COY 44 (Final Episode)

227 13 7
                                    

SHARLENE

Today is the day..
Today is our wedding day..

Hindi ko alam kung bakit pero sobrang kinakabahan ako. Naghahalo na ang kaba at excitement sa akin.

"Congrats anak. Ikakasal ka na." naluluhang sabi sa akin ni Mama.

"Thanks Ma." nakangiting sabi ko at niyakap siya.

"Be a good wife to Kevin but be a better mom to your child." parang hinaplos ang aking puso ng marinig ang sinabing iyon ni Mama.

"Salamat sa lahat, Ma. Salamat sa pagtayo bilang Papa at Mama ko. I'm so blessed to be your daughter."

Ngumiti siya at muli akong niyakap. Hindi ko man nakilala ang Papa ko ay masaya pa rin ako dahil kahit kailan ay hindi ako pinabayaan ni Mama. Kahit bata pa siya noong ipinagbuntis niya ako ay hindi niya tinalikuran ang kaniyang obligasyon. Kahit pa iniwan kami ng Papa ay hindi niya naisip na abandonahin ako.

At ngayon.. ngayong naglalakad na ako palapit sa lalaking makakasama ko habambuhay ay isa lang ang maipapangako ko kay Mama.. na magiging masaya ako sa bagong yugto ng aking buhay.. kasama siya at ang magiging sarili kong pamilya.

Napangiti ako noong magharap kami ni Kevin para sa aming vows. Hawak niya sa isang kamay ang mic habang hawak naman niya ang aking kamay sa isa pa.

"Mahal.." unang salita pa lang ay agad nang nanlabo ang aking mga mata dahil sa luhang gusto na agad kumawala. "Thank you for taking me back. Thank you for making me this happy. We broke up. We got hurt." nakagat ko ang pang ibabang labi ng makitang tumulo ang kaniyang luha. Nginitian niya ako at naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa aking kamay. "At sobra kong pinagsisihan yung araw na hinayaan kitang lumayo sa akin.. but now, I promise not to let you go again. I promise to take care and love you for the rest of my life." napangiti ako kasabay ng pagtulo ng aking luha.

"Kevin, mahal.. I know I hurt you in the past. I made a decision that both hurt us. I'm sorry for that and thank you for accepting me again. Hindi ko maipapangakong magiging perpekto akong asawa but I can promise to love you.. and only you for the rest of my life."

And after we exchange our I do's..

"I now pronounce you as husband and wife." kasabay ng muli naming pagharap sa isa't isa ay ang pagpapalakpakan ng aming mga bisita. "You may now kiss the bride."

Napangiti ako noong iangat ni Kevin ang aking belo.

"I love you so much, Mrs. Garcia." nakangiting sabi niya bago ko naramdaman ang paghalik niya sa akin.

--------

"Welcome to the family hija." nakangiting sabi ng Mommy ni Kevin at niyakap ako.

"Thank you po."

"Ikaw na ang bahala sa anak namin." sabi naman ni Daddy Ben.

"Opo." natatawang sagot ko.

"We're so excited na to see our apo." napangiti ako noong haplusin ni Mommy Gina ang aking tiyan. "Stay healthy apo. Wag mong pahihirapan ang Mommy mo."

Tinignan ko si Kevin sa aking tabi at naabutan siyang nakatingin din sa akin habang nakangiti. Nginitian ko din siya at hinalikan naman niya ang tuktok ng aking ulo.

---------

It's been a month since we got married. Last week ay bumili ng bahay si Kevin para hindi na kami sa condo tumira which is I think okay dahil mas safe din kaysa sa condo. Today is our third day here in our new home and everything was just so perfect.

Kevin is still the one who cooks for our food. We don't have a maid but we call someone to do our laundry and clean the house from time to time. Mas gusto kasi namin na masolo muna ang bahay at ang isa't isa.

We just stay in our house all the time. Kahit noong nasa condo pa kami ay madalang kaming lumabas. Next month naman ay ang opening ng restaurant ni Kevin. Maybe he'll get busy once it opened dahil gusto din niya iyong matutukan pero nangako naman siyang kami pa din ng magiging anak niya ang kaniyang priority.

Ngayong hapon ay naisipan naming lumabas at pumunta sa playground ng subdivision. Pagdating namin doon ay marami ng mga bata ang naglalaro. Nakangiti ako habang pinapanood sila. Naiimagine na agad na sa susunod ay ang sarili ko ng anak ang babantayan at panonoorin ko.

Napatingin ako kay Kevin noong hawakan niya ang aking kamay.

"I can't wait to watch our child playing and running here." nakangiting sabi niya.

"Ako din." sabi ko at isinandal ang ulo sa kaniyang balikat. "Mahal."

"Hmm?"

"I love you. Sobra. I'm so happy to be with you. I feel safe knowing that you'll stay with me whatever happens."

Hinalikan niya ang kamay kong kanina niya pa hawak.

"I love you too, mahal. Sobra pa sa sobra."

Tumingin ako sa kaniya at ngumiti. Hinalikan naman niya ang aking noo dahilan para lalo akong mapangiti.

"I am crazy over you. So damn crazy." bulong niya.

Our love story has just started.. and it will never end..

••••••••••••••

Hi guys! Thank you so much for supporting and for loving the story of Kevin and Sharlene 🥰🤗

Crazy Over You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon