COY 24

170 14 6
                                    

SHARLENE

Nang makabalik sa office ay agad kong kinuha ang aking tumbler at uminom. Parang natuyuan yata ako ng lalamunan kanina.

I wanted to tell them that I'm happy for the both of them. Gusto ko silang icongratulate sa narating nilang dalawa ngayon. That I'm so proud of them.

Naupo ako at napabuntong hininga. Sana kapag nagkita kita kami ulit ay masabi ko na iyon sa kanila. Sana hindi ako pangunahan ng kaba ko.

"Shar! Kamusta?" ngiting ngiti na tanong ni Rose Ann pagpasok sa office. "Sobrang gwapo talaga ni Kevin no?" kinikilig niyang sabi. "Tsaka bagay na bagay talaga sila ni Hailey."

Ngumiti ako at tumango.

"Actually, naging schoolmate ko sila." nanlaki ang kaniyang mga mata at biglang lumapit sa akin.

"Talaga? As in, silang dalawa? Si Kevin at Hailey?" gulat na gulat niyang tanong.

Tumawa ako at tumango.

"Oo nga."

"Wow! Edi close ka sa kanila?"

"Sakto lang."

"Nagdate ba sila dati? You know? May nakaraan ba sila?" mahinang bulong niya.

"Nope. They didn't date."

"Oh ganoon ba? Pero may naging dyowa ba si Kevin noon?"

Yup.. That's me..

"I'm not sure. Tahimik kasi si Kevin kaya hindi ko alam kung may naging girlfriend siya noon." pagsisinungaling ko.

-------------

HAILEY

"Why did you do it?" napatingin ako kay Kevin dahil sa kaniyang tanong.

"What?" kunot noong tanong ko.

Nilingon niya ako at tinignan ng masama.

"Why did you called her? Para ano?"

"I just want you two to meet. Masama ba iyon? Why? Don't tell me you're still into her?" hindi makapaniwalang tanong ko. "For Godsake Kevin! Limang taon na ang lumipas!"

"Why? Umaasa ka ba na sa limang taon na iyon ay naibaling ko na ang atensyon ko sayo?" tanong niyang nakapagpatigil sa akin. Ngumisi siya at umiling. "Dream on, Hailey."

Naikuyom ko ang aking kamao at sinampal siya.

"I hate you. I really hate you." mariin kong sabi sa kaniya.

Umalis na ako at iniwan siya doon sa parking lot ng restaurant na pinagtatrabahuan ni Sharlene.

Why? Why can't he love me? For the past five years ako na ang palaging kasama niya. Halos araw araw pero bakit.. bakit hindi pa din niya makalimutan yung babaeng nang iwan sa kaniya?

I saw his pain. I saw him cried. I watched him hurting because of her. Why can't it be me? Ano bang mayroon siya na wala sa akin?

Agad kong pinunasan ang luhang tumulo sa aking pisngi bago bumalik sa VIP room.

"Hails, where's Kevin?" tanong ni Director Cortez.

"Nasa labas po. Magpapahangin daw muna siya." sagot ko at ngumiti para hindi sila makahalata na may nangyari.

Hindi rin naman nagtagal ay bumalik na si Kevin at natapos na din ang meeting namin with Director Cortez.

"I'll go ahead. Magkita kita na lang tayo sa makalawa." nakangiting sabi ni Direk at nakipagkamay sa amin pati sa aming mga manager.

"Thank you po Direk." nakangiting sabi ko.

Nilingon ko si Kevin at nakitang nasa loob ng restaurant ang kaniyang tingin. Nakagat ko ang pang ibabang labi at napailing.

"I'll go ahead." paalam niya pero hindi naman tumingin sa amin.

Pinanood ko siyang maglakad papunta sa kaniyang sports car hanggang sa sumakay siya doon at umalis.

"Kevin is really cold. Mas malamig pa yata sa yelo." naiiling na sabi ng manager ko.

Palagi na lang siyang ganyan. Mabait lang siya sa akin kapag may ibang tao sa paligid. Ngumingiti lang siya sa harap ko kapag kailangan. For him, I am just his on-screen loveteam. Yun lang at wala ng iba.

Pagtingin ko sa restaurant ay saktong paglabas ni Sharlene. Nakangiti siya habang may kausap sa kaniyang cellphone. Umiwas na ako ng tingin bago pa niya ako mapansin.

"Let's go." sabi ko ay sumakay na din sa aking sasakyan.

Noong malaman kong nagbreak na sila Kevin at Sharlene ay natuwa ako. I thought I will have my chance.. but I won't give up. Kahit ano ay gagawin ko para mapasaakin si Kevin. I won't let her have him again. Never.

Crazy Over You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon