COY 25

145 14 3
                                    

SHARLENE

Naglalakad kami ni Lyca sa mall habang naghahanap ng pwedeng mabili. It's Monday at pareho naming day off kaya naman naisipan naming lumabas.

"Talaga? So, nagkita na kayo ulit?" gulat niyang tanong ng maikwento ko ang nangyari last week.

"Yup."

"Anong sabi niya? Nag usap ba kayo?"

"Nope. Kasama niya sila Hailey kaya walang pagkakataon." sagot ko at pumasok na sa penshoppe.

"What? Ganun ganun lang yun?"

"Okay na din yun. Wala rin naman kaming pag uusapan."

"Wala bang spark? You know? Hindi mo ba naramdaman na gusto mong makipagbalikan sa kaniya?" tanong niya na ikinatigil ko sa pagpili ng damit.

"Kinabahan ako na makita siya pero.. yun lang eh. Kinabahan lang ako and at the same time masaya na makita siya." mahina niya akong hinampas sa braso na ikinatawa ko na lang. "What?"

"Tss. Nakakainis ka naman! Wala na ba talagang chance na magkabalikan kayo? Number one fan niyo kaya ako." nakasimangot niyang sabi.

Natawa ako at inakbayan siya.

Aaminin kong may mga araw na yan din ang aking tanong. Magkakabalikan pa kaya kami? May second chance pa kaya kami? He's my first boyfriend kaya siguro ganito ang nararamdaman ko pero ayaw ko din namang ipilit. Kung sakaling may second chance nga kaming dalawa ay hihintayin ko na lang ang araw na iyon. Kung wala naman ay okay lang din.

Nang mapagod sa pag iikot ay nagpunta na kami sa food court para kumain. Nagtake out lang ako ng Jollibee habang siya naman ay MCDO ang binili.

"Kamusta na pala sila Tita?" tanong niya habang kumakain.

"Okay naman. Next month uuwi ako sa Palawan. Gusto mong sumama?"

"Sure! Sabihan mo lang ako kung kailan para makapagleave ako." nakangiting sabi niya.

Tumango ako at ngumiti din.

Hindi na bumalik si Mama dito sa Manila kahit wala na si Lola. She stayed there at siya na din ang namahala sa naiwang rice business ni Lola.

Nang makauwi sa bahay ay inayos ko ang mga pinamili kong grocery. Napatingin ako sa cellphone kong nagriring. Napakunot noo ako ng makitang unregistered number ang tumatawag.

"Hello?" sabi ko ng sagutin ko ang tawag. Inilagay ko iyon sa loud speaker at pinagpatuloy ang ginagawa. "Hello?" ulit ko dahil hindi naman sumasagot yung caller pero on-going naman ang call. "Is this a prank? Wala akong oras para makipaglokohan kaya.."

"Hi."

Nabitawan ko ang hawak na cup noodles noong marinig ang pamilyar na boses na iyon.

"Sharlene? Are you okay? What happened?"

Wait. Is that really him?

"Lawrence?" paninigurado ko.

I heard him chuckle.

"I'm glad my voice is still familiar to you."

Natakpan ko ang aking bibig at hindi makapaniwala.

"Lawrence! Ikaw nga!" masayang sabi ko at pinulot ang mga cup noodles na nahulog. "Where did you get my number?"

"I heard from Hailey that they met you. Nagtanong ako sa restaurant na pinagtatrabahuan mo pero day off mo daw kaya hiningi ko na lang ang number mo."

"At binigay talaga nila sayo?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Yup. I used my charms, you know?" natawa ako at napailing na lang.

Narinig ko din ang pagtawa niya mula sa kabilang linya.

"Kamusta?"

"I'm fine. I'll come back to your restaurant tomorrow."

"Okay sige."

"It's been five years since we last saw each other right?"

"Yup."

"I'll see you tomorrow. I have to go. May shoot kasi kami."

"Okay. See you. Bye."

Kinabukasan pagdating ko sa restaurant ay hindi ko inaasahang nandoon na si Lawrence sa VIP room at hinihintay na ako.

"Ang aga mo naman." nakangiting sabi ko paglapit sa kaniya.

"Good morning too." nakangiting bati niya at niyakap ako. "Gumanda ka yata lalo." pambobola niya na ikinatawa ko.

"Nambola ka pa. Nag order ka na ba?"

"Not yet. I'm waiting for you. Give me your best sellers."

"Okay. Wait lang ah."

"Sharlene!" kinikilig na tawag sa akin ni Rose Ann paglabas ko sa VIP room. "Ikaw na talaga! Bakit hindi mo sinabing close din pala kayo ni Lawrence?! Jusko! Sobrang gwapo niya girl!" natawa ako at inakbayan siya.

"Fine. Ipapakilala ko siya mamaya. For now, iready muna natin ang meal niya."

Nang maihatid na ng mga waiter ang pagkaing ipinahanda ko para kay Lawrence ay nagstay na muna ako doon at sinamahan siya.

"Hindi ka ba busy ngayon?" tanong ko habang pinapanood siyang kumain.

"Mamaya pa ang taping namin kaya I still have time. Kumain ka na muna." alok niya na inilingan ko.

"I'm still full. Kumain ako bago umalis."

"Hindi ko mauubos 'to. Join me." pagpipilit niya at inilagay sa aking harapan ang platong may laman na lasagna. "Ngayon na lang tayo ulit nagkita kaya wag mo akong tanggihan."

"Fine." sabi ko at nginitian siya.

Crazy Over You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon