SHARLENE
"Anong sabi?" tanong ko kay Kevin ng makalabas kami sa theatre room.
"Isasama daw nila ako sa cast sa upcoming play."
"Talaga? Wow! Mukhang magiging busy ka na palagi ah." excited kong sabi. "Pwede akong maging manager mo." alok ko.
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at inilingan.
"I don't need a manager like you. Anong akala mo sa akin? Superstar?" masungit niyang sabi.
"Ikaw naman oh. Lahat kaya ng mga kasali sa theatre club may student manager. Pwede mo akong tawagan kapag may kailangan ka o kaya kapag may gusto kang pagkain."
"Pag iisipan ko."
"Pag iisipan mo pa? Sobrang swerte mo na nga at inaalok ko na ang sarili ko sayo no. I mean, para maging manager mo."
"Umuwi ka na."
"Sungit mo talaga. Bye na nga."
Nauna na akong naglakad palabas ng school at nag abang ng jeep.
Bahala nga siya dyan. Darating na lang ang araw na siya na mismo ang magmamakaawang maging student manager niya ako. Natawa ako sa isiping iyon.
"Why are you laughing alone?" natigil ako sa pagtawa at napunta ang tingin sa taong nakatayo sa aking gilid.
"L-lawrence." nahihiyang pagtawag ko sa kaniyang pangalan. Baka isipin niya baliw ako?
"Bakit tumatawa kang mag isa?" pag uulit niya sa tanong niya.
"Ah may naalala lang akong nakakatawa." awkward kong sagot.
Ngumiti siya dahilan para muli na namang malusaw ang aking puso. Takte naman oh! Why so gwapo kuya?!
"Uuwi ka na ba? Gusto mong sumabay na sa akin? Susunduin ako ng driver namin." alok niya na agad kong inilingan.
"Ah hindi na no! Nakakahiya tsaka may dadaanan pa kasi ako." pagsisinungaling ko.
"Are you sure?" ngumiti ako at tumango bilang sagot.
Napatingin ako sa puting sasakyan na huminto sa aming harapan.
"Sige na. Bye." nakangiting sabi ko.
"Okay. Bye." kumaway siya at muli akong nginitian.
Sinundan ko siya ng tingin mula sa pagpasok niya sa sasakyan nila hanggang sa tuluyan na silang makaalis.
Bakit kaya pinapansin na niya ako ngayon? Dahil ba nakita ko sila noon nung babaeng kasama niya? Siguro iniisip niyang chismosa ako. Hay. Baka naturn off na siya sa akin.
"Ay palakang itlog!" gulat kong sabi noong bigla na lang may mukhang sumilip mula sa aking gilid.
"Palakang itlog?" kunot noong tanong ni Kevin.
"Ano ba yan?! Wag ka ngang manggulat dyan!" sabi ko at hinampas siya ng mahina. "Akala ko ba uuwi ka na?"
"Naghihintay ako ng masasakyan."
"Talaga? Nagjejeep ka din pala? Akala ko may sasakyan kayo eh. Saan ka ba nakatira? Sabay na tayo."
"Ayaw ko."
"Tss. Napakasungit mo talaga." naiiling kong sabi. "Oh may jeep na. Tara na."
Tinignan niya ang jeep at umiling.
"Hindi dyan ang daan ko."
"Ah medyo malayo pala ang bahay niyo. Sige na. Dito na ko. Bye!" tumango lang siya habang nakatingin sa akin.
Nginitian ko siya at sumakay na din agad sa jeep.
Pag uwi ko ay wala pa si Mama kaya naglinis na muna ako ng bahay. Hinugasan ko ang mga naiwang hugasin at nagligpit ng sampay. Nang matapos ay umakyat na ako sa aking kwarto para maligo.
Tulad ng nakasanayan ay sa sala ako gumawa ng assignments habang hinihintay si Mama. Kung itatanong ninyo kung nasaan ang aking Papa ay hindi ko din alam. Basta ang sabi ni Mama ay hindi ako pinanagutan ni Papa. Kaya nga bilib na bilib ako kay Mama eh, hindi ko alam kung gaano kahirap ang mga dinanas niya noong ipinagbubuntis niya ako hanggang ngayong malaki na ako. Saludo ako sa mga single mother.
"Anak?" napatingin ako sa pintuan ng marinig ang pamilyar na boses ni Mama. Napangiti ako ng makita siya doon at nagtatanggal ng kaniyang sandals.
Tumayo ako at kinuha ang mga gamit na dala niya.
"Tapos na akong mag saing, Ma. Anong uulamin natin?"
"Bumili ako ng pang adobo. Ikaw na ang bahala."
"Okay!" excited kong sabi.
Two months ago ay nag aral ako kung paano magluto at talagang nagustuhan ko ang gawaing iyon. Kaya nga ako na ang nagluluto ng ulam namin at nagugustuhan din naman ni Mama ang mga niluluto ko.
"Magbibihis na muna ako."
"Okay Ma. Tatawagin kita kapag kakain na tayo." nakangiting sabi ko.
Ngumiti din siya at hinaplos ang aking buhok.
"Dalaga ka na nga pero bawal pa magboyfriend ha!" paalala niya.
"Hindi nga ako gusto ng crush ko eh." natatawang sabi ko.
Natawa din siya at napailing na lang.
Hindi ko man nakilala ang Papa ko ay kuntentong kuntento na ako kay Mama. Gagawin ko ang lahat para mabigyan siya ng magandang buhay.