SHARLENE
Noong matapos sa pagkain ay lumabas na kami at tumambay sa pool area para hintayin ang fireworks display. Marami raming guest na din ang nandito at naghihintay. Tumingin ako sa aking cellphone at napangiti ng makitang 9:30 na ng gabi.
"30 minutes na lang." masayang sabi ko. Tumawa siya kaya napatingin ako sa kaniya. "Bakit?"
"Nothing. You just really look so excited." tumango ako at nginitian siya.
"Oo naman. Hindi ko na matandaan kung kailan ako huling nakakita ng fireworks display." pagkukwento ko.
"You're just like my Mom. She loves fireworks too." nakangiting sabi niya. "Sayang at wala siya dito."
"Anong sabi ng Mommy mo noong umalis ka sa bahay niyo?"
"She cried." tipid siyang ngumiti at bumuntong hininga. "Actually, I'm not living with them. I have my own condo unit." tumango ako at nagpatuloy sa pakikinig sa kaniya. "The day I decided to leave she went to me and cried. Sinabi niyang wag akong umalis at gawin na lang ang gusto ni Daddy but I still chose my dream.. kaya ayun itinakwil ako ni Daddy." napatakip ako sa aking bibig dahil sa narinig.
"T-talaga? Itinakwil ka?" tumawa siya dahil sa aking reaksyon.
"Yup."
"Eh bakit nakakatawa ka pa dyan? Bumalik ka na sa inyo at kausapin ang Daddy mo."
"It's not that easy. Bata pa lang ako, Dad always control my life. Kaya sabi ko paglaki ko at kapag kaya ko na ay yung pangarap ko naman ang gagawin ko. Yung gusto ko naman ang susundin ko." bigla akong nakaramdam ng lungkot.
"Nakakalungkot naman pala ang nangyari sayo."
"Let's stop talking about it. Let's not ruin the mood." nakangiting sabi niya.
Pinanood ko siyang uminom ng tequila na inorder niya kanina sa bar. Behind his warm smile is a man with a family problem. Noong una ko siyang nakita ay akala ko talaga nandito lang siya para magbakasyon o kaya ay para maghanap ng girls na pwede niyang dyowain. Hindi ko akalain na pareho pala kami ng dahilan kung bakit nandito.. to clear our minds. Yun nga lang di hamak na mas malaki at mas seryoso ang problema niya kumpara sa problema ko. Kung tutuusin ay hindi naman talaga dapat pinoproblema ang tungkol sa amin ni Kevin eh. Kung kami, edi kami. Kapag hindi, edi okay lang. Wala naman kaming magagawa kung hindi talaga kami ang para sa isa't isa.
Takbuhan ko man siya ngayon.. kung kailangan talaga naming magkita ay magkikita kami kahit pa magtago ako sa malayo.
Bumalik ang aking tingin kay Marco na nakatitig lang sa hawak niyang baso na may lamang tequila. Siguro kung sakaling hindi din ako suportahan ni Mama sa mga gusto kong gawin ay maglalayas din ako. Ayaw ko man siyang iwan mag isa ay gusto ko pa din namang gawin ang mga bagay na gusto at pangarap ko. Or maybe, ipapaliwanag ko sa kaniya ng mabuti na ito talaga ang gusto ko. Tumango ako at napaisip. Right, kung sakaling darating man kami sa ganoong punto ni Mama ay kakausapin ko siya ng mabuti imbes na iwan at layasan siya.
"Marco." agad siyang tumingin sa akin noong tawagin ko siya.
"Hmm."
"After nating mag island hopping bukas pwede mo ba akong samahan sa karaoke room?"
Hindi siya agad sumagot at tumitig lang sa aking mukha. Maya maya ay tumango din naman siya at nginitian ako.
"Sure. Let's go there. I want to hear you sing." napangiti din ako hanggang sa marinig ko na ang ingay ng fireworks at ng mga tao.
Agad akong napatingin sa kalangitan at napaawang ang bibig.
"Wow. Ang ganda." manghang sabi ko at ayaw ng alisin ang tingin doon. "Ang ganda di ba?" nakangiting tanong ko ng tignan si Marco pero natigilan ako ng makitang nasa akin pala ang kaniyang atensyon.
"Yup. Maganda nga." sabi niya habang titig na titig sa aking mga mata.
Nakaramdam ako ng pagkailang dahil sa paninitig niya kaya naman nag iwas ako ng tingin at tumingin sa aming tapat pero nagulat ako ng makita kung sino ang nakatayo doon sa di kalayuan at nakatingin sa amin. Napaayos ako ng upo at naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng aking puso.
"Kevin." bulong ko sa kaniyang pangalan.
