COY 17

174 19 5
                                    

SHARLENE

Nanonood lang ako sa practice nila Kevin habang hinihintay ang ipapagawa ni Katelyn. Habang pinapanood si Kevin ay lalo kong narerealize kung gaano siya kagaling sa pag arte. He looks so professional. Masasabi mong ito talaga ang gusto niya. Hindi na ako magugulat kung sisikat siya in the future and I will be his number one fan.

Natigilan ako ng makitang nag uusap sila ni Hailey. Alam ko namang para iyon sa play nila pero hindi ko pa din maiwasan ang hindi magselos. Kahit ako ay gustong maging fan nila eh.

Agad akong ngumiti noong tumingin si Kevin sa aking gawi. Parang sinigurado lang niya na nandito pa ako at bumalik na din sa ginagawa.

"You're sleepy?" tanong ni Kevin noong lumapit sa akin para sa kanilang 15 minutes break.

"Hindi pa naman." sagot ko at inabutan siya ng tubig.

Kinuha niya iyon at naupo sa aking tabi. Pinanood ko lang siya habang umiinom ng tubig. Nilingon niya ako noong matapos.

"Nagugutom ka na?" umiling ako bilang sagot. "Are you okay? Kanina ko pa napapansin na nakatingin ka lang sa akin."

"Wala lang." maikling sagot ko at ngumiti.

Kinapa niya ang aking noo na ikinagulat ko.

"Wala ka namang sakit. Okay ka lang ba talaga? Gusto mo ihatid na kita pauwi?" nag aalalang tanong niya na ikinatawa ko.

"Okay nga lang ako. Masama bang titigan ka?" ngumiti siya at hinawakan ang aking kamay. "Nakakahiya. Baka kung anong sabihin nila." tumingin pa ako sa mga kasamahan namin.

"It's okay. Alam naman nilang tayo na."

Hindi na ako umangal at hinayaan na lang din siya hanggang sa matapos ang kanilang break.

Hindi ko din alam kung bakit pero gusto ko lang siyang titigan ngayong araw. Gusto kong pagsawain ang aking sarili na makita siya kahit alam ko namang imposible iyon.

At noong makauwi ako ay nalaman ko ang dahilan..

"Anong sabi mo, Ma?" pag uulit ko sa sinabi ni Mama dahil baka nabingi lang ako.

"Next month pupunta tayo sa Palawan. Doon ka na din mag aaral. May sakit ang Lola mo at walang ibang mag aalaga sa kaniya."

Gusto kong sabihin kay Mama na si Lola na lang ang dalhin namin dito pero ayaw ko namang maging selfish. Alam kong mas makakabuti kay Lola kapag nandoon siya sa probinsya para makalanghap ng sariwang hangin kaysa dito sa Maynila. Nabuhayan ako ng loob ng may maisip.

"Ma, dito na lang ako. Maghahanap na lang din ako ng part time job. Tsaka isa pa, mas maganda kung dito ako magkokolehiyo."

Natigil si Mama sa pagluluto ng pritong isda dahil sa narinig.

"Kaya mo ba?" agad akong tumango at ngumiti.

"Sariling bahay naman natin ito. Tsaka malapit na din akong grumaduate ng grade 12. Sayang naman kung ngayon pa ako aalis." pangungumbinsi ko pa.

"Oh sige. Ikaw ang bahala. Tutal 18 ka na din naman. Basta tandaan mo ang mga bilin ko sayo ha."

"Opo Ma." tumayo ako at niyakap siya.

Kinabukasan ay ikinuwento ko iyon kay Kevin.

"Are you sure you're going to be okay?" nag aalalang tanong niya.

"Oo naman." siguradong sagot ko. "Mag aaral ako and at the same time, magtatrabaho."

"You don't need to work. I can help you."

"Hindi na no. Gusto ko ding maging independent."

"Fine. Basta kung nahihirapan ka na, sabihin mo lang sa akin."

Tumango ako at nginitian siya.

Ngayong araw na ang alis ni Mama papuntang Palawan.

"Sigurado ka bang ayaw mong ihatid kita, Ma?" tanong ko habang tumutulong na ilagay ang mga gamit niya sa taxi.

"Hindi na. Mag ayos ka na din ng mga dadalhin mo para sa tour ninyo bukas." niyakap ko si Mama ng mahigpit.

"Mamimiss kita, Ma."

"Tumawag ka lang kapag may kailangan ka." tumango ako at lumayo na din sa kaniya. "Mag ingat ka dito ha. Umuwi ka doon sa bakasyon."

"Ingat ka din, Ma. Ikamusta mo ako kay Lola ha."

Tumango siya at kumaway na sa akin. Pinanood ko siyang sumakay sa taxi hanggang sa makaalis na siya.

Sana lang ay hindi ko pagsisihan ang hindi pagsama sa kaniya..

Crazy Over You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon