COY 42

267 17 46
                                        

3 months later..

SHARLENE

"What did you say?" kunot noong tanong ni Kevin.

Iniwan niya ang nilulutong pork steak at umupo sa aking tabi.

"Let's not see each other for a while." ulit ko sa sinabi ko kanina.

"Wait. But why?" naguguluhan niyang tanong.

Nakagat ko ang pang ibabang labi at napabuntong hininga.

"Wala lang. I just don't want to see you." sagot ko na ikinagulat niya.

"Are you breaking up with me again?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Hindi ko sinabing magbreak tayo. Ang sabi ko lang ayaw kitang makita." paliwanag ko. "Saan ang connect nun?" inis ko pang tanong.

It's been three months since we started dating again. Bumalik din ako sa Manila dahil yun ang kaniyang request. Mama was a bit hesitant pero kalaunan ay pumayag din naman. Dito pa din ako sa aming bahay nakatira at bumibisita lang siya. Hinihintay na lang niyang matapos ang airing ng kanilang teleserye bago siya tuluyang magpaalam sa kaniyang mga fans pero nagsisimula na siyang tumanggi sa mga offer sa kaniya.

"What is happening to you? May sakit ka ba?" tanong niya at kinapa pa ang aking noo.

"Wala. Umuwi ka na nga. I don't want to see you." sabi ko at tinalikuran pa siya.

Ilang minuto siyang natahimik kaya naman nilingon ko siya at nagulat ako ng makitang nakangiti siya na ikinasimangot ko.

"Bakit ka ba nakangiti dyan?! Nakakainis ka!" sabi ko at pinalo pa siya sa kaniyang braso.

"Are you pregnant?" tanong niya na ikinalaki ng aking mga mata.

"A-anong sabi mo?" gulat kong tanong.

"Am I going to be a Dad?" ngiting ngiti niyang tanong.

Saglit akong natigilan at napatakip sa bibig nang marealize ang posibilidad na iyon. Right! I'm delayed! Is that the reason of my mood swings? Kaya ba nagiging maarte na din ako pagdating sa mga pagkain?

Sobrang lakas ng tibok ng aking puso ng makarating kami sa clinic ng kilalang ob-gyne ng Mommy ni Kevin. Siya na mismo ang nag insist na magpacheck up na kami para malaman kung talaga bang buntis na ako.

"Paano kung buntis nga ako?" kinakabahan kong tanong sa kaniya.

"Edi mapapabilis ang kasal natin." mabilis niyang sagot.

"But we only did it once. Nakabuo tayo agad?" bulong ko sa kaniya na ikinatawa niya.

"Relax, okay." hinawakan niya ang aking kamay at nginitian ako. "Buntis ka man o hindi, I will still marry you."

Hawak hawak ni Kevin ang aking kamay habang nakahiga ako sa hospital bed at may kung anong equipment na ipinapaikot sa aking tiyan.

"That's your baby." nakangiting sabi noong doktor. Nanatili lamang ang aking tingin sa monitor. "Hindi pa siya gaanong kita dahil two months pa lang naman but your child is there."

Tumingin ako kay Kevin na nakafocus din ang tingin sa monitor. Noong tumingin siya sa akin ay halos maluha ako ng makita ang mangiyak ngiyak niyang mga mata.

"You're really pregnant, mahal." bulong niya at hinalikan ako sa noo.

Napangiti ako at pinunasan ang luhang tumulo sa kaniyang pisngi.

Noong matapos ang check up ay umuwi din kami agad. Habang nasa sasakyan ay hindi ko maalis ang tingin sa hawak kong ultrasound result. My baby. Talagang magiging nanay na ako. Kinapa ko ang aking tiyan at tuluyan ng napangiti.

"You're happy?" nilingon ko si Kevin at tumango bilang sagot.

"Sobra." ngiting ngiti kong sabi. "I'm so excited."

Saglit niya akong tinignan at nginitian. Hinawakan niya ang aking kamay at hinalikan iyon.

"I'm excited too. Simula ngayon sa condo ka na tumira."

Tumango ako at hindi na kumontra pa.

"But how about our parents? Kailangan ko bang pauwiin si Mama para sabay na nating sabihin sa kaniya at sa parents mo?"

"We'll just go there."

"Okay." nakangiting sabi ko.

Ngumiti din siya at saglit akong nilingon bago itinuon ang atensyon sa daan.

"That's why you're being a picky eater now."

"Oo nga eh. Kung hindi mo pa sinabing baka buntis ako ay hindi ko din maaalalang delayed ako." tumingin ako sa labas ng bintana at napangiti. "We're going to be a parents." bulong ko at nilingon siya.

"From now on, you have to be extra careful. Wag mo na ding ituloy ang paghahanap ng trabaho. Kung may gusto o ayaw ka, sabihin mo sa akin agad."

"Mahal." pagtawag ko sa kaniya.

"Hmm?"

"It's real, right? I mean, magkakaroon na tayo ng sariling pamilya?"

Hinalikan niya ang kamay kong kanina niya pa hawak hawak at saglit akong nilingon para ngitian.

"It's real. Wala ka nang takas sa akin mula ngayon." natawa ako sa kaniyang sinabi at hinigpitan ang hawak sa kaniyang kamay.

I guess it really starts here.. Our happy ending has just started.

Crazy Over You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon