SHARLENE
"Sharlene? Is that you?" gulat na sabi ni Hailey noong makita ako.
Ngumiti ako at inayos ang tayo.
"I am the manager here. I heard you complained. How may I help you?"
"The pasta is not yet cooked. Parang hilaw pa." sagot niya pero titig na titig sa akin.
Tinignan ko ang pasta na nasa kaniyang harapan. Lumapit ako sa kaniya at kinuha iyon.
"I'm sorry, Ma'am. Papalitan ko na lang." yumuko ako bilang paggalang at umalis na doon dala dala ang platong hawak ko.
Pagdating sa kitchen ay inabot ko iyon sa head chef namin na si Ryan.
"Hilaw pa daw yung noodles. Pakipalitan na lang."
"Ha?" kunot noong tanong ni Ryan at tinikman ang pasta. "Okay naman siya ah."
"Hayaan mo na. Maselan yung customer." sagot ko na lang.
"Fine."
Noong umalis si Ryan ay napabuntong hininga ako. Hindi ako lumabas ng kitchen at nagstay na lang muna. Who's with her? Mag isa lang siya sa VIP room pero base sa dami ng pagkaing nasa table ay sigurado akong may kasama siya. Who is she waiting?
Napapikit ako at hiniling na lang na sana ay hindi si Kevin iyon. They're loveteam. Hindi naman nakakagulat na magkasama sila pero sana.. sana wag naman sa lugar na 'to.
Oo, kaya ko na siyang panoorin sa TV na hindi naiiyak pero hindi ko alam kung kakayanin ko ng makita siya sa personal.
Kadarating ko lang pero parang gusto ko ng umuwi.
"Hey. Are you okay?" kunot noong tanong ni Ryan. "You look pale. May sakit ka?"
Umiling iling ako at hindi na nagsalita pa. Huminga ako ng malalim at kinuha na ang kapalit ng pasta ni Hailey. Paglabas ko ay agad kong tinawag si Rose Ann para siya na ang maghatid sa VIP room.
"Pakihatid na lang. May gagawin pa kasi ako sa office."
"Okay." nakangiting sabi niya at bahagyang lumapit sa akin para bumulong. "Nandiyan na si Kevin. Magpapapicture ako kung pwede." kinikilig niyang sabi na ikinatigil ko.
Napunta ang aking tingin sa daan papunta sa VIP room at bahagyang napangiti.
"Talaga? Magkasama sila?" tanong ko.
"Yup. May mga kasama din silang director. Pag uusapan siguro yung movie nila."
Hindi ko alam kung bakit pero lumaki ang aking ngiti.
"Okay. Dalhin mo na yan doon." sabi ko at nginitian siya.
Iniwan ko na siya at pumasok na sa office. So, he's really here? Hindi ko alam kung bakit pero nakahinga ako ng maluwag ng malaman na may iba pa silang kasama. Na hindi sila nandito para magdate. Sumandal ako sa aking upuan at gustong batukan ang sarili. Ipinagmamalaki ko pa kay Lyca na nakapagmove on na ako pero heto na naman ako.. nababaliw na naman marinig lang ang pangalan niya.
Umiling iling ako at inabala na lang sa ibang bagay ang atensyon. Gumagawa ako ng sales report namin ng pumasok si Rose Ann sa aking office.
"Sharlene?"
"Bakit?" tanong ko pero nanatili ang tingin sa laptop.
"Hinahanap ka ni Ms. Hailey." natigil ako sa pagtype at tumingin sa kaniya.
"Bakit daw?" kunot noo kong tanong.
"Ewan ko. Wala namang sinabi. Basta hinahanap ka lang."
"Okay. Susunod ako." nakangiting sabi ko.
Noong lumabas siya ay napakunot ang aking noo. Ano naman kaya ang gusto niya? Nandoon si Kevin. Gusto niya bang magkita kaming dalawa? Para saan? Para makita kong sila ang magkasama at wala ng chance na magkabalikan pa kami? Hindi naman ako umaasa ah.
Tumayo na ako para puntahan sila. Kung ano man ang inaasahan niyang maging reaksyon ko ay hindi ko iyon ipapakita sa kaniya. Tss.
Kumatok muna ako ng tatlong beses bago buksan ang pintuan. Lahat sila ay nakatingin sa akin noong pumasok ako. Pinasadahan ko sila ng tingin at nginitian. Ramdam na ramdam ko ang pagtitig sa akin ni Kevin pero hindi ko na siya muli pang tinignan.
"I am the manager here. I hope you're enjoying your meal." nakangiting sabi ko bago tinignan ang taong naghahanap sa akin. "I heard you're looking for me." diretso kong sabi kay Hailey. "Is there any problem?"
Ngumiti siya at tinignan si Kevin.
"She's here. I told you." ngiting ngiti niyang sabi.
"Hailey told us that you guys are schoolmates before." dinig kong sabi noong isang lalaking kasama nila kaya tumingin ako sa kaniya at nginitian siya.
"Yes. We're schoolmates before. If you don't need anything else, I'll excuse myself. Enjoy your meals." muli ko silang nginitian bago tuluyang tumalikod at umalis na doon.
---------
Hi guys! Thank you so much for reading my stories and supporting me. Sobrang naappreciate ko.
Maraming nagtatanong kung kailan ako mag uupdate sa ibang pending stories ko at ang maisasagot ko ay after nitong kwento na ito hahaha. Pasensya na kasi inuna ko itong bagong story kaysa sa mga matatagal ng pending. Dito kasi gumagana ang imagination ko kaya ito na muna ang inuuna ko. Sa mga naiinip, sorry. Basahin niyo na lang muna yung mga tapos na o kaya hanap muna kayo ng ibang story hehe. Ito na muna ang pagtutuunan ko ng pansin.
Thank you so much! Stay safe tayong lahat 🤗💕
![](https://img.wattpad.com/cover/242977914-288-k604786.jpg)