SHARLENE
"I like you. Gusto kita. Hinayaan na kitang iwasan ako sa loob ng isang linggo at tama na yun. Hindi ko na kaya."
"A-ano bang pinagsasabi mo dyan?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Tumigil ka nga."
Tinignan niya ako ng maigi na halos ikalambot ng aking mga tuhod. Gusto ba akong patayin ng lalaking ito dahil sa sakit sa puso? Napaatras ako ng magsimula siyang humakbang palapit sa akin.
"T-teka lang. Ano bang ginagawa mo?" natataranta kong tanong. "Baka may biglang dumating."
Hindi niya ako pinansin hanggang sa mapasandal na ako sa pintuan. Nanlaki ang aking mga mata ng bigla niya akong halikan. Sobrang bilis ng tibok ng aking puso. Halos hindi ako makahinga at hindi ko alam ang gagawin. Itutulak ko ba siya? Nang tignan ko siya ay nakapikit pa ang loko loko. Jusme! What to do?! Noong itutulak ko na sana siya ay huminto naman siya at humiwalay sa akin.
"Gusto kita. I really like you, Sharlene." bulong niya na halos ikapanghina ko.
Hinaplos niya ang aking pisngi at tinitigan ako. Pakiramdam ko ay kinilabutan ako dahil sa titig na iyon. Grabe talaga kumuha ng atensyon ang lalaking ito. Oras na maikulong ka na niya sa mga paninitig niya ay wala ka ng laban. Napalunok ako at gustong mag iwas ng tingin pero hindi ko din naman magawa. Napapikit ako ng muli niya akong halikan. Napahawak ako sa kaniyang braso dahil parang matutumba na ako anumang oras. Iginiya niya ang aking kamay papunta sa kaniyang balikat para doon kumuha ng lakas at kumapit habang patuloy siya sa paghalik sa akin.
Napamulat ako at nanlaki ang mga mata ng makarinig ng mga yapak na palapit sa amin. Sa sobrang gulat ay naitulak ko siya na ikinagulat din niya.
"Sorry. May tao." bulong ko.
Kumalma naman ang kaniyang ekspresyon na nasaktan yata dahil sa ginawa kong pagtulak sa kaniya. Hinawakan niya ang aking kamay at hinila na ako paupo na ikinagulat ko.
"Hindi ba tayo lalabas? Baka magtaka sila na nandito tayo." nag aalalang bulong ko. "Anong gagawin natin? Anong sasabihin natin?"
"Oh, ang aga niyo para sa meeting ah." dinig kong sabi ni Katelyn na unang pumasok.
"Meeting?" kunot noo kong tanong at muling tinignan si Kevin na nakatingin din sa akin kaya naman nag iwas na lang ako ng tingin.
"Hi Sharlene!" nakangiting bati ni Lawrence.
"Ah hi." bati ko pabalik at ngumiti ng kaunti.
Nang makumpleto ang mga kasali sa theatre club kasama ang kani kanilang mga student manager ay nagsimula na din naman ang meeting.
"As you know, next week ay magsisimula na tayong magpractice para sa upcoming play natin." panimula ni Mrs. Guzman. "I want all of you to be here at exact 4pm everyday starting next week. Kaya magpaalam na kayo sa mga magulang ninyo na malelate kayo ng uwi. Kapag sunday naman ay 10am - 7pm ang practice natin. We have one and a half month to practice kaya sana makicooperate ang lahat. Tandaan ninyong this play is our chance to be a part of the theatre actors that will compete in Thailand next year. The student managers will help us with our props and kung ano pang ibang kailangan."
After ng meeting ay lumabas na din naman kami at bumalik na sa kani kaniyang klase. Habang naglalakad ay tahimik lang kaming pareho ni Kevin. Hindi ko nga alam kung panaginip lang ba yung nangyari kanina eh pero ramdam ko pa din ang mabilis na pagtibok ng puso ko kaya siguro ay totoo nga.
Teka lang. Gusto niya ba talaga ako? Kailan pa? Mahigit isang linggo pa lang siya dito ah. Baka naman pinagtitripan niya lang ako tulad noong first day niya dito at ako naman itong uto uto? Pero hinalikan niya ako eh. Ibang usapan na yun di ba? O baka naman kinukulit siya ni Cindy kaya kailangan niya ng magpapanggap bilang dyowa niya? Kung ganoon, papayag ba ako kapag humingi siya ng pabor na maging fake girlfriend ako? No, no. Ang ganda ko naman masyado para maging fake girlfriend no. Edi sana dyinowa ko na lang si Lawrence.
"Sharlene."
"Ay dyowa!" napahawak ako sa dibdib dahil sa gulat sa pagtawag niya sa aking pangalan. Nilingon ko siya at sinimangutan. "Wag ka ngang manggulat dyan. Bigla bigla kang nagsasalita eh."
"Ano bang iniisip mo?"
Huminto ako sa paglalakad na ikinahinto din niya.
"Wala." ang dami kong gustong itanong at sabihin pero sa huli ay iyon lang ang nasabi ko.
"Starting today, we're already dating. So, don't entertain another guy."
![](https://img.wattpad.com/cover/242977914-288-k604786.jpg)