COY 2

308 23 3
                                    

SHARLENE

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin habang naglalakad kami papunta sa cafeteria. Nakagat ko ang pang ibabang labi at magsasalita na sana ngunit napakunot noo ako ng makitang bigla siyang lumiko.

"Teka, hindi dyan ang daan papunta sa cafeteria." pagpigil ko sa kaniya.

Huminto siya sa paglalakad at walang kagana gana akong nilingon.

"Thanks for earlier. I just wanted to get rid of them that's why I said that. Bye." sabi niya at tuluyan ng naglakad palayo sa akin.

Natawa ako ng mahina at napailing.

"Siraulo yun ah. Seryoso ba siya?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Did he just used me?" naiirita kong tanong. Pumikit ako at huminga ng malalim. "Okay. Bahala ka dyan, sana makita ka nila Cindy." inis kong sabi at umalis na din doon.

"Oh nasaan na si Kevin?" tanong ni Lyca at sumilip silip pa sa aking likod noong makarating ako sa cafeteria.

"Wag mo ng hanapin ang taong yun." sabi ko at ibinaba na sa lamesa ang tray na hawak.

"Ha?" kunot noong tanong niya. "Akala ko ba.."

Tinignan ko siya ng masama dahilan para hindi na matuloy ang iba niya pang sasabihin. Agad naman niyang itinikom ang kaniyang bibig at kumain na ulit. Kumain na lang din ako ng tahimik at hindi na inalala pa ang lalaking iyon. Tss. Sana talaga makita siya ulit nila Cindy at wag siyang tantanan. Talagang tatawanan ko siya kapag nangyari yun. Hindi na ako ulit magpapauto sa kaniya. Akala niya ah. Tsk. Lintik lang ang walang ganti.

Nang makabalik sa classroom ay tahimik na akong naupo muli.

"Nakita mo ba si Lawrence?" napatingin ako kay Cindy at sa mga kaibigan niya ng marinig ang pangalang iyon.

"I saw him earlier with Katelyn." walang pakialam na sagot ni Cindy.

"Katelyn? The president of theatre club?"

"Yup. Wala na akong pakialam kung sino ang mga nakakasama niya. I have my new apple of the eye." nakangising sabi ni Cindy.

Umangat ang kaniyang kilay ng makitang nakatingin ako sa kaniya. Napangiti siya at umayos ng upo. Tinitigan niya ako ng maigi.

"Hindi mo siya kasama kanina. Ginamit ka lang niya para makaiwas sa akin no?" ngumisi siya. "Umasa ka bang type ka niya?" nang aasar niyang tanong at tumawa pa na sinabayan ng mga bruhilda din niyang kaibigan.

Hindi ko na lang sila pinansin pa at nag iwas na ng tingin. Natahimik naman sila at narinig ko na lang na may umupo na sa aking likod. Tss. Nagbait baitan kaagad noong dumating na yung apple of the eye niya. Ganyang ganyan din siya noon kay Lawrence eh. Napailing iling na lang ako at hindi na sila inintindi pa.

Kahit papaano naman ay naging maayos ang pagtatapos ng klase. Naglalakad na kami palabas ni Lyca noong bigla kong makita si Lawrence. Pakiramdam ko ay naghugis puso ang aking mga mata dahil sa tanawin. Hindi naman ako umaasang mapapansin niya ako kaya naman noong magtagpo ang aming mga mata ay talagang bumilis ang tibok ng aking puso. Nakilala niya ba ako? Alam ba niyang ako yung tumawa at biglang tumakbo paalis kanina noong may kasama siyang babae? Sa isiping iyon ay kinabahan ako at naisipan na lang na umalis na doon pero pagtalikod ko ay nabunggo naman ako. Pagkatingin ko kung kanino ako nabunggo ay napasimangot ako ng makita ang transferee. Kung minamalas ka nga naman oh! Shemay!

"Tumingin ka sa dinadaanan mo." masungit na sabi ni Kevin.

Hindi ko na sana siya papansinin at aalis na doon pero natigilan ako ng may tumawag sa aking pangalan.

"Sharlene." dahan dahan akong lumingon sa taong tumawag sa akin at literal na nanlaki ang aking mga mata dahil si Lawrence iyon.

Paano niya nalaman ang pangalan ko?Sinong nagsabi sa kaniya? Kailan niya pa ako kilala? Namulsa siya at naglakad palapit sa akin. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa bago itinuon sa aking mukha ang kaniyang atensyon. Napalunok ako at halos manginig ang tuhod dahil sa paninitig niya. Jusko naman oh! Hindi pa naman ako nagpulbo dahil pauwi naman na. Ano bang itsura ko ngayon? Maayos ba ang buhok ko? Hindi ba masyadong oily ang face ko?

Jusko naman day! What am I going to do?!

"Your name is Sharlene, right?" napalunok ako at dahan dahang tumango bilang sagot. "I want you to audition to the theatre club for my new leading lady."

Crazy Over You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon