako sa paghakbang nang makita ko na ang restroom. Lumunok ako at nagdalawang isip kung pupuntahan ba doon si Kevin. Magagalit kaya siya? Hindi ba niya magugustuhan kapag nalaman niyang sinundan ko siya dito dahil kung anu ano na ang iniisip ko?

"Sharlene." natigilan ako ng makita si Lawrence sa aking harapan. "Why are you alone?"

"Wala lang." sagot ko at tipid siyang nginitian.

"Let's go. Sabay na tayong bumalik." nakangiting alok niya.

Tatango na sana ako pero para akong nanghina ng makita si Kevin habang nakasunod sa kaniya si Hailey. Diretso lang sa harap ang tingin ni Kevin habang naglalakad pero may ngiti sa labi ni Hailey na aking ikinabahala.

Hinawakan ko ang braso ni Lawrence at hinila siya palayo doon. Takot na baka makita ako ni Kevin. Takot sa kung ano ang pwedeng mangyari kapag nakita niya ako.

Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng aking puso. Nanlalabo na din ang aking mga mata dahil sa mga luhang sunud sunod na tumutulo pero wala akong lakas para punasan iyon. Napapikit ako at ramdam ang pagsikip ng aking dibdib. Ramdam ang sakit na unti unting dumadaloy sa aking puso.

Unti unti akong napatingin kay Lawrence noong magsimula siyang punasan ang aking luha. Hindi niya ako tinitignan sa mata habang ginagawa niya iyon. Para bang iniiwasan niyang makasalubong ang aking tingin.

"Stop it. Stop crying." seryosong sabi niya na halos hindi ko siya makilala sa mga oras na ito dahil sa sobrang kaseryosohan niya. Tumitig siya sa aking mga mata na ikinaawang ng aking labi. "I said stop it.. habang nakakapagtimpi pa ako."

Crazy Over You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon