COY 32

158 14 24
                                    

SHARLENE

"Where's Lawrence? Bakit hinahayaan ka niyang mag isa?" tanong ni Kevin noong makalayo kami.

"Nagpunta ako sa restroom. Naisipan ko lang magpahangin sa pool area." sagot ko.

"Paano kung hindi ako dumating? Paano kung wala ako doon at may ginawa sayo ang lalaking iyon?" inis niyang tanong.

"Sorry." bulong ko at napayuko.

Tinignan ko ang kamay naming magkahawak. Bibitaw na sana ako pero lalo lang hinigpitan ni Kevin ang kapit doon dahilan para mabalik sa kaniya ang aking tingin.

"Let's go somewhere else."

"Ha?" gulat kong sabi at napatingin sa hotel. "Baka hanapin ako ni Lawrence."

"Then text him. Sabihin mo na magkasama tayo." sa tono ng kaniyang pananalita ay parang hinahamon niya ako.

"Pumunta ako dito para sa kaniya." gusto kong bawiin ang sinabi kong iyon ng makita ang pagdaan ng pamilyar na sakit sa kaniyang mga mata na huli kong nakita noong nakipaghiwalay ako sa kaniya.

Unti unting lumuwag ang pagkakahawak niya sa aking kamay hanggang sa tuluyan na niya iyong bitawan.

I'm sorry Kevin, pero ito ang makakabuti para sayo. Kung kinakailangan kong magpaubaya ulit para sa mga pangarap mo ay gagawin ko iyon ng paulit ulit. Ayaw kong makasira sayo.. sa kung anong mayroon ka ngayon.

"Salamat pala kanina." sabi ko at bahagyang nginitian siya. "Babalik na ako sa loob."

Kasabay ng pagtalikod ko sa kaniya ay ang pagtulo ng aking mga luha. Naikuyom ko ang aking kamao at nagsimula ng humakbang palayo sa kaniya.

"Five years ago.." napahinto ako sa paglalakad ng magsalita siya. "Five years ago you walked out on me too." kinagat ko ang pang ibabang labi para maiwasang makalikha ng ingay dahil sa pag iyak. "Tinanggap ko 'yon. Hinayaan kita dahil baka kailangan mo ng space. I waited for you. I waited for you to come back to me, to take me back, to make me a part of your life again." napayuko ako at pinunasan ang basang pisngi. "But if you'll ask me again to leave you, I'm sorry but I can't. Hinayaan na kita noon. Siguro naman sapat na ang limang taon di ba?"

Humarap ako sa kaniya at nagulat ng makitang umiiyak na din pala siya. Gusto ko sana siyang lapitan at punasan ang kaniyang luha pero pinigilan ko ang aking sarili. Tinitigan ko siya at tipid na nginitian.

"I'm not the one for you. Makakasira lang ako sa pangarap mo." lumunok ako at mahinang natawa. "Ito na ba ang closure natin?" tanong ko habang tumutulo ang mga luha. "Sobrang late naman." pagbibiro ko para maibsan ang lungkot at sakit na nararamdaman. "I'm happy for you, Kevin. Deserve mo.. deserve mo ang lahat ng mayroon ka ngayon. Let's just stay as friends. Wag na nating subukan ulit at saktan pa lalo ang isa't isa."

Ngumiti ako at humakbang palapit sa kaniya.

"I can't." bulong niya habang patuloy pa din sa pagtulo ang mga luha. "I still love you, Sharlene."

Sa huling pagkakataon ay niyakap ko siya at umiyak sa kaniyang balikat.

"I'm sorry. I'm sorry for hurting you." bulong ko. "Stop loving me. I don't deserve it. I don't deserve you."

Pagkatapos ng gabing iyon ay hindi na kami muling nagkita pa. I resigned in my work para maiwasan ko ang mga taong nasa nakaraan ko. Pinili ko na lang na manirahan dito sa probinsya kasama si Mama at tulungan siya sa business.

"Anak?" agad akong tumingin kay Mama ng tawagin niya ako. "Alas nuwebe na ng gabi."

Tumingin ako sa orasan dito sa office at nagulat ng makitang alas nuwebe na nga.

"Sorry Ma. Hindi ko napansin ang oras." sabi ko at tumayo na.

"Are you really okay?" nag aalalang tanong niya. "Simula noong dumating ka dito last month ay parang wala ka sa sarili. May nangyari ba sa Manila?"

"Wala Ma." sagot ko at ngumiti para di na siya mag alala.

"Okay pero kung kailangan mo ng makakausap, nandito lang ako." napangiti ako ng haplusin niya ang aking buhok.

Nang makarating sa aming bahay ay dumiretso ako sa aking kwarto at naupo sa kama. Huminga ako ng malalim at muling naalala ang mukha ni Kevin noong gabing iyon. Him crying in front of me is too painful. I wanted to be the one who's wiping his tears but I can't. Ako ang dahilan kung bakit nasaktan siya ng todo. Ako ang dahilan kung bakit kailangan niyang maranasan ang mga bagay na iyon. Maybe loving me is not good for him. Tama lang na nakipaghiwalay ako sa kaniya noon.. dahil magiging miserable lang siya sa piling ko.

Crazy Over You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon