Five years later..
SHARLENE
"Sobrang sikat na talaga ni Kevin 'no?" sabi ni Lyca habang kumakain ng cupcake.
Napatingin ako sa TV na nasa aming harapan. Napangiti na lang ako ng makita si Kevin. He's an actor now. A successful one. Kahit baguhan pa lang siya ay talagang in demand na siya, kasama sila Hailey at Lawrence.
"Hindi ka ba nagsisisi na pinakawalan mo siya?" nilingon ko si Lyca at nginitian.
"I'm not. Bakit ako magsisisi kung maganda naman ang kinalabasan ng desisyon ko noon?"
"Pero.."
"Tama na yan. I already moved on. Limang taon na din ang lumipas." tumayo na ako at kinuha ang aking bag. "Aalis na ako. Bibisita ako ulit next time."
Tumayo din siya at niyakap ako.
"Okay. Ingat ka."
Ngumiti ako at tinanguan siya.
Habang naglalakad ay hindi ko mapigilan ang sariling alalahanin ang nangyari five years ago.
Kevin, got an offer with a TV entertainment. Actually, hindi lang siya. Maging sila Hailey at Lawrence ay gustong kunin ng sikat na TV station matapos maging successful ng play nila.
I'm so happy for him. Gusto ko siyang suportahan sa panibagong career niya. Gusto kong nandoon ako sa tabi niya pero..
"I'm so sorry hija. I already talked about it with Kevin pero ayaw niyang pumayag. I hope you understand na pwedeng maging sagabal sa pag sikat niya kapag nalaman ng fans niya na may girlfriend siya di ba? Isa pa, baka hindi tangkilikin ang magiging loveteam niya." sabi ni Ms. Lily, ang manager ni Kevin.
Naikuyom ko ang aking kamao at tipid na napangiti.
"Naiintindihan ko po. I'm going to break up with him. Kahit hindi niya sinasabi alam kong pangarap niya ito at ayaw kong maging sagabal sa kaniya."
"Thank you hija. Thank you for understanding and I'm so sorry."
"What did you say?" hindi makapaniwalang tanong ni Kevin.
"Let's break up." walang emosyon kong sabi.
"Did Ms. Lily talked to you? Sinabi niya bang gawin mo yan?" galit niyang tanong.
Bumuntong hininga ako at hinarap siya.
"Desisyon ko 'to. Walang nagsabi sa akin na gawin 'to. I'm sorry pero gusto ko ng makipaghiwalay."
"Then tell me, why? Okay naman tayo di ba?" hinawakan niya ang aking kamay pero inalis ko din iyon agad.
"Yun na nga eh. Okay tayo. Akala ko okay lang na okay tayo. Akala ko.. akala ko mahal kita pero hindi pala. I got tired. Wala nang thrill. Nakakaboring na." lakas loob kong sabi.
Halos bawiin ko ang mga sinabi ko ng makita ang sakit sa kaniyang mga mata.
I'm sorry Kevin, pero para sayo din 'to.
"Anong gusto mong gawin ko? Sabihin mo, gagawin ko lahat ng gusto mo. Gusto mo bang magdate tayo sa malayo? Gusto mo bang wag ko ng tanggapin yung offer sa akin?"
"Kevin, tama na. Let's just stop. Wala ka ng magagawa. Buo na ang desisyon ko. Let's stop here."
Napabuntong hininga ako at tipid na napangiti. It's a good desicion. Oo, noong mga unang buwan ay pinagsisihan ko talaga ang pakikipaghiwalay ko sa kaniya. Araw araw ko siyang namimiss. Kapag napapanood ko ang mga teleserye at interview niya ay umiiyak pa ako, but time healed me. Kaya ko na siyang panoorin na hindi umiiyak. Kaya ko na siyang panoorin na kapag tumatawa siya ay natatawa na din ako.
Nang makarating sa restaurant na pinagtatrabahuan ko ay nakita ko agad si Rose Ann na nakaabang sa akin. Napailing na lang ako ng makita ang ngiti sa kaniyang labi.
"Ano na namang chika mo?" tanong ko habang naglalakad papunta sa office.
"Dalawa ang chika ko ngayon! First, si Gary at Bianca." sabi niya habang sumusunod sa akin. "Mag dyowa na pala!"
Gulat ko siyang nilingon dahil sa narinig.
"Talaga?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Oo nga. May nakakita sa kanila na magkaholding hands kahapon."
"Wow. Nasaan ngayon si Gary? I want to congratulate him." masayang sabi ko.
"Mamaya pa ang duty niya. Ayain nating magcelebrate mamaya." tumango ako at napangiti.
Gary is a good friend of mine. Halos lahat kami ay alam na may gusto siya kay Bianca kaya naman sobrang saya ko dahil sila na pala. He deserves to be happy at alam kong mapapasaya niya si Bianca.
"So, ano yung pangalawa mong chika?"
"May customer tayo sa VIP room. Magugulat ka! Nandito sila.."
"Ma'am, may nagcocomplain po." takot na sabi ni Luisa dahilan para matigil sa pagsasalita si Rose Ann.
Lumabas ako sa opisina para tignan ang nangyayari.
"Nasaan?"
"Sa VIP room po."
"What?! Anong nangyari?" gulat na tanong ni Rose Ann.
"Okay. Ako na ang bahala." nginitian ko si Luisa at tinapik sa balikat para mabawasan ang kaniyang kaba. Tinignan ko naman si Rose Ann at tinanguan. "Mamaya na tayo ulit mag usap."
I am now a manager in a fine dine restaurant. After ng isang taon kong pagiging waitress ay napromote na din ako.
Nang makarating sa VIP room ay kumatok ako ng tatlong beses bago buksan ang pintuan.
"Good afternoon. I am the manager.." napahinto ako sa pagsasalita ng makita kung sino ang nandoon.
![](https://img.wattpad.com/cover/242977914-288-k604786.jpg)