SHARLENE
"Wala." halos pabulong kong sagot na hindi ko sigurado kung narinig niya ba.
Hindi siya nagsalita kaya naman tinignan ko siya. Mahina akong natawa ng makitang nagsisimula na siyang kumain.
"Kumain ka na." sabi niya at hindi na ako tinignan pa.
Napangiti ako at bumalik na din sa pagkain. Akala ko magiging awkward ang buong oras namin na magkasama sa maliit na kwartong ito but surprisingly I felt happy. Kahit hindi kami nag uusap ay masaya ako. Kahit wala siyang sinasabi ay masaya ako. Kahit hindi kami nagpapansinan basta makita ko lang siyang malapit ay masaya na ako. Maybe I missed him. Siguro pagkatapos nito ay aasa na naman ako katulad noon.. noong mga panahon na umasa akong pupuntahan niya ako.. noong mga panahong umasa ako na darating siya at sasabihing kami na lang ulit.
Nang matapos kumain ay tinignan ko ang oras sa aking cellphone. I still have 20 minutes bago matapos ang breaktime ko. Tumingin ako kay Kevin na abala din sa kaniyang cellphone.
"Mauuna na akong lumabas." sabi ko dahilan para tignan niya ako. Binaba niya ang kaniyang cellphone at itinuon sa akin ang atensyon.
"I'm sorry. Tinext ko lang yung manager ko." napakunot noo ako pero tipid din namang napangiti.
"Bakit ka nagsosorry?" nangingiting tanong ko.
"Ha? Nothing." sagot niya at umiling pa. "Tapos na ba ang break time mo?"
Muli akong tumingin sa aking cellphone at umiling.
"I still have 18 minutes." sagot ko at muling tumingin sa kaniya. "Hindi ka pa ba aalis? Baka hinahanap ka na."
Nag iwas siya ng tingin at nakita ko ang paggalaw ng kaniyang panga. Pinanood ko siyang kunin ang kaniyang mask at cap hanggang sa muli niya iyong isuot. Akala ko tatayo na siya pero muli niya akong tinignan.
"I can come again, right?" napangiti ako at tumango.
"Oo naman." tumango din siya at tumayo na kaya tumayo na din ako. "Bye. Salamat." nakangiting sabi ko.
Napatingin ako sa kaniyang cellphone ng iabot niya iyon sa akin.
"Your number."
Ilang sigundo din akong nakatitig lang doon bago kinuha. Wala naman sigurong masama kung ibigay ko ang number ko di ba? May pinagsamahan din naman kami. Nang matapos itype ang number ko ay ibinalik ko din iyon sa kaniya. Tinignan niya iyon at may tinype din na kung ano bago ko maramdaman ang pagvibrate ng aking cellphone.
Unregistered number calling..
"That's me. Save it." binalik ko ang tingin kay Kevin at tumango.
"Okay." sagot ko at sinave na ang kaniyang number.
"I'm going."
Nabalik sa kaniya ang aking tingin. Ngumiti ako at tumango. Hindi siya agad lumabas at nakatitig lang sa akin. Noong mag iwas siya ng tingin at tumalikod sa akin ay tipid akong napangiti.
Bye, Kevin.
Noong tuluyan siyang umalis ay napabuntong hininga ako. I don't know what to feel right now. Wala naman kaming ginawang masama pero pakiramdam ko ay may mali. Maybe nag aalala lang ako dahil baka malaman nila Hailey at ng manager niya na nagpunta siya dito? O dahil baka mahulog ulit ako sa kaniya? Natatakot akong mahalin muli ang kagaya niya. Kung noon ay abot kamay ko lang siya kaya madali ko siyang minahal pero ngayon ay ibang iba na. Hindi na siya ang Kevin na naging boyfriend ko noon. Malayo na ang agwat namin sa isa't isa at mas marami na ang tututol sa amin kung sakali.
Muli akong naupo at napatitig na lang sa pwesto niya kanina. Hindi ko alam kung bakit nagsimulang magpakita ulit si Kevin. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman at aasahan ko ngayon. Napatingin ako sa aking cellphone ng magvibrate iyon. Napalunok ako ng makitang may text si Kevin.
From: Kevin Garcia
See you again soon. Take care.Napahigpit ang hawak ko sa cellphone at saglit na napatitig doon bago ko ibinalik sa aking bulsa. Gustong iwasan na replayan siya. For some reason ay naramdaman ko ang paninikip ng aking dibdib. Napapikit ako at naikuyom ang kamao.
Don't.. wag kang umasa, Sharlene. Wag mong hayaan na masaktan ka at masaktan siya ulit. Tama na yung nagparaya ka. Tama na yung iniwan mo siya para sa kinabukasan at pangarap niya. Tama na yung sakit na dinanas ninyong dalawa. Wag mo ng ulitin pa.
Agad kong pinunasan ang luhang tumulo sa aking pisngi. Ang lahat ng emosyon at sakit na pinilit kong itinago sa loob ng limang taon ay unti unting gustong kumawala. Akala ko sapat na ang nailuha ko noon. Akala ko nakalimutan ko na siya. Akala ko okay na ako pero mayroon pa pala.
