COY 30

142 15 5
                                        

SHARLENE

"Sigurado ka bang okay lang ang dress na ito? Para namang masyadong maganda." nag aalalang tanong ko kay Lyca.

"Girl! Puro artista ang makakasalamuha mo doon. Anong gusto mo? Magmukhang basahan sa harap nila?" tanong niya habang inaayos ang aking buhok. "Kung wala lang talaga akong pasok ngayon eh sasama ako sayo. Kaso kulang ang crew sa store kaya hindi ako pinayagang umabsent."

Tinignan ko siya sa harapan ng salamin at napangiti. Mabuti na lang at nandito si Lyca. Kung wala siya ay hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Mabuti ipinahiram ni Tita Adele itong dress. Pakisabi salamat ah."

"Oo naman no. Kilala mo naman si Tita Adele. Basta ikaw ang gagamit eh kahit bagong tahi niya ay ipapasuot sayo." sabi niya at nginitian ako. Iniharap niya ako sa kaniya at pumalakpak. "Perfect! Para ka ding artista. Baka nga matalbugan mo pa sila doon. Siguradong nganga silang lahat kapag nakita ka."

Ngumiti ako at muling humarap sa salamin. Si Lyca ang nagmake up at nag ayos ng aking buhok. Tulad ng gusto ko ay light make up lang ang kaniyang inilagay at itinali ng bun ang aking buhok na may iilang hibla pa na nakalaylay sa gilid. Huminga ako ng malalim at tumayo ng maayos.

"Oh paano? Mauuna na ako ah. Baka malate pa ako. Mag enjoy ka sa party at makisalamuha ka. Sendan mo ako ng mga picture ng artistang makikita mo doon ah." tumango ako at nginitian siya.

"Thank you Lyca."

"Wala yun! Ikaw pa ba?"

Pag alis ni Lyca ay nagpunta ako sa sala para doon hintayin ang tawag ni Lawrence. Sa totoo lang ay kinakabahan ako. Pupunta kaya si Kevin?

Agad kong kinuha ang aking cellphone sa pouch ng tumunog iyon.

Lawrence calling..

"Nasa labas ka na?" tanong ko ng sagutin ang kaniyang tawag at tumayo na.

"Yup. Saan ba dito ang bahay ninyo?"

"Wag ka ng lumabas. Ako na lang ang pupunta sayo. Baka makilala ka pa."

Hindi ko ibinaba ang aking cellphone at lumabas na.

"Wow. You look so perfect." bulong ni Lawrence sa kabilang linya na ikinangiti ko.

Agad kong nakita ang itim na kotse sa di kalayuan kaya naman naglakad na ako palapit doon. Ibinaba ko na ang aking cellphone at itinago iyon sa hawak na pouch. Mabuti na lang at wala masyadong tao dito sa amin. Nakakahiya kapag nakita nila akong nakaayos ng ganito. Binuksan ko ang front seat at sumakay na doon. Nang tignan ko si Lawrence ay titig na titig siya sa akin na ikinapula ng aking pisngi.

"Hindi ba bagay?" nag aalala kong tanong.

Dahan dahan siyang umiling at hindi inalis ang pagkakatitig sa akin.

"You look stunning. No, you look so perfect." seryosong sabi niya habang nasa aking mga mata ang tingin.

"Talaga ba? Baka maniwala na ako niyan ah." natatawang biro ko para maibsan ang kabang nararamdaman.

"I suddenly don't want to bring you on my party. Paniguradong magugustuhan ka ng mga lalaki doon. May gusto ka bang puntahan? Doon na lang tayo." alok niya na tuluyan ko ng ikinatawa.

"Sira! Ikaw ang celebrant. Hindi pwedeng mawala ka doon." huminga siya ng malalim at umayos na ng upo.

"Fine. Basta wag kang lalayo sa akin." tumango ako bilang sagot. "Let's go?"

Isinuot ko na ang aking seatbelt at nginitian siya.

"Let's go." ngumiti din siya at nagsimula ng magdrive. "Marami ka bang bisita?"

"Kaunti lang naman pero nagmukhang marami dahil sa mga media." sagot niya na ikinalaki ng aking mga mata.

"May reporters doon?" gulat kong tanong. "Mauna ka na lang pumasok. Susunod ako. Baka may makakita sa ating magkasama at maissue ka pa."

"I don't mind being link with you." sagot niya at kinindatan pa ako.

Natawa na lang ako at napailing. Nang makarating sa hotel na pagdadausan ng kaniyang party ay bigla akong kinabahan.

"Mauuna na akong bumaba tapos sumunod ka na lang after five minutes." sabi ko sa kaniya.

Tumango siya bilang sagot kaya naman nakahinga ako ng maluwag. Binuksan ko na ang pintuan ng kaniyang sasakyan at bumaba na. Mabuti na lang at walang reporters dito sa labas. Siguradong nasa loob silang lahat.

Naglalakad na ako papasok sa hotel ng may biglang humawak sa aking kamay na ikinagulat ko.

"Lawrence!" nanlaki ang aking mga mata at tumingin sa paligid. "Bakit lumabas ka agad?" tanong ko at pilit na binabawi ang aking kamay sa kaniya.

"Let's go together. I'll introduce you as my date tonight."

Crazy Over You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon