SHARLENE
Alas tres ng madaling araw ng sunduin ako ni Kevin dahil four am ang call time namin sa school. Ngayong araw na ang 3 days and 2 nights na tour namin sa Baguio.
"Nagdala ka ba ng maraming jacket?" tanong niya habang nagmamaneho.
"Yup." nakangiting sagot ko.
"You looks so excited." puna niya at saglit pa akong nilingon.
"First time ko kasing makakapunta doon. Ikaw?"
"I've been there for a few times." tumango tango ako.
"Edi kabisado mo na doon?"
"Sakto lang."
Pinanood ko si Kevin na nilalagay ang maleta ko sa compartment ng bus. Isang travelling bag lang ang dala niya samantalang ako ay isang maliit na maleta at isang sling bag para sa mga personal na gamit ko.
"Let's go?" tanong niya na ikinatango ko.
Sumakay na din kami sa bus at nakinig sa ilang paalala ng adviser namin bago tuluyang umalis.
Napatingin ako kay Kevin ng isuot niya sa akin ang kaniyang eye glasses.
"Matulog ka muna." nginitian niya ako at iginiya ang aking ulo sa kaniyang balikat.
Napangiti ako ng hawakan niya din ang aking kamay. Pumikit na muna ako since inaantok pa talaga ako.
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Napadilat ako at nang tignan ko si Kevin ay natutulog na din siya. Tinignan ko din ang mga kasama namin at nakitang iilan lang din ang gising.
Kinuha ko ang aking cellphone at pinicturan si Kevin. Nagselfie pa kami at kinuhaan ko din ng litrato ang kamay naming magkahawak. Tumingin ako kay Kevin ng gumalaw siya. Napangiti ako ng makitang nagising na siya.
"Good morning." inaantok pang bati niya.
"Good morning din. You're hungry? May baon akong sandwich." alok ko.
"I'm still sleepy. Mamaya na lang siguro ako kakain." sabi niya at muling pumikit.
Hinayaan ko na lang siyang magpahinga at tumingin na lang muna sa labas ng bintana. Napatingin ako sa bus na nasa gilid namin at nakita ko si Lawrence. Nginitian niya ako noong makita ako kaya napangiti din ako. Naramdaman ko ang paghinto ng bus kaya naman tumingin ako sa harapan.
"Mag CR na ang mga kailangang mag CR." sabi ni Ms. Malou.
Isa isa nang nagtayuan ang mga kaklase namin. Napatingin ako kay Lyca noong sumilip siya sa akin.
"Besh, CR tayo." sabi niya na agad kong tinanguan.
"Kevin. Kevin." paggising ko sa kaniya.
"Are we in Baguio already?" inaantok pang tanong niya.
"Wala pa. CR break lang. Bababa muna kami ni Lyca." paalam ko.
"Okay." tumayo naman siya para makadaan ako ng maayos.
"Hay sa wakas! Nakababa din! Sumakit pwet ko doon ah!" reklamo ni Lyca na ikinatawa ko. Tinignan niya ako at sinimangutan. "Sana all may katabing dyowa. Inggit ako sayo girl!"
"Baliw!" nakangiting sabi ko.
Lalabas na sana ako sa cubicle pero napahinto ako ng marinig ang usapan ng nasa labas.
"Why Kevin? May girlfriend na yun ah."
"That's the thrill. Isa pa, hindi mo ba napapansin sa mga tingin niya sa akin na gusto niya din ako?" boses iyon ni Hailey.
"Ikaw ang bahala. Lahat naman ng gusto mo kayang kaya mong makuha eh."
"I know right. Walang aayaw sa akin."
Nakagat ko ang pang ibabang labi at hinintay na tuluyan silang umalis bago ako lumabas. Buti na lang at nauna ng lumabas si Lyca dahil may bibilhin daw siyang pagkain. Kung nagkataon na nandito siya baka may gulo pang mangyari.
I just can't believe na masasabi iyon ni Hailey. Her angel presence was suddenly gone. Hindi ko akalaing ganoon pala siya. At ano daw? May balak siyang agawin si Kevin? Sa sobrang ganda niya paniguradong lahat makukuha niya. Sana naman mag isip siya at doon na lang siya sa walang karelasyon. Bigla tuloy akong nainis sa kaniya. Yung paghanga ko sa kaniya ay biglang naglaho na parang bula. Para siyang isang artista na biglang nalaos sa aking paningin.
Noong bumalik kami sa bus ay nagulat ako ng ngitian ako ni Hailey. Nginitian ko na lang din siya ng tipid para hindi niya mahalatang narinig ko ang mga sinabi niya kanina.
"Bakit ang tagal mo?" yun agad ang tanong ni Kevin noong makaupo akong muli sa kaniyang tabi.
"May tinignan lang kami ni Lyca." pagsisinungaling ko. "Gutom ka na ba?"
"Yup. May sandwich ka di ba?"
Ngumiti ako at tumango. Kinuha ko ang aking bag at kinuha doon ang inihanda kong sandwich kanina.
"Thanks." nakangiting sabi niya at nagsimula ng kainin ang sandwich na inabot ko.
Napangiti ako habang pinapanood siyang kumain. Then I suddenly realized na hindi niya pa sinasabing mahal niya ako. He only said that he likes me. Kapag gumawa kaya ng paraan si Hailey para maagaw siya sa akin, bibigay ba siya agad? Iiwan niya kaya ako at si Hailey ang pipiliin?
![](https://img.wattpad.com/cover/242977914-288-k604786.jpg)