COY 35

137 11 5
                                    

SHARLENE

Nang makarating sa Sulu Restaurant ay humakbang ako palapit sa kaniya.

"Nakakain ka na dito? Mahal ba dito? Lumipat kaya tayo sa iba?" bulong ko sa kaniya.

"It's my treat."

"Ha? Naku hindi no! Nilibre mo na nga ako ng miryenda kanina eh."

"It's okay." nginitian niya ako at ipinaghila ng upuan. "What's your favorite food?" tanong niya noong makaupo na din.

"I'm not into seafoods and vegetables." tumango siya at binuklat na ang menu na nasa kaniyang harapan.

Kinuha ko din ang menu na nasa aking harapan at binuklat iyon. Nanlaki ang aking mga mata ng makita ang presyo.

Jusko! Bakit ang mamahal naman nito? Kahit tubig mahal!

"You like sinigang na baboy? Or sinampalukang manok?" dinig kong tanong niya kaya hinanap ko iyon.

Ha? Sinigang 580 pesos at ang sinampalukang manok 540 pesos per order?

"Ah. Medyo busog pa ako kaya.." hay ano kaya? Kahit spaghetti mahal. Bakit ba dito ako binook ni Mama? Mauubos ang savings ko nito eh. "Grilled Cheese Sandwich na lang ang akin at tubig." ibinaba ko na ang menu dahil pakiramdam ko ay sumakit ang ulo ko dahil sa mga presyo.

Ibinaba niya din ang hawak na menu at pinaningkitan ako ng mga mata niyang literal na singkit na talaga. Awkward akong ngumiti. Umiling iling siya at tinawag na ang waiter.

"What's your order Sir?" nakangiting tanong ng waitress na titig na titig kay Marco.

Well, hindi ko naman siya masisisi dahil kapag nakita mo si Marco lalo na sa malapitan ay parang gugustuhin mo talagang titigan siya.

"Hmm. We'll have.. tuna fillet and norwegian smoked salmon." nanlaki ang aking mga mata ng marinig iyon. Muli kong binuklat ang menu at napanganga ng makita ang presyo ng mga inorder niya. "and we'll have two orders of two season's salad.."

"Ah Marco. Tama na. Baka hindi natin maubos." mahinang sabi ko at kinalabit pa siya pero hindi niya ako pinansin.

"One grilled cheese sandwich, one pasta carbonara." napailing ako ng hindi pa pala siya tapos sa pag order. "You want pizza?" tumingin siya sa akin at agad kong umiling. Bumalik ang kaniyang tingin sa menu. "One order of four cheese pizza.. we'll also have cheesecake and mango panna cotta. Orange and pineapple fruit shake for our drinks." sa wakas ay isinarado na niya ang menu.

Napabuntong hininga ako dahil sa dami ng kaniyang inorder. Pagkatapos ulitin ng waitress ang kaniyang mga order ay umalis na din ito.

"Gutom ka ba?" yun agad ang aking tanong sa kaniya noong maiwan na lang kaming dalawa dito sa aming table.

Tumawa siya at parang na amaze na naman sa akin. Ako nga itong dapat na ma amaze sa kaniya eh!

"Hayaan mo na. It's my first time to eat here and with someone pa. Kadalasan kasi ay sa bar ako nag didinner at umiinom lang."

"Talaga? Wala ka bang naging kaibigan dito? Ilang araw ka na dito di ba?"

"I usually stay in my villa and have a room service to bring my meals. Lumalabas lang ako kapag gusto kong magswimming tulad kanina at sa gabi ay nasa bar lang ako."

"So, are you saying that it's your first real meal in this resort?"

"You can say that." nakangiting sabi niya.

"Fine. Maghati na lang tayo ng bayad mamaya."

"No. I'm the guy so I have to pay for it."

"Pero.."

"Just join me here then bayad ka na." nakangiting sabi niya.

"Okay. Hindi na ako tatanggi pa sa biyaya." sabi ko na ikinatawa niya. Napangiti na din ako at napailing na lang.

"So, you're already a restaurant manager in Manila when you resigned?" habang kumakain ay nagkukwentuhan kami.

Tumango ako at lumunok muna bago nagsalita.

"Yup. Actually, nanghinayang din ako since halos isang taon din akong naging waitress bago naging manager, kaso ganoon talaga. Ikaw? Anong trabaho mo?"

"I'm a photographer."

"Talaga?" gulat kong reaksyon.

"Yup. Kaya nga nag aaway kami ni Daddy dahil doon. He wants me to work in our company but I love photography. I want to travel in many places and capture every moments of it." tumango tango ako at nagpatuloy sa pakikinig sa kaniya. "My Mom supports me kaso nagtatalo na din sila ni Daddy dahil sa akin kaya umalis ako. Ikaw? Ano bang nangyari sa inyo ng ex mo?" tanong niya.

"We met at school.. then nagkagustuhan. Then months later, I have to break up with him. After five years we saw each other again. Ni hindi ko nga inimagine na magkikita pa kami eh."

"And you're affected because you still like him, right? Hindi mo naman iiwan ang buhay mo sa Manila at magstay dito kung wala ka ng nararamdaman para sa kaniya."

Natigilan ako at napabuntong hininga. Natawa ako ng mahina.

"Yes. Maybe I still do like him after so many years."

-------------

GOT 7 JAEBUM as Marco Crisostomo

GOT 7 JAEBUM as Marco Crisostomo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Crazy Over You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon