SHARLENE
Pagbalik namin sa classroom ay bigla silang natahimik. Alam ko na agad na kami ang kanilang pinag uusapan.
Nang maupo ako sa tabi ni Lyca ay agad siyang bumulong sa akin.
"May utang kang kwento sa akin."
Napabuntong hininga na lang ako. Mukhang mahaba habang paliwanag na naman ito. Nilingon ko si Kevin noong kalabitin niya ako.
"Are you okay?" tanong niya.
Ngumiti ako at tumango bilang sagot. Noong tumingin na akong muli sa harapan ay naabutan ko silang nakatingin sa amin at nagbubulungan.
"Sino kaya ang malandi ngayon?" napatingin ako kay Cindy ng marinig iyon. "Ilang linggo pa lang yung transferee eh nalandi na niya agad. Paturo naman ng mga galawan mo oh." dugtong niya na ikinatawa ng kaniyang mga alipores.
Nag iwas na lang ako ng tingin at wala na sanang balak pang pansinin siya pero nagulat na lang ako sa sinabi ni Kevin.
"Ako ang nanlandi sa kaniya." gulat akong napatingin kay Kevin ng sabihin niya iyon. Nagsimula na namang magbulungan ang aming mga kaklase. "Sorry dahil hindi kita matuturuan ng mga galawan ko, that's only for her."
Natahimik si Cindy at tinignan ako ng masama. Inirapan niya ako at hindi na muling lumingon pa.
Ilang araw din bago humupa ang balitang kami na ni Kevin at ngayon nga ay start na din ng practice nila para sa play. As usual si Lawrence ang main role at si Kevin naman ang lead role dahil bago pa siya. Si Hailey naman ang leading lady.
Hailey is like an angel. Sobrang ganda, sobrang talino, sobrang bait at napaka amo pa ng mukha. Napabuntong hininga ako ng makitang nag uusap usap silang tatlo nila Kevin at Lawrence. Para silang mga bida sa teleserye. Bagay na bagay na silang tatlo ang magkakasama. Para silang mga totoong artista. Hindi na nakapagtataka kung pagkatapos nitong play na ito ay may kumuha na sa kanilang mga TV station.
Nakikinig lang ako sa practice nila habang tumutulong sa paggawa ng props.
"Grabe! Ang gwapo talaga ni Lawrence. Bagay na bagay sila ni Hailey." kinikilig ng isa sa mga student manager katulad ko. "Sana maging sila. Fan talaga ako ng HaiLaw loveteam."
"Hindi no! Mas may chemistry kaya sila ni Kevin! Tsaka kakaiba ang ningning sa mga mata ni Hailey kapag si Kevin ang kausap niya. KeLey lang no."
"Huy! Nandyan si Sharlene. Balita ko sila na ni Kevin." dinig kong bulong noong katabi niya.
Hindi ko na lang sila pinansin at pinagpatuloy na ang ginagawa. Siguro dapat sanayin ko na ang sarili kong makarinig ng mga ganito. Sa sobrang galing umacting ni Kevin paniguradong dadami ang fans ng loveteam nila ni Hailey.
"Sharlene?" agad akong tumayo ng tawagin ako ni Mrs. Guzman.
"Yes Ma'am."
"Pwede ka bang pumunta sa storage room para kunin yung ibang props?"
"Okay po."
Saglit kong nilingon si Kevin na busy sa pagbabasa ng script niya bago ako tuluyang lumabas.
"Kayo na daw nung transferee?" napalingon ako ng may magsalita sa aking likod at nakita ko si Luis na kaklase ko last school year. "Ano nga bang pangalan niya? Kevin ba?"
"Ah oo." maikling sagot ko.
"So, ganoon pala ang mga tipo mo? Kaya pala hindi mo ako pinayagang manligaw noon?"
Ngumiti na lang ako at hindi na muling nagsalita pa. Nang makarating sa storage room ay agad kong inayos ang mga pinapakuha ni Mrs. Guzman. Napahinto ako sa ginagawa ng biglang may magsara ng pintuan.
"Luis? Anong ginagawa mo dito?" kinakabahan kong tanong ng makitang siya ang naglock ng pintuan.
"Napaka easy to get mo doon sa transferee pero ako ni hindi mo man lang pinagbigyan?" nakangising tanong niya habang dahan dahang naglalakad palapit sa akin. "Halos isang taon din tayong magkakilala bago ako nagpasyang manligaw sayo pero siya ilang linggo lang? Nakakabastos naman yata ang ginawa mo sa akin?"
"A-ano bang pinagsasabi mo? Wag ka ngang lumapit!" sigaw ko.
"Shh. Saglit lang naman. Walang ibang tao dito bukod sa atin."
"Wag ka nga sabing lalapit eh!" naiiyak kong sabi. "Sisigaw ako!"
"Tingin mo ba may makakarinig sayo? Sa wakas, masosolo na din kita. Ang tagal ko ding hinintay 'to ah."
"Luis. Ano bang nangyayari sayo?! Umayos ka nga! Natatakot na ako sayo!" sabi ko habang umiiyak.
"Wag kang matakot. Sasaglitin ko lang naman eh. Sisiguraduhin kong mag eenjoy ka din kaya wag kang mag alala."
"Ahhh!!"
